Chapter14

1.3K 42 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"SAAN ba talaga tayo pupunta Chant?" tanong ni Jessica sa binata habang nakasakay sila sa kotse nito. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin ng Linggo ng hapong iyon.

Sinulayapan siya nito, "Huwag ka nang maraming tanong Jessica. Sigurado akong mage-enjoy ka sa pupuntahan natin," kinindatan pa siya nito.

Pinalo niya ito sa braso sa sinabi nito. Tumatawang nagpatuloy lang ito sa pagda-drive. "Huwag mo akong pinagloloko-loko Chant kun'di lagot ka sa'ken," pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Bakit ba? Ano bang masama sa sinabi ko?" pagtatanggol nito sa sarili. "Masyado lang marumi 'yang isip mo Jessica," humalakhak pa ang bruho. "Relax ka lang diyan okay? Nandito na tayo."

Tumingin siya sa labas. Nabasa niya ang pangalan ng sikat na mall. Pagkatapos maiparada ang sasakyan ay sinulaypan niya ng binata.

Nahuli niyang nakatingin rin ito sa kanya. "Gusto kong mag-relax ka at mag-enjoy ngayong araw na ito kaya naisipan kong dalhin ka sa mall. Ayokong makita ang lungkot sa mga mata mo," naging masuyo ang mga mata nito sa kanya. "Gusto kong maging masaya ka palagi dahil iyon ang nararapat para sa'yo Jessica... ang maging masaya."

Napangiti siya sa mga sinabi ng binata. Muli niya itong pinapasok sa kanyang buhay. Na-realize niyang kailangan niya si Chant sa kanyang buhay. Hindi niya kayang mawala ito dahil ito na lamang ang nagpapasaya sa buhay niya.

"Ano pa'ng hinihintay mo?" masiglang sabi niya. "Tara na at mamasyal na tayo."

Mabilis na inalis niya ang kanyang seatbelt at sinukbit ang bag sa braso. Nakita niyang naunang lumabas si Chant at umikot ito at pinagbukas siya ng pinto. Napaka-gentleman talaga nito.

"My lady..." nakangiting sabi pa nito at inilahad ang isang kamay. Nakangiting tinanggap niya iyon at isinara nito ang pinto ng kotse. Akmang bibitaw siya rito ng mabilis na pinagsalikop nito ang kanyang mga kamay. Wala sa sariling napalingon siya sa binata.

"Pwede niyo na pong bitawan ang kamay ko," natatawang sabi niya.

Tila koryenteng dumaan sa kanyang katawan ang ginawa nito, lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Baka kasi mawala ka sa laki ng mall."

Natawa siya sa sinabi nito. "Ang sabihin mo gusto mo lang hawakan ang kamay ko," nakataas ang kilay na biro niya.

Tumingin lamang ito sa kanya. Isang tinging nakakatunaw na palaging nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. "Ang dami mong sinasabi Jessica. Halika na nga," pag-iwas nito at iginaya siya sa paglalakad habang magkahugpong ang kanilang mga kamay.

Pagpasok nila sa mall ay nilingon niya ang binata. "Saan tayo pupunta niyan?" tanong niya.

"Manonood ng sine," nakangiting sagot nito. "Hindi ba ganoon naman ang ginagawa ng dalawang taong nagde-date?"

"Date?" ulit niya. "You mean this is a date?"

"Oo, ikaw at ako. This is a date," sagot nito. "Bakit ba ang dami-dami mong tanong Jessica?" Huminto ito sa paglalakad at kunot na kunot ang noo. Binitawan nito ang kanyang kamay.

Takang napahinto rin siya sa paglalakad at tiningnan ito. "Bakit ka ba nagagalit nagtatanong lang naman ako?" pagtatanggol niya sa sarili.

"Hindi ka ba masaya na kasama ako?" bagkus ay alanganing tanong nito. Nakita niya ang dumaang lungkot sa mga mata nito.

Napailing siya sa inaakto nito. "Siyempre naman masaya ako na kasama ko ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo," natatawang pinisil niya ang pisngi nito.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon