Chapter 20 Ending

2.8K 95 37
                                    

CHAPTER TWENTY

"DADDY... Jessica..."

Natigilan si Jessica sa tinig na iyon habang nagkukwentuhan sila ng kanyang daddy sa loob ng ospital habang nakahiga ito at nagpapahinga. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Si Via na nakatayo sa paanan ng pinto kasama si Denver.

"Via... anak," ang daddy niya na garalgal ang tinig. "Halika dito anak."

Kumilos siya at umalis mula sa gilid ng kama na kinauupuan nang maglakad si Via palapit sa kanilang daddy. Ito ang umupo sa kanyang binakanteng pwesto.

"Daddy... I'm sorry..." puno ng lungkot ang tinig ni Via. Minasdan niya ito, napakalayo nito ngayon sa dating Via na kilala niya na malakas. Ang Via na kaharap niya ngayon ay mahina at puno ng lungkot ang mga mata. "P-patawarin niyo, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa inyo ito. Hindi ko sinasadya dad." Sa kanyang kinatatayuan malapit sa mga ito ay damang-dama niya ang pagsisisi sa tinig ni Via. Walang halong pagpapanggap. Totoong-totoo ang nakikita niya sa mukha nito. "Alam ko hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko sa'yo daddy. Mahal na mahal kita..." ang pag-iyak nito ay naging hagulgol nang yakapin ito ng daddy niya.

"Shh... tahan na anak. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo ginustong mangyari ito," anang daddy niya habang yakap ito at lumuluha rin. "Ang tanging mahalaga ay nagsisi ka at natuto ka... natuto kang buksan ang puso mo para makita kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Nagkakali ka sa iniisip mo na hindi kita mahal. Anak kita Via... mahal na mahal kita."

Tahimik na hindi na rin niya napigilan ang pag-iyak habang nakatanaw sa mga ito. Damang-dama niya ang pagmamahal ng daddy niya na madalas na ipagkamali ni Via. Alam niya na malambot rin ang puso ni Via at natuto itong buksan ang puso para sa sariling Ama. Naramdaman niya ang pagpisil sa kanyang balikat... nilingon niya si Denver na nakangiti sa kanya. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito.

"Maraming-maraming salamat daddy," nakangiting sambit nito at kumalas ng yakap. "Pangako magiging mabuting anak ako sa inyo. Hahabulin ko ang mga panahong nasayang at gugulin ko iyon sa pagsisilbi sa inyo... bilang isang mabuti at responsableng anak." Masuyong ngumiti ito. Napakaganda palang makita ang isang dalisay na ngiti ni Via.

"Kalimutan na natin ang lahat anak. Ang importante ngayon ay maayos na ang lahat." Isang amgandang ngiti ang isinukli ng daddy niya rito.

"Napakasaya ko daddy... napakasarap pala sa pakiramdam ang ganito. Pakiramdam ko ang tahimik ng puso ko," abot-abot ang saya sa mukha ni Via. "Pero magiging ganap na masaya lamang ako kung..." tumigil ito at humarap sa kanya. Nagtama ang mga mata nila ni Via. Pagsamo ang nakikita niya sa mga mata nito. "Kung mapapatawad mo ako Jessica..." bumalong ang mga luha nito sa mga mata habang unti-unting lumapit sa kanya.

"Napakarami kong kasalanan sa'yo..." huminga ito ng malalim habang puno ng pagsamo ang mga mata. "K-kung ang tingin mo naging miserable ang buhay mo nang dahil sa'ken tatanggapin ko ang lahat Jessica... saktan mo ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako." Puno ng luha ang mga mata nito. "Patawarin mo ako... kapatid ko."

Hindi na rin niya napigilan ang mga luha sa kanyang mga mata. "Inaamin ko napakaraming sakit ang naramdaman ko Via. Halos mamatay ako sa sakit na nararamdaman ko," nasasaktang pahayag niya. "Naging miserable ang buhay ko... at isa ka sa mga dahilan niyon."

"Hindi mo na ba ako mapapatawad?" puno ng agam-agam ang mukha nito.

"Napakarami nang sakit dito," tinuro niya ang kanyang dibdib. "Nakabaon sa puso ko ang lahat ng sakit at galit. Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin..." nahihirapang sambit niya. "Pero alang-alang kay daddy..." patuloy niya habang lumuluha. Tumingin siya kay Via ng tuwid sa mga mata. Nakita niya ang pagsisisi at pagsamo sa mga mata nito. "Patatawarin kita... ate," isang ngiti ang ibinigay niya rito habang patuloy sa paglandas ang kanyang mga luha.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon