Chapter 13

1.3K 42 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"CHANT gumising ka na riyan! Ano ba oras na at kailangan mo nang pumasok sa eskwela. Hindi ba may exam ka ngayon?"

Tila walang narinig si Chant sa sinabing iyon ng kuya Lewis niya. Pakiramdam niya ay manhid ang kanyang katawan. Kung maari nga lamang mangyaring maging manhid na lamang siya para hindi na niya maramdaman ang sakit na tila patalim na bumabaon sa kanyang dibdib.

Naramdaman niya ang malakas na pagyugyog sa kanyang balikat habang nakahiga siya sa kama. Sigurado siyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya bumabangon. Nakapikit lamang ang kanyang mga mata pero ang totoo niyon ay hindi siya makatulog buong gabi. Ilang araw na nga ba siyang ganoon? Sa gabi ay hindi makatulog sa nararamdamang kahungkagan sa kanyang dibdib.

"Hindi pa rin ba bumangon iyan Lewis? Aba! Ilang araw nang ganyan ang kapatid mo. Kapag nalaman ito ng daddy niyo sigurado akong lagot iyan."

Ang tinig na iyon ng mommy niya ang kanyang narinig. Naramdaman niya ang muling pagyugyog sa kanyang balikat.

Umungol siya kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Kakamot-kamot sa ulong tiningnan niya ang mga ito na nakatunghay lamang sa kanya.

"Bakit ba? Gusto ko pang matulog," reklamo niya sa mga ito.

"Tingnan mo nga 'yang sarili mo Chant Andrew. Mugtong-mugto na ang mga mata mo. Ano ba'ng nangyayari sa'yo anak?"

Natigilan siya sa nag-aalalang tinig na iyon ng mommy niya. He saw the sympathy in her eyes.

"Chant, ano ba ang problema mo? Nang mga nakaraang araw abot-abot ang saya sa mukha mo pero nitong mga ilang araw na lumipas ang tahimik mo at hindi kumikibo. Hindi ka naman dating ganyan 'bro," simpatya ang nasa tinig ng kuya niya.

Huminga siya ng malalim. Wala talaga siyang maitatago sa kanyang pamilya. Sa sobrang lapit nila sa isa't-isa ay damang-dama niya ang pagmamalasakit ng mga ito sa kanya.

Ngumiti siya ng pilit sa mga ito. "Pasensya na kayo sa'ken mom, kuya, pagod lang ako sa dami ng trabaho sa opisina at sa eskwela."

Isang masuyong ngiti ang iginanti ng kanyang mommy sa kanya. Lumapit ito sa kanya at naupo sa paanan ng kama. "Chant, anak," hinaplos nito ang kanyangpisngi. "Huwag kang magsisinungaling sa'ken, anak kita, kilalang-kilala kita. Alam ko kung kailan ka masaya at lalong alam ko kung kailan may dinaramdam ka diyan sa kalooban mo."

Bumikig ang kanyang lalamunan sa sinseridad at pag-aalala sa mukha ng kanyang Ina.

"Mom..." garalgal ang kanyang tinig.

"You can always tell me, son," masuyong pinisil nito ang kanyang pisngi. "Ilang araw ka nang ganyan. Dito ka umuuwi sa mansion na parang may tinatakasan ka. Minsan hindi ka pumapasok sa eskwela maging sa opisina. Sasayangin mo na lang ba lahat ng pinaghirapan mo?"

"Ano pa ba'ng saysay ng lahat ng pinaghirapan ko kung wala na sa'ken ang taong naging dahilan kung bakit nagbago ako?" mapait niyang tanong. Sa isiping iyon ay tila may malaking punyal na sumasaksak sa kanyang dibdib. "Mas mabuti pa nga sigurong mawala na lang sa'ken ang lahat ito mom."

Umiling-iling ang mommy niya. "Hindi, 'wag mo sayangin ang lahat ng pinaghirapan mo anak," mariing saad nito. "Tandaan mo kung saan ka nag-umpisa at kung bakit ginawa mo ang lahat ng ito."

Tiningnan niya ang Ina. "Siya 'mom, siya ang dahilan pero... wala na. Wala na siya sa'ken. Ipinagtulakan na niya ako palayo," mapait na sambit niya.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon