Cinnamon's point of view
''Ayun siya bessy!''-Coffee
Sinundan ko nang tingin ang itinurong direksiyon ni Coffee.Nando'n nga si Grant sa isang sulok ng canteen namin at nag-iisa.Kung dati'y nasa pinakagitna sila ni Hershey nakaupo-dahil 'yon ang reserved seat ng most popular couple ng university ng namin-ngayo'y nakaupo siya sa sulok.Ang center table naman ay inuupuan ng dati niyang circle of friends.
''Tara lapitan natin siya.''
Sumunod naman si Coffee sa akin.Umupo ako sa tabi ni Grant.Kahit pala naka wheel chair siya ay dito parin siya kumakain.Si Coffee naman ay umupo sa harapan namin.
''Hi!''-ako
''What??!''-Grant
Wow.Sungit talaga!Ni hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin.Ultimate na ultimate talaga.Ultimate sa kasungitan!
''Hi Grant.Ako si Coffee.Bff ni Cinnamon.Tama pala ang bessy ko,mas guwapo ka sa malapitan.''
''Bessy!''Saway ko kay Coffee
''Bakit totoo namang sinabi mo sa kin 'yun ah? Sabi mo nga 'hay naku bessy!sayang,ang amo amo ng mukha niya,ang sungit-sungit naman!' huwag mong ikaila,sinabi mo talaga yon.At tama ka bessy!kaya pala siya tinawag na 'The Ultimate Heartthrob' ultimate na ultimate talaga ang face! ultimate Adonis!''
''Manahimik ka nga.'' Nakakahiya talaga ang best friend ko kahit kailan.Ano na lang ang iisipin ni Grant? Pagtingin ko sa kanya.Nagulat ako.
''Ngumiti ka!Ngumiti ka na Grant! ang galing-galing!''
Yes.Ngumiti nga siya.Hindi 'yung ngiting-ngiti pero kumurba parin ang labi niya para ngumiti ng konti.Agad naman siyang sumimangot pagkasabing pagkasabi ko niyon.
''Dali ngiti ka na uli mas bagay sa'yo,diba bessy?''
''Tama tama!''-Coffee
''So?Ano bang kailangaMn n'yo?''-Grant
''Bukod sa kulitin ka para magpa therapy,wala na''
''Ayoko''-Grant
''Bakit ayaw mo?''-Ako
''Kasi hindi mo ayaw at ako ang may ayaw.''-Grant
''Bakit nga ayaw mo at hindi ko ayaw?''-ako
''Eh sa ayaw ko eh at pakialam ko ba sa ayaw mo.''-Grant
''Stop!nakakabobo na ang pinag-uusapan n'yo ha!''-Coffee
Saka ko lang na-realize na wala na ngang sense ang pinagtatalunan namin ni Grant.
''Mag-isa ka lang?''pag-iiba ko ng usapan
''Obvious ba?Puwera na lng kung dalawa ang tingin mo sa'kin.''-Grant
''Bakit ka mag-isa?''-ako
''Kasi hindi ako dalawa.''-Grant
''Eh bakit nga hindi ka dalawa?''-ako
''Awat na awat na! Nagsisimula na naman kayo sa nakakabobo n'yong pag-uusap.''-Coffee
Sasagot pa sana ako nang biglang may sumabat.
''Grant pare,buhay ka pa pala.Akala ko natuluyan ka na rin.''-Unknown specie no. 1
Pag-angat ko nang tingin ay nakita kong nakapalibot na sa mesa namin ang mga dating barkada ni Grant.Tatlo silang lahat.At bago ko pa mabara ang unknown specie na nagsalita ,pasensiya na hindi ko knowings ang name niya eh ayaw pang ipakilala ni author,ay naunahan na ako ni Coffee.
''Obvious naman sigurong buhay pa siya,diba?Puwera na lang kung may third eye ka para makakita ng multo.''
Aba,anong meron?Akala ko ba kaming dalawa lang ni Grant ay mataray sa story na 'to?Balak pa ata akong kabugin ni Coffee sa pagtataray ah.May issue kaya sila nitong unknown specie na 'to?
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...