Chapter 5

1.7K 44 1
                                    

CHAPTER FIVE

"BAKIT ba ang kulit mo? Sinabi ko na ngang ayoko. Hindi mo ba naiintindihan iyon?" Kulang na lamang ay magsilabasan ang mga ugat sa leeg ni Jessica sa inis kay Chant.

"Ang sungit mo naman Jessica ako na nga nagmamagandang loob na ihatid ka sa trabaho mo. Ikaw pa itong maselan."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sinabi ko bang ihatid mo ako? Hindi naman ako nagprisintang ihatid mo ako. Isa pa, baka saan mo pa ako dalhin." Parang kinilabutan siya sa isiping iyon.

Nakita niya ang pagkaaliw sa mukha nito ng sabihin niya iyon. Ibang klase talaga ang lalaking ito. Kahit anong gawin niyang pagtataray rito ay lapit pa rin ito ng lapit sa kanya. Kagaya na lamang ng mga sandaling iyon. Paglabas niya ng kanyang kwarto ay eksakto namang palabas rin ito ng kwarto nito. Kaagad siya nitong kinausap at kinukulit na ihatid siya.

"Ayaw mo ba 'non dadalhin kita kahit saan mo gustong magpunta Jessica. Kahit sa langit pa," tumaas-baba pa ang kilay nito.

"Bastos ka talaga!" Hindi niya napigilang hampasin ang braso nito. Tatawa-tawa lamang ang bruho.

"Biro lang, ano ka ba. Masyado ka namang serious. Ihahatid lang naman kita sa trabaho mo. Tamang-tama kasi papunta rin ako ng HCD para magtrabaho. Kaya halika na."

"Ayoko nga sabi!" inis na sabi niya. "Hindi naman kita kilala at lalong hindi ako sasabay sa'yo."

Kita niyang natigilan ito sa kanyang sinabi. "Nagpakilala na ako sa'yo hindi ba? I'm Chant Andrew Driscoll. I even help you with your wicked half sister," umikot pa ang mga mata nito ng sabihin iyon. "You even told me about your stupid, bastard ex-boyfriend," pinakadiin pa nito ang bawat salita. "At higit sa lahat..." Ibinitin pa nito ang sasabihin. "Nai-kwento mo sa'ken ang pagtataksil ng kapatid mo at ng walang-kwentang boyfriend mo." May nahimigan siyang galit sa tinig nito kapag sinasabi ang ex-boyfriend niya. "Kaya sapat na dahilan iyon para pagkatiwalaan mo ako."

Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya. Shit! His eyes are so attractive. Sa tuwing ngingiti ito ay para siyang natutunaw sa ganda ng ngiti nito.

Tama naman ang mga sinabi nito sa kanya. Kamakailan lamang ng masabi niya rito ang kanyang mga problema. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nagawa niyang magkwento kay Chant.

"Alam mo ang dami-dami mo talagang sinasabi Chant," iiling-iling na sabi niya rito.

"So, that means papayag ka ng sumabay sa akin?" Pinaikot lamang niya ang mga mata bilang tugon. "Ano pang hinihintay mo. Let's go!"

Napaigtad siya ng bigla na lamang siya nitong hawakan sa braso at akayin papunta sa elevator. Mas pabor sa kanya ang gusto nito dahil hindi na siya magco-commute. Nasira ang kanyang sasakyan at kasalukuyang nasa talyer. Second hand lamang kasi ang kotse niya at luma na iyon kaya palaging nasisira.

Nagtataka siya kung bakit ginagawa ni Chant ang mga bagay na iyon sa kanya. Siguro naghahanap lamang ito ng mapaglilibangan. Lalo na at alam niyang naparusahan lamang ito sa pagtatrabaho sa HCD. Alam niyang galing ito sa mayamang pamilya. Patunay ang negosyong hawak ng kapatid nito.

Nang makarating sila sa car park ay kaagad na pinagbukas siya nito ng pinto ng kotse. A gentleman, she thought. Mabilis siyang sumakay at kinabit ang kanyang seat belt. Ilang sandali lamang at pinaandar na ni Chant ang sasakyan at bumibiyahe na sila.

She feels at ease while inside his car. Parang ang gaan ng kanyang pakiramdam habang kasama ang binata. Strange but she like the feeling... to think that she doesn't know him completely.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon