Chapter 9

1.5K 42 0
                                    

CHAPTER NINE

"PARA sa'ken ito 'yung sweet haven ng mga katulad kong writer. Bukod sa masarap na kape at chocolates, ito ang nakapagpapasaya sa'ken."

"And speaking of chocolates, I brought you some," kinindatan pa siya nito.

Napangiti siya sa sinabi nito. Palagi siya nitong binibigyan ng tsokolate na paborito niya. Sa tuwing nagsusulat siya ay hindi nawawala sa tabi niya ang tsokolate. Kahit anong brand pa iyon ay kakainin niya. Ganoon siya katakaw pagdating sa tsokolate.

"Hindi ko pa nga nauubos ang mga ibinigay mo sa'ken 'nung dumating ka galing London. Meron na naman?" natatawang sabi niya. "Alam na alam mo talaga ang kahinaan ko Chant."

Tumawa ito. "A perfect way to a woman's heart is through... chocolates," natatawang patuloy pa nito.

Natawa rin siya sa sinabi nito. "Teka... parang hindi naman ganoon iyon ha?" iiling-iling na sabi niya na lalong ikinatawa nito.

Sa tuwing kasama niya ito ay nahahanap niya ang sarili napapangiti at tumatawa. Kakaiba ang epekto ni Chant sa kanya kapag nasa tabi niya ito.

"Mali ba?" kakamot-kamot sa ulong tanong pa nito. "Hindi bale, hindi ako magsasawang bigyan ka ng chocolates araw-araw kung iyon ang makakapagpasaya sa'yo Jessica."

"Tatandaan ko 'yang sinabi mo Chant," nakangiting sabi naman niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. "Ang ganda dito ano?" mayamaya ay sambit niya. "This beautiful place, the warmth of refreshing air and the sounds of waving water. Napakasarap sa pakiramdam." Hindi maalis-alis ang kanyang ngiti ng lingunin ang binata.

She caught him staring at her intently. She can't get enough to his smiles that makes her heart pound so fast.

Isang masuyong ngiti ang iginanti nito sa kanya. "I'm glad you like it here," anitong tumingin sa buong paligid. "I love to take you on beautiful places, Jessica. Sinisiguro ko na dadalhin kita sa lahat ng magagandang lugar sa buong mundo."

His smile turned into a gentle look of his eyes. Pakiramdam niya ay napaka-romantiko ng paligid ng Manila Bay habang nakasandal sila sa gilid ng nakaparadang kotse ng binata. Tila ngayon lamang niya na-appreciate ang kagandahan ng lugar habang nangingislap ang mga ilaw sa paligid. She knows it's because of the man right beside her.

Pauwi na sila nang gabing iyon nang anyayahan siya nitong maglakad-lakad roon. Pumayag naman siya dahil gusto niyang makapag-relax. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay gusto niyang makasama ang binata ng matagal.

Tumawa siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Sa tuwing titingnan siya ni Chant ay naliligalig ang kanyang buong sistema. Ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya.

"Talaga?" masayang ulit niya. "Gusto ko ang ideyang iyan. Napakarami ko nang narating na lugar sa mga isinusulat kong kwento. Pero gusto ko na makita mismo ng mga mata ko ang kagandahan ng mga lugar na isinusulat ko."

"Alam mo ba kung ano ang pinakamagandang lugar sa buong mundo Jessica?" Tanong nito na naging malamlam ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Ang puso niya ay hindi niya kayang kontrolin sa mabilis na pagtibok niyon. Hindi alam ng lalaking ito kung gaano siya naliligalig sa mga ginagawa nito. "Para sa'ken... ang pinakamagandang lugar na narating ko sa buong buhay ko ay sa tabi mo." His voice turned husky as his eyes are sparkling in emotions. Nahulog na yata ang kanyang puso sa sinambit nito. Hindi niya kayang basahin ang naglalarong kislap sa mga mata nito.

"Kapag nasa tabi kita pakiramdam ko ligtas ako..." hindi na niya napigilang sabihin. Iyon ang totoong nararamdam niya kapag kasama ang binata. "Mula nang makilala kita Chant ipinakita mo sa'ken na espesyal ako. Hindi ko maramdaman ang anomang lungkot dahil nandito ka para hindi ko maramdaman iyon. Saya ang tanging pumupuno sa dibdib ko kapag nasa tabi kita."

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon