Chapter 17

1.4K 39 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"JESSICA! Are you okay? Wala bang nangyaring masama sa'yo?"

Ang nag-aalalang tinig na iyon ni Chant ang sumalubong sa kanya nang makita niya itong nakatayo at naghihintay sa tapat ng kanyang bahay.

Hinaplos ang kanyang puso nang masuyong niyakap siya nito nang mahigpit. Damang-dama niya ang pagmamahal sa yakap na iyon. Wala na siyang mahihiling pa sa isang katulad ni Chant. Lalo nitong pinatunayan sa kanya kung gaano kadalisay ang pag-ibig nito na para lamang sa kanya.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo Chant? Ayos lang naman ako kaya huwag ka nng mag-alala pa riyan," nakangiting sambit niya nang kumalas sa yakap rito.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at kitang-kita niya ang pangingislap ng mga mata nito sa pag-aalala.

"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot. Kanina pa ako nagdo-doorbell sa tapat ng bahay mo pero wala ring sumasagot. I was about to go to the police station when you came. Alalang-alala ako na baka may nangyaring masama sa'yo," pinisil nito ang kanyang mga kamay. Nakita niya ang takot sa mga mata ng binata habang nasa kanya ang mga mata nito.

Bumikig ang kanyang lalamunan sa ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya. Sa araw-araw na kanilang pagsasama ay wala itong ibang ipinararamdam sa kanya kun'di ang pagmamahal at katapatan nito sa kanya.

Umangat ang kanyang isang kamay at hinaplos ang pisngi nito. "Low battery ang cell phone ko kaya hindi mo ako matawagan," paliwanag niya. "Chant..." sambit niya habang nakatingin sa mga mata nito. "Maraming-maraming salamat," hindi na niya napigilan ang pagbalong ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Para saan? Bakit ka umiiyak?" masuyong pinahid nito ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. "Shh... tahan na..."

"Alam ko kung ano ang nangyari," mahinang sambit niya. "I was there... nakita ko kung paano ka akitin ni Via. Narinig ko ang lahat Chant."

Saglit na natigilan ang binata at biglang nagdilim ang mukha. "Ang babaeng iyon," mariing sabi nito. "Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Napalitan ng pag-aalala ang mukha nito habang sinapo ang kanyang mukha.

Umiling-iling siya. "Walang ginawa sa'ken si Via at kahit anong gawin niya hindi ko hahayaang masaktan niya ako muli," matatag niyang sambit. "Lalong hindi ko hahayaan na makuha niya ang pinakamamahal ko," naging masuyo ang kanyang mga ngiti sa binata.

Nakita niya ang pagmamahal sa mga mata nito at naramdaman niya ang pagkintal nito ng halik sa kanyang noo. Sa tuwing gagawin nito iyon napakasarap sa pakiramdam.

"Mahal na mahal kita at kailanman ay hindi ako gagawa ng isang bagay na ikasasakit mo," puno ng suyong saad nito. "Hindi ako natatakot sa kahit anong gawin ng babaeng iyon sa'ken. Ang mas ikinatatakot ko ay ang maari niyang gawin sa'yo. Natatakot akong masaktan ka niya nang hindi kita napoprotektahan," naroon ang takot sa mga mata nito nang sambitin ang mga iyon.

Hinuli niya ang mga kamay nito at pinisil. "Hindi na ako masasaktan pa ni Via kahit kailan. Lalabanan ko siya kahit anong mangyari." Matatag niyang sambit. "Alam ko puno ng galit ang puso niya sa'ken dahil akala niya ay inagaw ko sa kanya lahat ng mga taong mahal niya. Kaya niya pinlanong papuntahin ka sa mansion at nagpakilalang ako. Gusto niya akong saktan sa pamamagitan mo. Siya rin ang nag-text sa akin at nagpakilalang daddy ko at may mahalaga raw itong sasabihin sa'ken. Nagtungo ako roon at naniwala dahil nag-alala ako sa text ni daddy."

"Pero hindi siya nagtagumpay. At kahit anong gawin niya ay hindi siya magtatagumpay. Napakasama niya!" naramdaman niya ang panginginig ng binata sa galit. "Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag may ginawa siyang masama sa'yo," naging malamlam ang mga mata nito. "Nagulat ako nang siya ang sumalubong sa'ken sa mansion na iyon. I thought you are there kagaya ng ti-next mo sa'ken pero nagulat ako nang bigla na lamang niya akong lapitan. That time I knew I was set-up. How foolish I am to trust an unknown number," galit sa sarili ang nakita niya nang mahinang magmura ito. Ganoon rin siya... nagpaniwala sa isang 'di mapagkakatiwalaang numero na iyon. Huminga ito ng malalim. "Wala na akong magawa pero hindi uubra sa'ken ang anomang gagawin niya. Dahil hindi ko magagawang magtaksil sa babaeng pinakamamahal ko," puno ng kislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon