Chapter 7

1.5K 35 2
                                    

CHAPTER SEVEN

"DAMN! Shit!" sa sobrang inis ay sinipa ni Chant ang sofa.

"Hoy Chant ano bang nangyayari sa'yo? Kapag nakita ka ni mommy na sinipa mo 'yang sofa niya sigurado akong lagot ka 'ron."

Napamura siyang muli sa sinabi ng kuya Lewis niya. Inayos niya ang sofa at pinagpag iyon. Naiinis na pabagsak siyang umupo roon at sumandal.

"Kanina ka pa parang pinagbagsakan ng langit at lupa riyan," komento ng kuya niya. "Ngayon ka na nga lang umuwi ng mansion pagkatapos ay hindi pa maipinta ang mukha mo. Ano bang gumugulo sa'yo Chant?"

Napabuntong hininga siya sa sinabi ng kapatid. Umayos siya ng upo at tiningnan ang kuya niya na prenteng nakaupo habang matamang nakatingin sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Si Jessica..." wala sa sariling sambit niya. Tumingala siya at pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. Bakit ganoon ang kanyang pakiramdam? Tila sumisikip ang kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang mga inaakto niya.

"Jessica?" kunot-noong ulit nito. "Wait... I know a certain Jessica. Ibig mong sabihin..." Tiningan niya ang kuya niya na 'di makapaniwala ang mukha.

"Yeah, Jessica... ang masungit na suki ng HCD." Pagtutuloy niya sa sasabihin nito.

"Si Jessica at ikaw..." turo nito sa kanya. "Anong ugnayan mo sa kanya?" nalilitong tanong pa nito.

"We're friends!" mabilis na sagot niya. Naiinis na siya sa pag-uusisa ng kapatid niya.

Tumawa pa ito na lalong ikinainis niya. Tiningnan niya ito ng matalim. Itinaas nito ang isang kamay at itinikom ang bibig. "I'm sorry 'bro. Nagulat lang ako sa sinabi mo at nagtataka. Ano ba'ng nangyari?"

"Jessica caught my attention the very first time I saw her. Nilapitan ko siya, nakipaglapit ako sa kanya. Hindi ko rin maintindihan pero gusto ko siyang kilalanin ng lubusan. Hanggang sa maging magkaibigan kami."

Natigilan siyang bigla. At ang pagkakaibigang nag-uumpisa pa lamang ay tila magwawakas na dahil sa kanyang kagagawan. Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon nang araw na iyon. Nang makita niya ang takot sa mukha ni Jessica nang hawakan ito ng dati nitong nobyo ay hindi niya nakontrol ang sarili. Damn! Why it feels like he was jealous?

Kahit anong pagpipigil niya ay nasuntok niya ang gagong iyon. Mula nang malaman niya ang ugnayan nito sa dalaga ay nagdidilim ang kanyang paningin kapag naalala ang mukha ng lalaking iyon. How foolish he was to betrayed Jessica. Hindi nito alam kung ano ang sinayang nito. Ang mga katulad ni Jessica ay hindi dapat sinasaktan. She deserves to be happy. Hindi siya papayag na masaktan si Jessica. Kung siya ang naging nobyo nito ay hindi niya ito sasaktan ng intensyonal.

Lahat ng ginagawa niya para kay Jessica ay bago sa kanyang sarili. Ni hindi siya namilit ng babae para pansinin lamang siya. Pero kay Jessica ay ginawa niya ang lahat kausapin lamang siya nito at pansinin. Kapag ayaw sa kanya ng isang babae ay siya na ang kusang lalayo. Pero sa dalaga ay pinagsisiksikan niya ang kanyang sarili maging malapit lamang rito. Because that was exactly his heart wanted... to be closer with her.

Nakukuha niya ang mga bagay na walang kahirap-hirap pero kay Jessica ay napakaraming effort ang ginawa niya. Her smile made his heart pounds so fast. Strange but that was the first time he heard his heart beat that hard. At ngayon ay parang bulang nawala lahat ng pinaghirapan niya. Hindi niya napigilang sabihin rito ang munting kirot na naramdaman niya. At ang katotohanang mahal pa nito ang dating nobyo. Nababaliw na yata siya sa mga naiisip. Bakit ba siya nasasaktan? Ano nga ba niya si Jessica? Kaibigan lang niya at wala siyang karapatang maradaman ang ganoong klase ng damdamin.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon