Grant's point of view
''Anak....''
Mula sa binabasa kong magazine ay nagtaas ako nang tingin.
''Why mom?''
''May bisita ka...si Cinnamon''-Mommy Ginger
Lumampas ang tingin ko kay mommy.At doon nga sa likuran niya ay nakatayo si Cinnamon in all white dress.Naalala ko na naman tuloy si Hershey...favorite color kasi niya ang white.
''Hi Grant.''Alanganin siyang ngumiti sa akin.
*dugdug* *dugdug*
Okay,ito na naman.Tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko.This is not right.
''Maiwan ko muna kayo dito.Hija,feel at home,okay?''-Mommy Ginger
''Thank you po,Mrs.Samonte.''-Cinnamon.
I rolled my eyes heavenward Pa'no,ang galang ng pagkakasabi niya niyon.Kailan pa kaya siya naging magalang?Ang alam ko lang na alam niyang gawin ay ang mangulit,maghapon,magdamag!Daig pa niya ang anino ko,lagi niya akong sinusundan sa loob ng campus namin.At mukhang balak na din niya akong kulitin sa maging dito sa bahay namin.
Ay,mali pala may isa pa siyang alam gawin bukod sa pangungulit,'yon ay ang panlalait at pagtataray.Hanep ang panlalait na ginawa niya kay Jam noong isang linggo.Wala man lang preno ang bibig.Pati 'yung best friend niya,walang paawat!.i may sound gay but,kinilig ako no'ng ...ehem...purihin nila ako.Nakakataas ng ego.Kung ano kasing grabe ng panlalait nila kay Jam ay gano'n din katindi ang pagpuri nila sa'kin.
Biglang naging alerto ang senses ko nang biglang ngumiti si mommy.Oh no! i smell trouble!Kung may pasaway man sa pamilya namin,iyon ay ang mommy ko!Parehas sila ni Cinnamon ng ugali.Sobrang kulit!
''Tita Ginger na lang,Cinnamon.Masyadong pormal ang Mrs. Samonte.''-Mommy Ginger.
''Kung 'yon po ang gusto mo,Tita Ginger.''-Cinnamon
''Halika hija,maupo ka dito.''Hinila ni mommy sa braso si Cinnamon para umupo sa sofa namin.Ito na ang sinasabi ko eh.Nagsisimula na ang mom ko.Yari na ako.
''Kaibigan ka ba ni Grant.''-Mom
Sumulyap muna sa akin si Cinnamon bago niya sinagot si mommy.
''Parang ganoon na nga po,tita''-Cinnamon
''Bakit ngayon lang ata kita nakita?Pumunta ka naman dito ng madalas,Cinnamon.''
''Kung....papayag po ba si Grant.Sige po.''-Cinnamon
Na para bang papipigil siya kapag pinagbawalan ko siyang pumunta sa bahay namin.Siya pa?Sa kulit niyang 'yan?Daig ko pa ang binabangungot,hindi ko siya matakasan.
''Nililigawan ka ba ng anak ko?''-mom
''Po?''-Cinnamon
''Mommy!''-react ko
''Hindi po!Hindi po ako nililigawan ni Grant.Hindi po talaga.''-Cinnamon
''Ay gano'n ba?Kung liligawan ka ba ng anak ko may pag-asa ba siya?Sasagutin mo ba siya?''-mom
Bago pa makasagot si Cinnamon ay inunahan ko na siya.Mamaya kung ano pa ang sabihin niya.Mahirap na.
''Mom,akala ko po ba,iiwan mo na po kaming dalawa?''
''Anak naman.Gusto ko lang makilala ang kaibigan mo.Huwag mo naman akong sungitan.''-mom
''Hindi po kita sinusungitan.Pero she's my visitor not yours.''
''Hindi daw nagsusungit..''-mom
Hindi naman talaga ako nag susungit ah?Binalingan ni mom nang tingin si Cinnamon na ngiting-ngiti.Naalala siguro niya ang bansag niya sa'kin.
''Sige,hija.Maiwan muna kita dito.Mamaya na uli tayo magkuwentuhan at inaatake na naman ng sungit ang ang anak ko.Maghahanda na lang ako ng merienda.''
''Sige po,Tita Ginger.''-Cinnamon
Humalukipkip ako nang mawala na sa paningin ko si mommy.
''Ang ganda-ganda naman ng mommy mo,Grant.Sa kanya mo malamang nakuha ang kaguwapuhan mo.''
''Pa'no mo nalaman ang address ko?''-ako
''Sinabi sa'kin ni Hershey''
Hay naku! balewala na lang talaga sa kanya ang pagsusungit ko.Ibang klase talaga siya.
''Kukulitin mo na naman ba ako,Cinnamon?ilang beses ko bang sasabihin sa'yo ang salitang ayoko bago mo maintindihan 'yon?''
Ano bang parte ng 'ayoko' ang hindi niya maintindihan?ilang beses ko ng sinabi sa kanya na ayokong magpagamot para makalakad ako uli pero mukhang hindi niya 'yon naririnig.
''At ilang beses ko din bang sasabihin ang mga salitang hindi ako susuko hangga't hindi kita nakukumbinsing magpagamot bago mo maintindihan 'yon?Kaya patas lang tayo.''At dumekuwatro pa talaga siya!
''Ano bang problema mo?''
''ikaw ang may problema,Grant dahil hindi kita titigilan hangga't hindi ka nagpapagamot''
''Seriously?''
''Yes,Mr. Grant Samonte.Bakit ba kasi ayaw mong sumailalim sa therapy session? Masyado kang pakipot.Ayaw mo bang makalakad uli?''
i sighed.''I'm .....i'm scared. What if i can't walk again?''
Napayuko ako.Naamin ko rin sa sarili ko na ayaw ko lang mabigo kapag masyado akong umasang makalalakad uli ako pero hindi naman pala mangyari.Isang tapik sa balikat ko ang nagpaangat muli ng paningin ko.Nakalapit na pala siya sa akin at nakaupo na siya sa harap ko.
''Grant,huwag mong katakutan ang isang bagay na hindi mo pa nasusubukan.Makakalakad ka uli basta buo ang loob mo,sigurado ako,muli mong maitatayo ang mga binti mo.''
''But...''
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.Nabigla pa ako nang maramdaman ko ang marahan niya iyong pinisil.Her caress assures me that everything will be alright...
''Huwag kang magpaapekto sa mgj sinasabi ng iba.Wala kang silbi?ipakita mong nagkakamali silang lahat. At habang ginagawa mo 'yon hahawakan ko ng mahigpit ang mga kamay mo tulad nito at hinding-hindi kita bibitiwan.I promise you that,Grant.You don't have to be afraid because you're not alone.I'm here for you.We're here for you.''She stares at me intently.
''Hindi ko akalaing makakatagpo ng isang katulad mo ang anak ko,Cinnamon.''-mom
Our eye contact broke.Sabay pa kaming napalingon kay mom na biglang nagsalita.
''Mom...''
''Tita Ginger.''
Lumapit sa'min si Mommy at niyakap niya si Cinnamon na mukhang nagulat.
''Napakabuti mo hija.''-mom
Hay,talaga naman!Ano pa nga ba?tulad pa rin ng dati,bigla-bigla na lang sumusulpot si mommy mula sa kung saan!
''Mom,akala ko po ba iniwan mo na kaming dalawa?''
Bagay silang magsama ni Cinnamon,parehas silang makulit!
''Na touch kasi ako sa sinabi ni Cinnamon.Wag ka namang magalit agad,anak.''-mom
''Nakikinig ka po ba sa usapan namin,mom?''
Guilty na tumango si mommy.Nasapo ko tuloy ang noo ko.
''Anak,tama si Cinnamon.Don't worry,dalawa kaming aalalay sa'yo.''
''Mukhang kailangan ko ng pumayag.Pinagkakaisahan n'yo na ako eh.''Hindi ko akalaing luluwag nang ganito ang dibdib ko sa ginawa kong pagsuko.
''Talaga?Pumapayag ka na?''-Cinnamon
''Oo na nga.''
''Talagang-talaga?''-Cinnamon
''Pumayag na nga ako't lahat-lahat,kinukulit mo pa rin ako.Sabi ng oo eh.Gusto mo bawiin ko--''
Bigla niya akong niyakap.''Thank you,Grant! wala ng bawian!Kahit maglupasay ka pa,hindi kita papayagang bawiin mo ang pagpayag mo!''
Ako ang dapat magpasalamat sa'yo,Cinnamon.Pasimple akong yumakap din sa kanya.

BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romansdo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...