Chapter 11

1.3K 42 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

NAPANGITI si Jessica nang marinig ang tunog ng kanyang doorbell. Isang tao lamang nasa laman ng isip niya. That person is none other than Chant. Nasanay na siya na bigla na lamang itong kakatok sa kanyang pintuan pagkatapos ay makikipagkwentuhan sa kanya na parang ayaw na nitong bumalik sa sariling bahay.

Napangiti siya sa isiping iyon. The kiss they've shared, that was the most magical moment of her life. Hinding-hindi niya makakalimutan ang tamis ng halik ng binata. Mula nang pagsaluhan nila iyon ay mas naging maalalahanin ang binata sa kanya. Tila sila magkasintahan kung ihatid-sundo siya nito sa trabaho. Bigyan ng kanyang paboritong chocolates at dalhin sa magagandang lugar. Sa tuwing kasama niya si Chant ay walang ibang maramdaman ang puso niya kung hindi ang saya.

Wala itong anomang sinasabi sa kanilang relasyon. Alam niyang isang-araw ay mangyayari ang hinihiling niya tuwing gabi. Sa mga bisig ni Chant ay ramdam niya ang kapayapaan ng kanyang kalooban. Tanging ito lamang ang lalaking nagpasaya sa kanya at sa tuwing nasa tabi niya ito ay hindi niya maramdaman ang lungkot. Dahil ipinangako nito sa kanyang pasasayahin siya anoman ang mangyari. At ang puso niya ay lubos na nagtitiwala sa binata.

Ngunit nawala ang kanyang matamis na ngiti nang iba ang kanyang mapagbuksan.

"Surprise Jessica? Did you expect someone to knock at your door?"

Ang mapang-uyam na tinig na iyon ni tita Marga ang sumalubong sa kanya. Naka-bun ang buhok nito at kuntodo ang pustura. Unang tingin pa lamang rito ay malalaman na kung gaano ito ka-matapobre sa hitsura pa lamang.

"She's really expecting someone to visit her. Perhaps, her boyfriend. Right, Jessica?" nakataas ang kilay na sabi pa ng katabi nitong si Via. Maarteng nakasukbit pa sa gitna ng braso ang mamahaling bag nito. Mag-ina nga ang dalawa. Sa tindig at porma ay halatang galing sa mayamang pamilya ang mga ito.

Sanay na sanay na siya sa ganoong uri ng tingin sa kanya ng mag-ina. Ang pang-uuyam sa tono ng mga ito at ang matatalim na tingin. What else she will expect to their mother and daughter tandem?

"Anong ginagawa niyo rito?" bagkus ay walang emosyog tanong niya.

"Talagang bastos ka Jessica!" mariing sabi ni tita Marga. "Iyan ba ang isasalubong mo sa asawa ng iyong Ama?" Humalukipkip pa ito na nasa mukha ang disgusto sa kanya.

Huminga siya ng malalim para mapigil ang sarili sa pagkawala ng kanyang inis. "Kung nagpunta po kayo rito para manggulo, maari na po kayong umalis," aniya sa malumanay na tinig. "Ayoko po ng gulo."

"Hindi gulo ang ipinunta namin dito Jessica." Natigilan siya ng walang-babalang pumasok ang mga ito sa loob ng kanyang bahay. Napapikit na lamang siya ng banggain siya ni Via at ngumisi na parang aso sa kanya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang isara ang pinto at harapin ang mga ito. Wala siyang ideya kung ano ang sadya ng mga ito sa kanya. Ang tanging alam niya ay gulo ang palaging hatid ng dalawa sa kanya.

"Hindi ka na pala cheap ngayon Jessica. Kaya mo na pa lang i-afford ang ganito kagandang lugar," nakangising sabi ni Via sa kanya pagkatapos nililibot ang paningin sa kabuan ng kanyang bahay. She always saying that word to her, how cheap she is.

"Not because I don't dress better than others doesn't mean I am cheap," matapang na sagot niya rito at nilabanan ito ng tingin.

Kung may isang bagay siyang natutunan iyon ay ang 'wag pa-dehado sa mga ito. Lalaban siya at lalaban para maipagtanggol ang sarili.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon