Cinnamon's point of view
''Hi,naaalala mo pa ba ako?Ako si Cinnamon Esguerra.Ako 'yung lumapit sa'yo kahapon dito.''
Alanganin akong ngumiti nang sa wakas ay mahanap ko na rin si Grant sa loob ng campus namin.Nandito na naman siya sa tabi ng punong acacia at tulad kahapon ay nakatingin din siya sa kawalan.But this time,hindi na siya umiiyak.Isang mas matalim pa sa samurai ang tinging ibinigay niya sa akin.Nakakatakot talaga!Pilit kong kinalma ang sarili ko.Sa multo nga pilit akong nagiging matapang sa harap niya,dito pa kaya sa harap ng gwapong nilalang na kagaya niya ako maduduwag?Ang gwapo kaya niya para katakutan ko lang.
Ay ano ba 'yan,bakit ko ba siya kanina pa pinupuri sa isipan ko?Focus Cinnamon...Focus!
''Mukhang nakikilala mo nga ako--teka!''
Tinalikuran na naman kasi niya ako,katulad ng lagi niyang ginagawa at hindi na ako papayag na umalis siya nang hindi ko siya nakakausap ng matino.Nagmamadali akong humarang sa harap ni Grant.
''Pwede ba?Get lost!kung wala kang magawa sa buhay mo,umakyat ka na lang sa rooftop at tumalon ka!''
''Grabe ka naman,Grant!wala lang akong magawa,uutusan mo 'kong tumalon sa rooftop,agad-agad?May sasabihin lang naman ako sa'yo eh.''
''I don't have time for you miss.''
''Cinnamon,Cinnamon ang pangalan ko.''Hindi ba katanda-tanda ang pangalan ko?
''Tabi''-Grant
''H-Ha?''
''Sabi ko tumabi ka!''
''Wait!''Hinawakan ko nang mahigpit ang dalawang gilid ng wheel chair ni Grant para hindi niya ako matakasan.
''ANO BA?!!''
Dahil medyo naka-lean down ako sa kany ay nagkalapit ang mga mukha naming dalawa.Lalo ko tuloy napatunayan kung gaano siya ka-guwapo.Sabagay,tatagurian ba naman siyang 'The Ultimate Heartthrob' kung pangit siya.
''WHAT?!STOP STARING AT ME LIKE THAT STRANGER!''
''I'm not a stranger.I'm Cinnamon.''
Ano ba naman 'to.Nahahawa na talaga ako sa page-english nilang mag boyfriend!
''One minute''-ako
''WHAT?!!''
''Sabi ko one minute---''
''PAULIT-ULIT?I'M NOT DEAF!???!''
Napangiwi ako.Hindi din ako bingi,Grant kaya sana naman 'wag mo akong sigawan.
''Puwedeng patapusin mo muna ako?Kapag hindi ka tumahimik---''
''WHAT WILL YOU DO?!PUNCH ME?!!!''
Kasasabi ko lang na patapusin niya ako sa pagsasalita eh.Ang kulit talaga!
''Kapag hindi ka tumahimik kahit isang minuto lang,hahalikan kita!''
Oooppss....did i just say i 'm going to kiss him?Oh no? napatanga naman sa'kin si Grant.Mukhang na shock din siya sa sinabi ko.Ako din naman ah.Ang sungit kasi niya,nataranta tuloy ako! Pero at least natahimik siya.
''*ehem* sabi ko kahit isang minuto lang,makinig ka naman sa akin.''
''WHAT DO YOU WANT?!''
Mukhang naka-recover na ata siya sa shock dahil sa sinabi ko.Nagustuhan ko ang tanong niyang 'yun kahit hindi nagustuhan ang pagkakasabi niya.Umayos na ako ng tayo.Baka,kasi sapakin niya ako kapag sinimulan ko nang sabihin sa kanya ang pakay ko.Tumingin ako kay Hershey na nasa likuran lang ni Grant.Tinanguan at nginitian niya ako to encourage me.Bigla tuloy akong nahiya sa kanya dahil sa kaewanang banta ko sa boyfriend niya.Baka isipin niyang may gusto ako sa boyfriend niya.No way!
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romansado you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...