Chapter 12

1.3K 41 1
                                    

CHAPTER TWELVE

NASA isang sulok lamang si Jessica habang nakatanaw sa dalawang taong may masayang ngiti sa mga labi. Ang dalawang taong naging dahilan kung bakit lalo siyang naging matapang at malakas. Via is smiling at Denver, they look perfect together. Bagay na bagay magsama ang dalawang taksil. Mapait na turan niya sa sarili.

Naalala niya si Denver. Ang kapal ng mukha nitong makipagbalikan sa kanya noon? But look at him now... the night of their enagament party kasama ang nag-iisang kapatid niya. Alam niyang wala sa loob nito ang pakikipagbalikan sa kanya. She knew that was just a scheme. Siguro ay ginawa lamang ito iyon sa utos ni Via... para muling paglaruan ang kanyang damdamin. Napakasama ng mga ito. Hindi pa nakuntentong pinagtaksilan siya, gusto pa siyang paglaruan.

Sa isiping iyon ay kumuyom ang kanyang mga kamay. Wala siyang ibang maramdaman kun'di ang galit sa mga ito. This day would be last time she's seeing them. Ito na ang huling pagkakataon para kalimutan ang lahat ng sakit sa kanyang kalooban.

Inihakbang niya ang mga paa palabas ng mansion. Paglabas niya roon ay alam niyang wala na ang sakit. Ibabaon niya sa limot ang lahat at magbabagong-buhay... ng mag-isa. Iyon ang makakabuti para sa kanya.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang bar at doon ay tahimik na inaliw ang sarili. Ang isang baso ng alak na pinangako niya sa sarili ay naging dalawa. Damang-dama niya ang pait na gumuhit sa kanyang lalamunan dahil sa alcohol. Hanggang sa naka-tatlong baso siya ng alak at hindi na mabilang pa ang kanyang nainom. Ang malamyos na musika ay tila nakikiramay sa kanyang damdamin.

Ipinagpatuloy niya ang pag-inom. Gusto niyang maging manhid ang kanyang pakiramdam. Para pag-uwi niya sa bahay ay kaagad siyang makatulog at makalimutan ang lahat. At ituturing na lamang isang bangungot ang lahat.

"Ma'am, excuse me po. May kasama po ba kayo? Nakarami na po kasi kayo ng inom."

Hindi pa sana siya titigil kun'di lamang narinig ang tinig na iyon ng isang barista. Ngumiti siya rito, mukhang bata pa ang babae. Nakakatuwa at isang babae ang barista roon. "Pwede bang pakitawag na lang ako ng taxi at uuwi na ako?"

Tumango ito, "Sige po ma'am," anito at umalis sa kanyang harapan.

Ang bigat ng kanyang pakiramdam. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi at umiikot ang kanyang paningin. Umiinom lamang siya sa tuwing nagkayayahan sa trabaho at konti lang ang talagang iniinom niya. Mukhang nadala siya at napasobrahan ang inom niya ngayon.

"Ma'am andiyan na po ang taxi sa labas."

Ang tinig na iyon ang nagpatigil sa kanya. "Maraming salamat," aniya rito at bago iniwan ang bayad sa counter table.

Tumayo siya mula sa kinauupuan ngunit biglang umikot ang kanyang paningin. Napahawak siya sa upuan.

"Ma'am alalayan ko na po kayo."

"Yes, please?" aniya sa babae. "Pasensya ka na ha."

"Okay lang po ma'am. Tungkulin po naming maging ligtas ang mga customers namin." nakangiting sabi nito at inalalayan siya papunta sa nakaparadang taxi.

Muli siyang nagpasalamat rito pagsakay niya sa taxi. Tumango lamang ito at bumalik na sa loob. Sinabi niya ang address sa driver. Sumandal siya at at ipinikit ang mga mata habang bumibiyahe. Gusto na niyang mahiga sa malambot na kama at matulog.

"Nandito na po tayo ma'am." Ilang sandali lamang at nagmulat siya ng mga mata at iginala ang paningin sa labas. Nandito na nga siya sa tower kung saan ang bahay niya.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon