LAST: YOU

8 0 0
                                    

Cinnamon's point of view

"Bessy pakopya naman ng assignment natin sa Rizal."-Coffee

Napasimangot ako."Ayoko nga. Ikaw kaya ang gumawa ng assignment natin. Hindi ka matututo kung palagi ka na lang umaasa sa akin."

"Bitter lang bessy? Ayaw mo pa kasing sagutin si Papa Grant eh. Bahala ka,ang guwapo-guwapo pa naman niya at super sikat sa mga girls."-Coffee

"CHE!"
Pa'no ko kaya siya sasagutin ni hindi pa nga siya nanliligaw sa akin. Ay shunga lang,Cinnamon? Iniiwasan mo nga siya,diba? Ayaw mo ding makipag-usap. Paano siza makakapanligaw sa'yo? As if naman liligawan niya ako. Ang kapal ko naman. Umayos na si Coffee ng upo nang dumating na ang instructor namin. Nasa kalagitnaan na kami ng klase nang biglang may pumasok na dalawang lalaki sa room namin.

"Grant? Teka,bakit kasama niya 'yang ultimate patay na kuko in town na impaktong lalaki?"

"Sobra ka naman atang makapanlait,bessy."-Coffee

Napatingin ako kay Coffee. Parang may mali. Bakit pinagtatanggol ata niya si Jam. If I remember it right,siya ang galit na galit kay Jam diba?at siya din ang nagpangalan ng 'Ultimate patay na kuko in town' kay Jam diba? O mali lang ako ng naaalala?

Nakikipag-usap sila sa instructor namin. Tapos tumingin sila sa klase namin,particularly,sa...direksiyon ko? Sa akin ba nakatingin si Grant? O assuming lang talaga akong masyado? May dala-dala silang gitara't upuan. Nakapuwesto na nga silang dalawa eh. Ano bang meron?

"Hi guys.Hi Cinn. Pasensiya na kung bigla na lang akong nanggugulo dito sa class mo. Ayaw mo kasi akong pakinggan eh. Akalain mo 'yon,ang isang Grant Samonte naghahabol sa'yo? Masyado ka kasing pakipot..."-Grant

Aba! Iniinsulto ba niya ako? Mambubuwisit lang ba siya kaya sila nandito?

"Nahalikan naman na kita eh.HAHAHAHAHAH!"-Grant

"Anong pinagsasabi mo diyan? Makapag-imbento ka ng kuwento wagas!"-ako

Nagtilian naman ang mga classmates ko. Siniku-siko pa ako ni Coffee.

"Ikaw bessy ha? Hindi ka nagku-kuwento. Totoo ba 'yun?"-Coffee

"Hindi no! Adik lang talaga 'yan. Wala pa kaya akong first kiss!"

"Meron ka ng first kiss. Ako. Ninakaw ko sa'yo. Tanong mo pa kay Hershey."-Grant

Hershey? Ano na namang kinalaman ng ghost n'ya dito?

"Marami akong gustong sabihin sa'yo.Hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan eh kaya isa-summary ko na lang. Thank you,Cinn and.... I love you. Hey,this song is for you. Pagpasensiyahan n'yo na ang boses ko. Mas magaling talagang kumanta sa'kin si Jam,my friend, kaya kinaladkad ko pa siya dito para lang haranahin ka..."-Grant

I'm speechless. Ako? As in ako talaga? Mahal niya ako?

"Coffee,honeybunch, I love you. Para sa'yo din ang kantang 'to. So listen well,okay?"-Jam

Honeybunch? Napatingin ako kay Coffe. At ang loka,kilig na kilig! Ako pala ang hindi nagku kuwento ha? Humanda siya sa akin mamaya!

[Now playing: You by Basil Valdez]

[steffieyuaey's note: Alam kong luma na po 'tong song pero maganda po talaga ang lyrics at message. Try n'yo din pong pakinggan.:-)]

*

You give me hope,

The strength, the will to keep on;

No one else can make me feel this way

And only you

Can bring out all the best I can do;

I believe you turn the tide

my cupid ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon