Coffee's point of view
Ang arte talaga minsan ng best friend ko. Ayaw pa daw sumama,if I know,gustung-gusto talaga niyang makalapit kay Grant. In-love na nga kasi siya,ayaw pang umamin. Palapit na ako kay Grant nang mahagip ko nang tingin ang isang pamilyar at nakakainis na nilalang. Palayo siya sa crowd at... teka,dugo ba 'yun? Bakit may dugo siya sa lips? May nangyari kaya?
Namalayan ko na lang na sinusundan ko na si Jam. Oy,wag kayong malisyoso't malisyosa! Hindi ako concern sa mukhang patay na kuko na 'yan ha. Wala akong pakialam kung masabugan pa siya ng kanyon sa lips at buong mukha niya,kahit pa mawalan siya ng dalawang kamay,ano,curious lang ako. Tama!curious lang talaga ako. Umupo ako sa tabi niya nang naisipan na din niyang umupo sa wakas. Gulat namang napatingin siya sa akin.
"KUTONG-LUPA?ikaw pala 'yan."-Jam
"Ay hindi hindi. Hindi ako 'to,nananaginip ka lang,"
Buwisit na 'to! Hanggang ngayon kutong-lupa pa rin ang tawag niya sa'kin! Imbis na asarin ako,tulad ng madalas niyang gawin ay tumahimik lang siya. Nakakapanibago tuloy.
"A-Anong...anong nangyari diyan?" ang tinutukoy ko ay 'yung maliit na cut sa lower lip niya na dumudugo.
"Masaya ka na siguro ngayon. Nakabalik na si Grant. Naagaw na naman niya ang lahat sa akin."-Jam
"Eh?" Parang ang layo naman ata ng sagot niya sa tanong ko.
"Akalain mo 'yun? Sa isang iglap lang nai-chapuwera na naman ako. Si Grant na naman ang bida."-Jam
"Bakit ba parang...ang laki ng galit mo kay Grant? Diba magkaibigan kayong dalawa?"
"Inagaw kasi niya sa'kin ang lahat. Lagi ngang effortless eh, katulad ni Hershey,I like her but she chose Grant over me. Naaalala mo ba 'yung babaeng kasama ko nang una tayong magkita? Akala ko,mahal din talaga niya ako. Unfortunately,akala ko lang pala ang lahat,pinagpustahan lang pala nila ako. Ang mas masakit? Si Grant pala talaga ang gusto niya,rebound lang ako. Darn! Minahal ko siya eh! Pero pinaglaruan lang pala niya ako dahil kay Grant. Grant,Grant Grant,lagi na lang si Grant! I tried to beat him,sa basket ball,even in our class! pero lagi na lang akong pangalawa. He's always the best!"-Jam
Wow, I can't believe it. Nago-open talaga siya sa akin? Ang saklap naman ng buhay niya pero...
"Wala namang kasalanan si Grant sa'yo. Nai-insecure ka lang kaya nagkakaganyan ka. Kinakain ka na ng sarili mong insecurity kaya hindi kana nakakakita at nakakarinig ng mga katwiran."
"Maybe you're right. Nakakatawa nga si Grant eh. I were back stabbing him,pero pinagtatanggol pa rin niya ako. Ngayon lang.....ngayon palang siya gumanti sa lahat ng ginawa ko sa kanya."-Jam
Pinadaanan niya ng mga daliri niya ang sugat sa kanyang lower lip. Dumudugo na naman iyon. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at ipinunas ko 'yon sa lips niya.
"Ano bang ginagawa mo?!"Hinawi niya ang kamay ko.
"Wag ka ngang magulo. Ang arte mo ah? Ikaw na nga itong tinutulungan."
"Tsk!"-Jam
Muli kong idinampi ang panyo ko sa labi niya para mapunasan ko ang dugo. Mabuti naman at hindi na siya nag-inarte sa pagkakataong iyon. Basta nag-iwas lang siya ng tingin. May pasa din pala siya sa sulok ng bibig niya. Kawawa naman.
"Walang kasalanan si Grant kaya huwag ka ng magalit sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung mas guwapo, mas hot, mas maappeal, mas yummy, mas matalino at mas mabait siya kaysa sa'yo."
"ANONG SINABI MO--ARAY,DAHAN-DAHAN NAMAN!"-Jam
Diniinan ko kasi ang pagkakadampi ko ng panyo sa sugat niya. May sugat na nga siya't lahat-lahat,sumasabat pa rin! Ang daldal!
"Patapusin mo muna ako,puwede?"
"Tsk!"-Jam
Tumahimik naman siya. Mabuti naman.
"Don't worry,guwapo ka din naman eh. Tingin ko,may sarili ka ring talent at galing. Medyo bawas-bawasan mo nga lang 'yung pagiging mayabang mo,okay ka na. Everyone in this world is created by God to be unique. Lahat tayo,iba-iba. Iba ka,iba din si Grant kaya hindi mo dapat ikinukumpara ang sarili mo sa kanya. Kasi may mga katangian ka na wala si Grant,and vice versa. Kapag patuloy kang ganito,ikaw din ang magiging miserable. Hindi ka kailanman magiging masaya,sinasabi ko na sa'yo"
He stares at me without blinking his eyes. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay kong may hawak sa panyo.
*dugdug* *dugdug*
Napatayo ako sabay bawi ng kamay ko. What's wrong with my heartbeat?
"A-Ahmn...s-sige kailangan ko na palang umalis. Kasi may klase pa ako."
"Wait lang..."bago pa ako makalayo ay napigilan na niya ang braso ko.
Napilitan naman akong umupo ulit sa tabi niya."B-Bakit?" Shocks please tell me why did I stammer?
"Kung magbabago ba ako...sapalagay mo ba..tatanggapin parin ako ni Grant bilang kaibigan?May magkakagusto din kaya sa akin dahil ako ay ako at hindi dahil popular lang ako?"
"Oo naman..basta be yourself..Napakabait ni Grant tiyak na tatanggapin ka niya ulit kaibigan...at tiyak kong may magkakagusto din sayo dahil ikaw ay ikaw...Maghintay ka lang ... Baka pati ako magkagusto din sayo.."
OH MY GOSH!Why did I said that?!!
Muling lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla siyang ngumiti..
Gosh nakakahiya talaga ako kahit kailan!!!
"I mean kung ano...lang naman kapag ano...yung...ano diba...sinabi ko lang yun para ano..." my gosh ni hindi na ako makabuo ng sentence.Buwisittalaga itong Jam na ito akala mo kung sinong gwapo
Bakit ba ngiti siya ng ngiti?Napilitan akong tumalikod sa kanya nang di ko na makayanan ang nakalolokong ngiti niya. Bakit ko nga ba ulit sinundan ang ungas na ito?
"Coffee..."
"An----"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin.Kasi pagkalingon ko sa kanya.. Sinalubong niya ako ng halik...
Agad naman niya akong pinakawalan."NAKAKARAMI KA NA!"
"Sorry..."bigla siyang yumuko."Hindi sapat ang sorry mo..."
"HA? Anong ibig mong---"Di ko alam kung anong kaluluwa ang sumapi sa akin basta natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahawak sa magkabilang pisngi niya at ako naman ang humalik sa kanya....
Nakatulala siya pagkatapos ko siyang bitiwan..
"A-Ano...ngayon patas na tayo..b-binawi ko lang yung kiss na ninakaw mo sa akin...MAGNANAKAW!"
Bago pa siya makapagsalita uli ay tumakbo na ako palayo. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ko siya hinalikan? At Bakit parang hinahabol ako ng multo sa sobrang bilis ng heartbeat ko?
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...