Chapter 3

1.9K 45 0
                                    

CHAPTER THREE

"MOMMY, kausapin mo naman si daddy. Sabihin mo sa kanya maayos ang trabaho ko sa HCD. Ginagawa ko ang trabaho ko ng maayos. Masipag ako at matiyaga," paglalambing ni Chant sa kanyang mommy. Nilapitan pa niya ito, tumabi sa kinauupuang sofa sa loob ng kanilang mansion at kinintalan ng halik sa pisngi.

Ilang buwan na siyang umuuwi ng mansion kahit na may sarili siyang condominium unit. Kahilingin rin iyon ng mommy niya dahil hindi na siya gaanong nakakasama mula ng bumukod siya ng tirahan. Ganoon rin ang kuya niya, sa mansion rin umuuwi.

Ngunit isang batok lang ang ibinigay sa kanya ng kanyang mommy, "Manahimik ka riyan Chant Andrew!" inis na sigaw nito.

"Aray naman mommy! Bakit mo ba ako binatukan?" reklamo niya habang hinihimas-himas ang nasaktang batok.

Umiling lamang ang mommy niya. "Huwag mo akong isasali sa mga kalokohan mong bata ka," dinutdot pa nito ang kanyang ilong. "Tuturuan mo pa akong magsinungaling sa daddy mo."

"Totoo naman ang sinasabi ko mom," pagtatanggol niya sa sarili. "Kahit itanong mo pa kay kuya."

"Ang sabihin mo, kaya mo sinasabi 'yan sa'ken para itinigil na ng daddy mo ang pagtatrabaho mo sa HCD. Akala mo ba mauuto mo ako?" pinanlakihan pa siya nito ng mata. "Anak kita at alam ko ang likaw ng bituka mo. At alam mo rin na ang daddy mo lang ang magsasabi kung hanggang kailan ka sa HCD."

Sumimangot siya sa sinabi ng mommy niya. Hindi talaga siya makakalusot rito kahit kailan. Kahit anong paglalambing niya ay walang epekto. He knew her mother they're so close with each other. Pinalaki sila ng mga magulang na malapit sa mga ito. Minsan kung mag-usap sila ay para silang magkakaibigan. Nagkukulitan at nag-aasaran rin. Kaya mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang.

"Isang linggo pa lang ako sa HCD pero pakiramdam ko isang taon na akong nagtatrabaho 'ron," reklamo pa niya.

Iyon ang pinagpuputok ng butse niya. Pakiramdam niya ay nasasakal siya, nami-miss niya ang kanyang dating buhay. Lalo na ang kanyang motorsiklo. Maybe others think that he is a rebel but he is not. Nasanay lamang siya na ang kanyang buhay ay umiikot sa pagkarera. Mahilig rin siya sa mga parties at bars. Wala siyang trabaho sa kabila ng lumaki siya sa pamilyang mahilig sa negosyo.

Ang kanyang buhay ay walang direksyon, iyon ang palaging sinasabi ng kanyang Ama sa kanya. Ni hindi siya nakatapos ng pag-aaral sa kursong ang Ama niya ang pumili. His father wants him to be an hotelier someday. Siya dapat ang magmamana ng Hotel Driscoll dahil ang kuya Lewis niya ay may sariling negosyo. Pero hindi iyon ang kanyang gusto. Hindi rin niya alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Wala siyang pangarap. Nakuntento siya na may pamilya siyang magsusuporta sa kanyang mga pangangailangan. He can have everything even if he doesn't work for it.

But then he was wrong. Time flies too fast. Paano kung mawala ang mga bagay na nakagisnan niya? He doesn't know if he can survive. At iyon ang dahilan kung bakit pinarusahan siya ng mga magulang.

"Chant," tinapik ng mommy niya ang kanyang balikat. "Remember the saying, beginnings are always the hardest?" Ngumiti ito sa kanya. "Sinabi ko na sa'yo na hindi ko pwedeng pangunahan ang daddy mo. Besides, it's for your own good. Para rin naman sa'yo kung bakit ginagawa niya ito. Gusto namin na matuto ka sa sarili mo na ang lahat ng bagay na gusto mo ay kailangan munang paghirapan. Masarap sa pakiramdam na iyong bunga ng dugo't pawis mo ay sa sarili mong pagsisikap. Tandaan mo na mahal na mahal ka namin kaya gusto naming matuto ka."

Ngumiti siya ng masuyo sa Ina. "Alam ko mom. Siguro hindi lang ako sanay na biglang nabago ang mga dating ginagawa ko."

"Kapag nasanay ka na sa ginagawa mo magiging madali na lang para sa'yo ang mga susunod na mangyayari. I-enjoy mo lang ang sarili mo. Napakaganda ng HCD at alam ko marami kang matutunan 'ron."

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon