Chapter 4

1.8K 50 1
                                    


CHAPTER FOUR

"HAY! Nakakainis naman talaga ang lalaking iyon!" gigil na pinagpipindot ni Jessica ang backspace key ng kanyang laptop.

Wala siyang matinong maisulat dahil sa ingay na kanyang naririnig mula sa katabing kwarto. Kailangan na niyang matapos ang script na ginagawa niya at ipapasa na niya iyon bukas. Pero hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil sa ingay. Siya ang tipo ng writer na ayaw ng maiingay na musika kapag nagsusulat. Gusto niya ay pawang slow music lamang. Ngunit binubulabog siya ng malakas na tugtog sa kabilang kwarto.

"Peste talaga ang bwisit na lalaking iyon. Kapag nakita ko siya makakatikim talaga siya sa'ken," pumuputok talaga ang kanyang butse sa tuwing makikita niya ito. Napakayabang nito at hindi nauubusan ng sasabihin.

Unang beses pa lamang niya itong nakita ay hindi na niya ito gusto. Lalo pa ng muli sila nitong magkita nito sa elevator. Hindi siya makapaniwalang ito pala ang kapitbahay niya. Sa ilang buwang pagtira niya roon, buong akala niya ay walang nagmamay-ari ng unit dahil tahimik roon. Ngayon pala ay ang bruhong Chant na iyon ang nakatira roon. Bakit ba kasi ito bumalik sa bahay nito? Nabubulabog tuloy siya.

Sa inis at gigil niya ay mabilis na kumilos ang kanyang mga paa at lumabas ng kanyang bahay. Nahanap niya ang sariling nagdo-doorbell sa katabing bahay. Sa sobrang inis niya ay pinindot niya ng maraming beses ang doorbell.

"Kung makapag-doorbell ka naman wagas. Oh! What a pleasant evening my dear neighbor!" kaagad na nawala ang kunot ng noo nito ng mabungaran siya.

Dinig na dinig niya sa labas ang lakas ng speakers nito. Pumitik ang kanyang sentido sa lakas ng ingay.

"Hinahan mo 'yang speakers mo," malakas na sabi niya para marinig siya nito.

"What?" inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Ang sabi ko hinahan mo ang speakers mo! Bingi!" malakas na sabi niya at itinuro ang loob ng bahay nito.

Nakuha naman nito ang kanyang sinabi at bumalik sa loob ng bahay. Ilang sandali lamang ay nasa harapan na niya ito. Guminhawa ang pakiramdam niya ng mawala ang ingay.

Humalukipkip siya, "Akala mo ba ikaw lang ang tao sa buong tower na ito?" inis na sabi niya pagkabalik nito. "Kung makapagpatugtog ka akala mo ikaw ang hari ng mundo."

"Teka, teka lang, ano na naman ba ang kasalanan ko sa'yo?" kunwa'y nahihiwagang tanong nito.

"Hindi ka lang bingi, ang slow mo pa," gigil na sabi niya.

"Bakit ba? Nagsasaya lang naman ako," pagtatanggol pa nito sa sarili.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Nagsasaya sa dis-oras ng gabi? Aba! Ibang klase ka naman talaga Mister. Kung gusto mong magsaya doon ka sa mga bar o kaya disco. Alam mo noong wala ka dito, tahimik ang bawat araw ko. Pero mula nang dumating ka naging imbiyerna ang buhay ko."

"Ang sakit mo namang magsalita Jessica," kunwa'y nasasaktang himimas pa nito ang dibdib. "Matagal akong 'di nakauwi ng bahay ko tapos ganito ang isasalubong sa'ken ng kapitbahay ko?" pagda-drama pa nito.

"Pwede na itigil mo na 'yang drama mo," saway niya rito. "Naiinis na talaga ako sa'yong lalaki ka!"

"Sungit..." Narinig pa niyang bulong nito.

Pinaymawang niya ito. "Hindi mo ba alam na napakalaking abala ang ginagawa mo sa mga taong nagpapahinga na sa tower na ito? Higit sa lahat, hindi ako makapag-concentrate sa pagsusulat ko dahil sa lakas mong magpatugtog! May deadline ako bukas kaya kapag hindi ko ito natapos kakainin kita ng buhay!" hinihingal na lintanya niya. Matutuyuan talaga siya ng dugo sa lalaking ito.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon