Chapter 16

1.4K 39 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

"JESSICA, ano'ng ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ni Chant sa dalaga nang makita ito sa loob ng kanyang opisina sa Hotel Driscoll.

"Surprise!" nakangiting sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit ito sa kanya bitbit ang isang paper bag. "Masama ba'ng bisitahin ang boyfriend ko at dalhan ng masarap na lunch?" nangingiting iminwestra pa nito ang dala.

Hinaplos ang kanyang puso sa sinabi ng dalaga. Nilapitan niya ito at kaagad na siniil ng isang mabilis na halik sa labi. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito sa kanyang ginawa. Sa tuwing nakikita niya ito ay wala siyang ibang maramdaman kun'di ang pagmamahal sa dalaga. At sa tuwing hahalikan niya ito ay kay gaan ng kanyang nararamdaman.

Natawa siya sa reaksyon nito. Ang ganda-ganda talaga ni Jessica. Hindi siay magsasawang masdan ang maganda nitong mukha habang-buhay.

"Dahil si-nur-prise mo ako iyan ang reward mo sa'ken," kinindatan pa niya ito bago inakbayan at iginiya sa upuan. Tumabi siya rito habang masuyong tumingin sa buong mukha nito.

Kumurap-kurap ito, "May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?"

Ngumiti lamang siya at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na magkasintahan na tayo. Sobrang saya ng nararamdaman ko kapag kasama kita Jessica. Kung maari lamang dito ka lang sa tabi ko palagi ay gagawin ko. Kasi kahit ilang oras lang tayong hindi magkasama nami-miss na kita kaagad."

Totoo iyon sa kanyang puso. Nang sabihin ni Jessica kung gaano siya nito kamahal ang pinakamahalagang pangyayari sa buhay niya. Ang pagmamahal niya para sa dalaga naghahatid ng kapanatagan sa kanyang kalooban.

Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na nagtapat siya rito. Hindi niya lubos-maisip na magagawa niyang magmahal nang sobra-sobra. Na wala siyang ibang nanaisin kun'di ang makasama si Jessica sa buong buhay niya. Ang pagmamahal niya para sa dalaga ang tanging dahilan kung bakit nagbago ang inog ng kanyang mundo. Gagawin niya ang lahat maging karapat-dapat lamang rito.

Ngumiti ito sa kanya at hinuli ang kanyang mga kamay. "Ang drama talaga ng Chant ko..." natatawang pinisil nito ang kanyang pisngi. Sa tuwing sasabihin nito iyon pakiramdam niya ay pag-aari siya nito. And he is more than willing to own him forever. "Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng kasintahan na katulad mo... mabait, responsable, maalalahanin at higit sa lahat..." ibinitin pa nito ang sasabihin. "Mapagmahal. I love you Chant ko." Damang-dama niya ang sinseridad sa tinig ng dalaga.

"I love you more my Jessica," buong-pusong tugon niya at kinintalan ng halik ang noo nito. "Ikaw ang pinaka-the best na girlfriend sa buong mundo. Hindi lang sweet at maganda. Palagi pa akong binubusog sa masasarap na luto mo." Pinisil niya ang pisngi nito. "Ano ba 'yang dala mo? Tamang-tama kanina pa ako nagugutom," takam na tiningnan niya ang paper bag na nasa mesa.

"Naku! Binobola-bola mo pa ako eh ang totoo naman niyon ay ang dalang lunch ko lang ang gusto mo. Kanina pa nga masama ang tingin mo riyan eh," sumimangot pa ito na lalong nagpa-cute rito.

"Hindi lang po iyon ang gusto ko. Siyempre pati na rin ang nagluto. Love na love ko kaya ang nagluto nito." Kinalkal niya ang paper bag at sabik na binuksan iyon. Naglaway siya ng maamoy ang paborito niyang kare-kare. "Hmm... amoy pa lang masarap na," nanlalaking mga matang komento niya.

"O, dahan-dahan lang sa pagkain ha," nakangiting sabi nito.

Nagsimula siyang kumain. "Ang sarap grabe!" Masayang komento niya. "Ang sarap mo talagang magluto kaya nga na-inlove ako lalo sa'yo eh," hindi niya napigilang sabihin.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon