Cinnamon's point of view
"Hija,buti naman at napadalaw ka uli dito?"
Inilapag muna ni Tita Ginger ang hawak niyang tray na may lamang pagkain bago niya ako nilapitan at nakipag beso beso.
"Ahh...ano po kasi tita,nabalitaan ko pong may sakit daw po si Grant kaya dumalaw po ako."
Actually,chinicka lang 'yun sa'kin ni Hershey. Ewan ko kung true,bigla na lang siyang nawala. Bigla akong iniwan!
"Kanino mo naman nabalitaan?"
Patay!"Ahhmmn..."
"May sakit nga si Grant."-Tita Ginger
Phew!buti naman di pinush ni tita! Halangan naman sabihin kong kay Hershey? Ewan ko lang kung di siya maloka!
"Ewan ko ba sa batang 'yun kung ano'ng nasaisip niya at nagpakabasa siya sa ulan kahapon. Ayan,nilagnat tuloy siya."-Tita Ginger
Bigla akong nakonsiyensya. Kasalanan ko pa pala kung bakit nagkasakit si Grant.
"Nandito ka ba para dalawin ang anak ko?"-Tita Ginger
"O-Opo sana..."
"Napakabait mo talaga,Cinnamon. Kaya gustung-gusto kita para kay Grant. Sagutin mo na kasi ang anak ko..."
Pakiramdam ko bigla akong nag-blush. Mas adik pala si Tita Ginger kaysa sa'kin!
"Hindi naman po nanliligaw si Grant sa akin. Magkaibigan lang po kaming dalawa."
"Sus! Ang hina talaga ng anak ko. Ang guwapo-guwapo naman takot pa ring mabasted. Oo nga pala,puwede bang ikaw na lang ang mag-akyat ng pagkain niya? Kailangan na din kasi niyang uminom ng gamot. Paki-check na din 'yung temperature niya. Kagabi kasi 40 degree celcius ang temperature niya. Unang silid sa kanan ang kuwarto niya."-Tita Ginger
"Sige po tita..."
Kinuha ko na ang tray bago ako umakyat ng hagdan. Unang silid sa kanan... Kumatok muna ako sa pinto bago ko binuksan iyon.
"Grant?"
"CINN?Anong ginagawa mo dito?" Bumangon siya mula sa pagkakahiga.
He looks pale than usual. Ang dating kulay pink na pink na mga kissable lips niya ay namumutla rin. Ay ano ba 'yan,bakit napunta sa lips niya ang takbo ng utak ko? Lumapit ako sa kama.
"Sinabi sa'kin ni Hershey na may sakit ka. Sorry ha?dahil sa akin kaya nagkasakit ka pa tuloy." Umupo ako sa gilid ng kama.
"Okay lang naman ako. Hindi naman mataas ang lagnat ko."-Grant
"So,hindi pa pala mataas sa'yo ang 40 degree celcius na temperature? Eh,nagdidiliryo na ang normal na tao sa gano'ng kataas na lagnat!"
"Don't worry. I'm not a human. Remember,I'm a demigod."-Grant
"Hahahah,'yan ba ang epekto ng sobrang lagnat sa'yo? Nagdedeliryo ka na nga." Pero may point siya do'n.
"Hey,I'm just kidding alright. I'm okay now nothing's to worry."-Grant
"Mukha nga umi-english ka na naman eh."
Pero para makasigurado ako ay hinaplos ko ang noo niya. Hindi na nga siya masyadong mainit.
"Bumaba na nga ang lagnat mo. Hindi kana masyadong mainit."
"Hey,don't say that I'm still hot you know. Admit it." he gave me a teasing smile.
I rolled my eyes heavenward. Hindi na nga siya masungit. Maloko naman.
"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga lang para makainom ka na ng gamot nang tumino-tino naman 'yang takbo ng utak mo."
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romansado you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...