Grant's point of view
"Alam n'yo mga p're,laos na talaga si Grant. Ako na talaga ang bagong Ultimate Heartthrob ng St. Valentine University."-Jam
Dinig na dinig ko ang pagmamayabang ni Jam sa mga dati naming kabarkada. Tama kayo ng basa-dati ko silang mga kaibigan,including him. Simula kasi ng malumpo ako ay iniwan na nila akong lahat sa ere. I smirk with the thought.
"What are you talking about,Jam? Ako pa rin ang nag-iisang Ultimate Heartthrob ng S.V.U."
Pinagulong ko palapit sa kanila ang wheel chair ko. I never talk back to them whenever I heard them insulting me straight to my face. Hindi dahil natatakot ako sa kanila kundi wala lang talaga akong pakialam sa status ko sa campus namin. Like who would want to be stalk by psychopath girls and be around,hangingout with fake friends? Pero ngayon iba na. I want to claim what should be mine because I want her to be happy and be proud of me. Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko.
"Nananaginip ka ata,Grant? Anong laban ng katulad mong lumpo at talunan sa akin?"-Jam
Wala paring nakakaalam sa campus namin na nakakalakad na ako,maliban kay Cinn. Ginagamit ko pa rin kasi ang wheel chair ko kapag pumapasok ako.
"'Yan lang ba ang lamang mo sa akin? Kawawa ka naman."
"Ang yabang mo ah? Baka gusto mong pagapangin kita sa lupa?"-Jam
"Kaya mo ba?"Hamon ko sa kanya
"Aba't---"-Jam
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa aking wheel chair. Gulat na gulat naman sila.
"Cat got your tongue?"I ran my fingers through my hair seductively.
"KYAAAHHHH!!!"
"ANG GUWAPO MO TALAGA GRANT!"
"I LOVE YOU!!"
"PLEASE BE MINE,GRANT!"
"EEEHHHH!!"Nagtilian ang mga babaeng nakapaligid na pala sa amin. I smiled at them,revealing my perfect set of pearly white teeth and my dimples. Lalong lumakas ang tilian. Hindi ko akalaing mas madali pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Wow. Malakas parin pala ang charm ko. Binalingan ko uli ng tingin sina Jam.
"Now what? Dadaanin pa ba natin 'to sa botohan? Halata naman siguro kung sino sa atin ang Ultimate Heartthrob."
"Naaasar na talaga ako sa'yo!"-Jam
Lumipad ang kamao niya palapit sa akin. Pero nasalag ko lang 'yon at sabay suntok ko din sa kanya.
*BOOOGGSSHHH!*
Bumagsak si Jam sa lupa.
"Sino ngayon sa ating dalawa ang gumapang sa lupa?"
Tinalikuran ko na siya. Ngayong nabawi ko na ang pride at reputation kong nawala,siguradong matutuwa na si Cinnamon sa akin.
#%#%#
Cinnamon's point of view
"Huy bessy,si Papa Grant 'yon diba? Mukhang sikat na sikat na naman siya sa buong campus natin. Tingnan mo oh,pinagkakaguluhan siya ng mga girls."-Coffee
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Coffee. Tama ang bessy ko,mukhang nakabawi na nga si Grant sa lahat ng kaapihang dinanas niya noong nalumpo siya. And...and he looks so happy with the attention that our co-university giving to him.
"Earth to bessy! Yuhu! Bakit natulala ka na diyan?"-Coffee
"Ha?"
"Ewan ko sa'yo bessy. Tara puntahan natin siya tapos itanong mo sa kanya kung siya nga ba talaga 'yung nagpapadala ng white rose sa'yo."-Coffee
Hay naku. Ito na naman po kami. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na imposibleng si Grant ang araw-araw na naglalagay ng white rose ma may card at G.S. ang nakalagay na nagpapadala sa akin,ayaw pa rin niyang maniwala.
"Kung gusto mo siyang puntahan,go ahead. Hindi kita pipigilan. Basta ako,papasok na ako sa room natin."
She frown at me."May problema ba,bessy?"
"Wala akong problema. Sadyang tapos na ang papel ko sa buhay ni Grant. Tingnan mo nga,hindi na nagpapakita sa akin si Hershey. Kaya wala na ring dahilan para kausapin at lapitan ko pa siya."
"Ang drama mo talaga bessy. Okay fine! Ako na lang ang lalapit kay Papa Grant para itanong kung siya nga ba 'yung secret admirer mo."-Coffee
"Hindi nga siya 'yun!"
Ang kulit! Purke't G.S. lang ang initial ni Grant siya na agad ang nagpapadala ng white rose sa akin? Ano daw 'yun?
"Malay mo naman. Sige na lumayas ka na at baka ma-late ka pa sa subject natin."-Coffee
Tinaasan ko siya ng isang kilay."So,mas uunahin mo pa talaga ang pakiki-chismis kaysa ang pumasok?"
"Oo naman kaya bye!"-Coffee
Tumakbo na siya palapit kay Grant. Napangiti ako nang makita ko ang masasayang ngiti sa mukha ni Grant. I know,mission accomplished na ako but I didn't expect that upon accomplishing my mission, I will loose something important to me--my heart. Hay,complicated life,complicated love. Why can't they be simple?

BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...