Chapter 6

1.6K 43 0
                                    

CHAPTER SIX

"ANO'NG ginagawa mo rito Chant?" gulat na tanong ni Jessica ng mabungaran niya ito na naghihintay sa lobby sa building ng kanyang pinagtatrabahuan.

Nagulat siya kanina ng tumawag ito sa kanyang telepono at sabihin nitong nasa labas ito ng TV Three. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang numero ng cell phone niya. Kaagad naman siyang bumaba mula sa opisina para magpunta sa lobby.

"Hi, surprise!" masayang bungad nito sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong niya. Pinaupo niya itong muli at naupo rin siya sa kaliwang bahagi nito. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon. Isang long sleeves-polo at slacks. Mukha itong executive sa porma. Kahit ano yatang ipasuot rito ay babagay sa binata. Mukha nga itong artista sa lakas ng dating nito.

"I just drop by to give you this," iminwestra nito ang plastic bag na hawak. Nakita kaagad niya ang tatak ng Heart's Coffe Date roon. "The Taste of Forever drink, iced caramel macchiato, your favorite. Pinagawa ko siyang iced para ma-refresh ka sa ganito kainit na panahon."

Hindi siya makapaniwalang gagawin nito iyon para sa kanya. "Thank you," sinserong sabi niya nang iabot sa kanya ang dala. "Nag-abala ka pang dalhan ako."

"Gusto ko lang bigyan ka ng kape bilang pasasalamat," nakangiting sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Pasasalamat saan?"

"Para sa mga encouraging words mo noong isang araw."

Natawa siya sa sinabi nito. "Saka ka magpasalamat sa'ken kapag nagkaroon na ng bunga ang mga sinabi ko."

Chant has always been here beside her. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya ay malapit ito sa kanya. At aaminin niya sa sariling nagugustuhan niya ang presensya nito. Napapansin na lamang niya sa kanyang sarili na nangingiti siya nang mag-isa sa mga hirit nito. Natatawa siya sa mga biro ng binata sa kanya. She knew he's a jolly person. Parang ang gaan-gaan ng buhay nito at walang anomang problema. Kahit na alam niyang may dinadaing rin ito sa sarili.

At hindi rin niya maramdaman ang lungkot sa tuwing kasama niya ito at kausap. It feels like her life is in lightest part everytime he's near.

"Tumakas nga lang ako sa HCD para maibigay 'yan sa'yo."

"Ano?" nanlaki ang kanyang mga mata. "Bakit mo naman ginawa iyon Chant? Baka magalit pa sa'yo si Lewis o kaya ang daddy mo kapag nalaman nila ito. Kahit kailan hindi ka talaga nag-iisip na lalaki ka," panenermon pa niya. Bigla siyang nag-alala ngayong alam niya ang kalagayan nito.

Sa kanyang gulat ay tumawa lamang ito. "Biro lang, kaagad ka namang nagagalit riyan." Bilang ganti ay hinampas niya ang braso nito.

"Sira-ulo ka talaga kahit kailan," iiling-iling na sabi niya.

"Nasa HCD ako ng tawagan ako ng daddy ko para magpunta sa opisina niya. Naisipan kong dumaan rito para bigyan ka ng kape. You know, I suddenly think of you and I miss you."

Namula na yata ang kanyang pisngi sa sinabi ng binata. Nakatingin pa ito sa kanyang mga mata ng may masuyong ngiti sa mga labi. Bakit para siyang kinilig sa sinabi nito? Kaagad na sinaway niya ang sarili sa mga nararamdaman.

"I-itigil mo 'yan Chant," saway niya rito ng makabawi. Nainis siya sa sarili dahil nautal pa siya.

"Totoo ang sinabi ko Jessica," naging malamlam ang mukha nito. "Nami-miss na kita. Ikaw, hindi mo ba ako nami-miss?"

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon