Hershey' point of view
"I got it already!"Lumutang ako papalapit kay Vox na kasalukuyang pinapanood sina Cinnamon at Coffee na kumakain ng lunch sa official tambayan nila.
"Ang?"-Vox.Lumingon siya sa akin.
"This."Itinaas ko ang diary ni Cinnamon para ipakita ko iyon sa kanya.
"Don't tell that's....."
"Yeah,yeah,this is her diary"-ako
Binuklat-buklat ko na iyon.
"Are you sure about that?Hindi ba kasalanan ang pagbabasa ng diary ng may diary lalo na kung wala iyong pahintulot ng may ari?"-Vox
"You're right but we aren't humans anymore we are ghosts so I guess,we're excempted to mortal sins."-ako
"Kahit na.Still,it's not right.Mamaya imbis sa heaven tayo mapunta,diretso underground ang bagsak nating dalawa."-Vox
"Shhh....just be quiet"
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.Napaka-nagger talaga niya,dinaig pa ako.Kapag nainis ako sa kanya,uutusan ko na talaga siyang magpakita kay Cinnamon nang matuloy na ang pagiging double dead niya!
Dear diary,
Nakatanggap na naman ako ngayon ng white rose galing kay Vox.Inilagay niya 'yon sa locker ko.Hindi ko tuloy mapigilan ang kiligin,kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako araw-araw na binibigyan ng bulaklak.Nanliligaw nga kaya siya sa akin gaya ng sinasabi ni Coffee?Pero...wala naman siyang sinasabi.Naguguluhan tuloy ako.
-Cinnamon
"So you're a romantic guy."
"Stop teasing me,puwede ba?"-Vox
Ang cute!Bigla siyang nag blush,hahaha.Kahit pala multo nagba-blush din.
"Nililigawan mo na ba siya at that time?"-ako
"P-Parang...natotorpe kasi ako kaya hindi ko masabi sa kanya----STOP SMILING!"
Agad ko namang itinago ang pag ngiti ko.Ang pikon talaga niya kahit kailan!Bakit kaya na in-love si Cinnamon sa nagger na 'to?
"Fine.Puwede natin 'tong gawin."
"Natin?Tayo ang gagawa?"-Vox
"Yes.This will be our next move but we will write Grant's name.Kunwari sa kanya galing ang mga roses."
"I think that won't work.Pa'no kung mag thank you si Cinnamon kay Grant?or tanungin niya si Grant kung bakit siya binibigyan ni Grant ng flowers?
"You're right.Baka mabuko agad tayo."
"Just return her diary,Hershey"-Vox
"So we will find something more appropriate than this."
"You're really unstoppable. "-Vox
"I found it!I think this is perfect!"
"Where?"-Vox
"This entry."
Nakibasa din siya sa diary entry ni Cinnamon.Sus!pakipot pa,gusto din naman niyang basahin ang mga diary entry ni Cinnamon.
Dear diary,
Hindi ko akalaing magkikita kami kanina ni Vox sa Manila Bay.Tapos,sabay naming pinanuod ang sunset.Pinahiram din niya ako ng jacket kanina.Napansin siguro niyang giniginaw ako.Ang nakakatawa lang bigla ba namang umulan!kaya hindi ko rin nagamit ang jacket niya.Hinila niya ako para sumilong kami para hindi kami mabasa pero anong use?basang-basa na kami.Para kaming mga batang naglaro sa ulanan.Ang lamig-lamig ngunit sapat na ang yakap niya upang pawiin iyon...
-Cinnamon
"Sasadyain natin ang pagkikita nilang dalawa.What do you think?"-me
"We will have a problem with that.Pwede nating sadyain ang pagkikita nila,yes,pero hindi natin kayang sadyain ang pagbuhos ng ulan."-Vox
"We can't but HE can"Itinuro ko ang daliri ko paitaas."Trust me HE will help us."
Tumingala naman siya."Do you think so?"
Kahit medyo nagdududa din ako sa mga pinagsasabi ko ay tumango pa rin ako.
#%#%#
Cinnamon's point of view
Please meet me at Manila Bay,6:00 p.m. today.I just want to tell you something. I really hope you'll come. I'll be waiting for you.
-Grant
"Uy ano 'yan,bessy?"-Coffee
Sinilip niya ang card na hawak ko."Galing pala kay Papa Grant. May balak na ata siyang manligaw sa'yo."-comment pa niya.
Isinara ko ang pinto ng locker ko bago ko hinarap ang best friend ko.
"Agad agad?Ang layo naman nang itinakbo ng utak mo,bessy. May sasabihin lang siya sa akin,manliligaw agad?"
"Duh?obvious na obvious kaya ang intention niya sa'yo. Kung may sasabihin lang siya sa'yo,bakit kailangan n'yo pang magkita sa kung saan?and take note with matching flower at card pa."-Coffee
"Kaya nga nagtataka ako eh. Wala naman siyang binanggit kanina sa'kin no'ng nagkita kami. Di ba dapat sasabihin or babanggin man lang niya sa'king gusto pala niyang makipagkita?"
At bakit sa dirami dami ng lugar,doon pa?May naaalala ako kapag nababanggit ang 'Manila bay'--a bitter-sweet memory of my first love...
"Kasi nga gusto ka niyang i-surprise at do'n niya balak ipagtapat sayo ang undying love niya para sa'yo!"-Coffee
"Kung anu-ano na namang kababalaghan ang pumapasok diyan sa utak mo,bessy."
"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan,bessy?Ganyan na ganyan din ang ginawa ni Vox bago ka niya niligawan. Binalaan rin kitang manliligaw siya pero hindi mo rin ako pinaniwalaan"-Coffee
Napatingin ako sa kanya. Nanlaki bigla ang mga mata ni Coffee sabay takip sa sariling bibig.
"I'm sorry,bessy...."-Coffee
"Okay lang,bessy. Iba naman si Grant at iba din si...Vox."
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasabi ko na din ng malakas ang pangalan niya...
"You have a point there,bessy"-Coffee
Luminga ako sa paligid.*tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan*
"Sinong hinahanap mo,bessy?"-Coffee
"Si Hershey.Napansin ko lang,parang lagi na lang siyang wala."
"Nandyan lang 'yun sa tabi-tabi,bessy. Baka hindi lang siguro gumagana ng maayos ang third eye mo."-Coffee
"Tingin mo?Nakakapanibago pala....at nakakapagduda. Ano kayang mangyayari kay Hershey?"Parang may mali talaga akong nararamdaman about this matter.
"Malay ko,bessy? Hindi naman ako ghost noh? Magpapakita din siya sa'yo"
"Siguro nga. Tara na. Uwi na tayo."
"Mabuti pa nga. Kailangan mo pang magpa beauty para sa date n'yo ni Papa Grant!"-Coffee
"Date ka dyan!"Hindi naman ito date,diba?
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...