Cinnamon's point of view
"Ikaw?ikaw ang naglalagay ng bulaklak sa locker ko?"
"Ahh...ehhh..."Halatang kabado si Hershey habang nakatingin siya sa akin.
Aba,dapat lang siyang kabahan! Huling-huli ko kaya siya habang inilalagay niya ang isang white rose sa loob ng locker ko.
"Umamin ka na lang kundi,magagalit na talaga ako sa'yo!"
"Y-Yes it's me. I'm sorry."-Hershey
"Bakit mo ito ginagawa,ha? Bakit mo pinalalabas na si Grant ang nagbibigay sa'kin ng mga roses?"
She remained silent for a few seconds basta nakayuko lang siya. Hindi niya siguro napaghandaan na mabubuko ko siya ngayong araw. Then,suddenly, i remember something.
"Ikaw rin ba 'yung nagbigay sa'min ni Grant ng card kaya kami nagkita sa Manila bay?" Malakas talaga ang kutob kong may kinalaman siya sa mga nangyari.
"Yes...it's me,please don't be mad. I just want you and Grant to be together. You're perfect for each other and--"
"And nagkunwari kang si cupid para paglapitin kaming dalawa sa pamamagitan ng pagpapaasa mo sa akin na may gusto din sa akin si Grant,gano'n ba,Hershey?"
"NO! It's no like that, Cinnamon,Grant loves you too. I knew him a lot kaya alam kong ikaw na ang tinitibok ng puso niya. Hindi ko kayo papakialaman kung alam kong wala kayong nararamdaman para sa isa't isa."-Hershey.
"At pa'no mo naman nalamang mahal ko si Grant?"
"You said it already yourself,Cinnamon. Sabi mo 'pagpapaasa mo sa akin na may gusto din sa'kin si Grant' that was your exact words. The word 'din' was in your sentence."-Hershey
Hindi ko siya makontra. Tama naman kasi ang mga sinabi niya pero mali pa rin ang ginawa niya!
"Kahit na! Mali pa rin ang ginawa mo. You're trying to manipulate me and Grant. Kahit pa mahal namin ang isa't-isa,wala ka paring karapatang pangunahan kami. Kasi desisyon na naming dalawa kung papalawigin namin ang nararamdaman namin o hindi dahil kami at ang damdamin namin ang nakataya dito."
"Alam ko naman 'yun eh. But I just want to end Grant and your suffering.Alam mo ba?Nabasa ko dati sa isang libro na marami daw miserableng tao sa mundo?Hindi daw dahil hindi nila natagpuan ang kaligayahan nila under the sun kundi pinakawalan nila ang kaligayahan nila nang natagpuan nila ito at mas pinili nilang magpatuloy sa buhay pagkatapos nila 'yong talikuran. Huwag mo silang gayahin,Cinnamon. Nasa harapan mo na ang magpapasaya sa'yo at si Grant 'yun. Huwag mong sayangin ang pagkakataon mong maging masaya dahil lang sa takot kang masaktan uli. Hindi rin pinaghihintay ang pag-ibig dahil baka magising ka na lang isang araw,wala na pala sa'yo ang bagay na akala mo'y nasa'yo pa rin. Kapag dumating ang panahong iyon baka magsisi ka. And I don't want that to happen that's why I made a move. I'm sorry."-Hershey
I sighed. I got her point already. Tagus-tagusan pa nga eh.
"May magagawa pa ba ako,nagawa mo ng makialam eh."
"Sorry talaga."-Hershey
"Wait,saan mo naman napulot ang mga ideas mo kung paano ako liligawan?"
Guilty siyang ngumiti sa akin sabay abot niya ng...ng nawawala kong DIARY!
"Ikaw? Ikaw ang nanguha?"Halos maloka ako sa kahahanap ng diary ko,nasa multo lang pala?
"Sorry."-Hershey
"Sumusobra ka na talaga! Kung nagawa kitang napatawad kanina ngayon hindi na! Hindi mo lang ninakaw ang diary ko,binasa mo pa!"
Inagaw ko sa kanya ang diary ko sabay talikod.
"Wait lang" Lumitaw siya sa harapan ko. "I need to tell you something."
Inirapan ko siya bago ako muling tumalikod sa kanya.
"Cinnamon please,talk to me" Lumitaw na naman siya sa harap ko."Last favor na. After this, I swear and I promise,I will not bother you anymore."
"Talaga lang ha?"
"Yes,hindi na rin ako magpapakita sa'yo kung gusto mo."-Hershey
"Fine! Ano ba 'yon?"
Tutal naman tinulungan ko naman siya sa unfinished business niya,lulubus-lubusin ko na ang pagtulong.
"I want to talk to Grant 'cause I know there's something wrong and I want to find out what's wrong."-Hershey
"Wrong?"
"Yes. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makatawid kahit nagawa na niyang makapag move on."-Hershey
"Sa papaanong paraan mo naman siya gustong makausap?"
"Please allow me to use your body as a medium so I can talk to him."-Hershey
"You mean?" hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng ma-gets ko ang gusto niyang mangyari.
She nodded."Please,please,please? Can I possess you?"
"CHE! Tingin mo sa'kin si Yoh Asakura?"
"Yoh Asakura?"-Hershey
"Ng Shaman king,hindi mo ba siya kilala? Pabayaan mo na nga, do you think I will allow you to use my body?"
"Oo naman."-Hershey
"Confident ka masyado ha."
"Of course 'cause I know,you don't like me to bug you until you agree to what I want and... you want to see Grant again,right? You missed him,right? Don't try to deny that you miss Gra---"Hershey
"FINE FINE FINE! Just shut your mouth up!Naiingayan na ako sa'yo,mas madaldal ka pa sa bessy ko."
Inirapan ko pa siya para hindi niya mahalata na natamaan ako sa pinagsasabi niya.Totoo naman kasi,missed ko na si Grant at gusto ko uling makalapit sa kanya tulad ng dati.

BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...