CHAPTER EIGHTEEN
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo daddy?" nakangiting tanong ni Jessica habang inilalapag sa isang mesa ang kanyang dalang mga prutas.
Isang ngiti ang iginanti ng daddy niya sa kanya. Umupo siya sa gilid ng kama nito sa ospital at hinawakan ang kamay nito.
"Okay na ako anak huwag ka nang mag-alala pa." Ang ngiti nito ay hindi aabot sa mga mata.
Malayo na ang daddy niya sa tiyak na kapahamakan. Nagtamo ito ng injuries sa ulo at likuran dahil sa impact ng pagkakabangga ng sasakyan nito. Mabuti na lamang ay hindi malala ang pagkakatama sa ulo ng daddy niya. Bukod sa mga sugat at bugbog sa katawan ay maayos na ang kalagayan nito. Kailangan na lamang nito ng treatment para sa kondisyon.
Tama ang lahat ng sinabi sa kanya ni Via. Mula sa pagsunod ng daddy niya kay Via hanggang sa hindi nakita ng daddy niya ang mabilis na pagharurot ng isang kasalubong na sasakyan na dahilan para magkabanggaan ang mga ito.
"Magpagaling po kayo daddy pagkatapos 'non ay iuuwi ko muna kayo sa bahay ko," nakangiting sabi niya. "Ako ang mag-alalaga sa inyo hanggang sa gumaling kayo."
"Maraming salamat anak," naramdaman niy ang pagpisil nito sa kanyang kamay. "Si... si Via, dumalaw na ba siya dito?" Naging malamlam ang mga mata nito.
Huminga siya ng malalim. "Hindi pa po nagpupunta dito si Via mula nang unang araw na nandito kayo sa ospital."
Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Gusto kong makita si Via..." may kislap sa mga matang sambi nito.
"Daddy, huwag ka munang mag-isip nang kung ano-ano ngayon. Ang isipin niyo ay ang sarili niyo para gumaling kayo agad," mahinahong sambit niya.
"Alam ko na sinisisi ni Via ang kanyang sarili sa nangyari sa'ken," malungkot ang tinig nito. "Ayokong nasasaktan kayo na mga anak ko," huminga ito ng malalim. "Nang araw na iyon ay nais ko lang makausap si Via. Gusto kong ituwid ang lahat ng pagkakamali ko. Dahil ayokong matulad si Via sa Ina niya. Ako ang puno't-dulo ng lahat ng ito. Ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan si Via. Kung bakit nasasaktan ka anak," ang mga mata nito ay puno ng takot at pangamba.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng daddy niya. "Ano po ang ibig niyong sabihin daddy?"
Tumingin ito sa kanya na may luha sa mga mata. "Panahon na para malaman mo ang totoo anak. Napakatagal kong itinago ang katotohanang ito at may karapatan kang malaman ang lahat ng ito. Hindi ko na kayang makitang nahihirapan kayo na mga anak ko nang dahil sa'ken."
Binundol ng kaba ang kanyang dibdib habang nakatingin sa daddy niya na puno ng luha ang mga mata.
"Ano'ng totoo, daddy?" lakas-loob na tanong niya habang pabilis na nang pabilis ang tibok ng kanyang diddib.
Huminga ito ng malalim at tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. "Jessica... anak, hindi totoong namatay sa cancer ang nanay mo."
Natigilan siya sa sinabi nito. "K-kung ganoon... ano po'ng ikinamatay ng nanay ko?" nalilitong tanong niya.
Kita niya ang sakit na dumaan sa mukha ng daddy niya. Humugot ito ng isang malalim na hininga.
"Pinatay siya..." pakiramdam niya ay nanghina ang kanyang katawan sa sinabing iyon ng daddy niya.
Umiling-iling siya habang nagsisimulang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. "P-paanong nangyari iyon? Bakit?" hindi na niya napigilan ang sakit na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETED
Любовные романыTbe 5'th story in HCD, Chant Andrew Driscoll and Jessica Angeles. Sip the aroma of love!