CHAPTER EIGHT
"CHANT..." sambit ni Jessica ng makita ang binata na nakasandal sa gilid ng kotse nito. Nakaparada ang sasakyan sa labas ng building kung saan siya nagtatrabaho. Pauwi na siya ng hapong iyon.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya ng makalapit.
Isang ngiti kaagad ang sinalubong nito sa kanya. Napakagaan ng kanyang pakiramdam sa tuwing ngingiti ito sa kanya. Ang ngiti ng binata ay tila energizer sa kanyang katawan. Nakakahawa ang masayahing aura nito.
"Sinusundo ko lang ang kaibigan ko," sagot nito.
"Kaibigan? Sino?" takang tanong niya.
"Ikaw," mabilis nitong sagot at tinuro pa siya. "Halika na sumakay ka na."
Umikot ito at pinagbukas siya ng pinto ng kotse. Kaagad naman siyang tumalima. Ikinabit niya ang kanyang seat belt pagsakay. Napakagaan ng kanyang pakiramdam sa kaalamang sinundo pa siya nito. Para siyang girlfriend nito sa iniaakto. Pero magkaibigan lang sila, paalala niya sa sarili.
"Tumakas lang ako sa klase para sunduin ka," anito pagsakay sa driver's seat.
"Tumakas ka na naman?" pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Pasaway ka talagang lalaki ka." Panenermon niya.
Mula ng mag-usap sila sa HCD ay bumalik ang dating samahan nila. Magkaibigan ang turingan nila sa isa't-isa. Maging ang pamilya nito ay ikinwento nito sa kanya. Alam niyang galing ito sa isang mapagmahal na pamilya. Unti-unti niya itong nakikilala. Na maalalahanin ang binata lalo na apgdating sa kanya. Labis ang tuwa niya dahil bumalik ito sa pag-aaral. Third year college ito sa kursong hotel and restaurant management. At pinagsasabay rin ang pagpasok sa hotel ng daddy nito para pag-aralan ang mga pasikot-sikot roon.
Naniniwala siya sa kakayahan ni Chant. Alam niyang malayo ang mararating nito. At ang isa sa ikanataba ng kanyang puso ay ang sinabi nitong siya ang dahilan kung bakit napantanto nito sa sarili ang pagbabago. Abot-abot ang sayang nararamdaman niya dahil nagawa niyang maiparamdam sa isang tao iyon. Lalo na kay Chant dahil kapag kasama niya ang binata ay hindi niya maramdaman ang lungkot na dapat ay nararamdaman niya dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay. Pero wala siyang ibang maramdaman kung hindi ang saya.
"Biro lang!" natatawang sabi nito. "Dumaan lang ako para magpaalam sa'yo," naging seryoso ang mukha nito.
"Aalis ka? Saan ka pupunta?" nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito.
Tumingin ito sa kanya habang nasa manibela ang hawak. Hindi pa umaandar ang kanilang sasakyan.
"Sinasama ako ni daddy sa business trip niya sa sa London. Doon nakatira ang maraming kamag-anak namin kay daddy at marami siyang naging business partners doon. Kaya mawawala ako ng isang linggo," paliwanag nito sa kanya.
Nalungkot siya sa isiping hindi niya ito makikita pero hindi niya ipinahalata iyon. "Good for you," nakangiting sabi niya. "Sigurado ako marami kang matutunan roon. At isa pa... hindi mo naman kailangang magpaalam sa'ken Chant," tumawa siya. Nakatulong iyon para pagtakpan ang kanyang nararamdaman.
Ngunit naging seryoso ang mukha ng binata habang magkahinang ang kanilang mga mata. Hindi niya kayang pigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. This man can always make her feal that way.
"Pero gusto kong magpaalam sa'yo Jessica," naging malamlam ang mga mata nito. "Hindi mo ba ako mami-miss?" Lumabi pa ito. "Kasi ako mami-miss kita."
BINABASA MO ANG
Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETED
RomanceTbe 5'th story in HCD, Chant Andrew Driscoll and Jessica Angeles. Sip the aroma of love!