Chapter 10

1.4K 47 1
                                    

CHAPTER TEN

"LADIES AND GENTLEMEN I presented to you 'lovers' suite' this would be a special promo of Hotel Driscoll this month of February. Wherein I made a design on how these special suites would look like. Red would be the romantic color for suites. Yes, Mister Legaspi?" magalang na tawag ni Chant sa lalaki nang magtaas ito ng mga kamay.

"What comes to you that made you create these 'lovers's suite' mister young Driscoll? Are you in love?"

Natawa ang buong board of directors sa tanong na iyon ng ginoo. Maging siya ay natawa sa sinabi nito. Hindi nga rin niya alam kung bakit iyon ang naisipan niyang promo na i-present sa mga matataas na opisyal ng Hotel Driscoll.

They are at the conference room for that special meeting na ang daddy niya ang nag-set. Binigyan siya ng assignment ng daddy niya. At iyon ay ang gumawa ng isang marketing plan para i-market ngayong buwan ng mga puso. At iyon ang naisip niya. Magkaroon ng espesyal na mga kwarto na may magagandang disenyo. At walang nanaisin ang magi-stay sa mga kwartong iyon kung hindi ang manatili na lamang sa loob dahil sa ganda ng paligid.

Napakasayang isipin na hindi siya nahirapan sa pagbuo ng konsepto. Lahat ng kanyang mga pinag-aaralan sa paaralan at maging sa hotel ay in-apply niya sa pagbuo ng plano. At nagawa niya ang ipinapagawa ng daddy niya. Naroon ito ngayon ay ayaw niya itong biguin.

"Well, sort of sir," nakangiting sagot niya. "I'm inspired and I want to be locked-off in these suites too on the fourteen'th of February. How about you, 'sir? Would you like to be locked-off too with your wife?" tumatangong patuloy niya na ikinatawa ng mga taong naroroon.

"Yeah... your idea is good. Gusto ko siya," sagot naman nito na nakapagpangiti sa kanya. "Sa tingin ko lahat sila gustong pumasok sa mga espesyal na kwartong iyan," sabi pa nito na iminwestra ang mga kasamahan.

Narinig niyang opinyon ng mga ito. At lahat ay pawang positibo. Nagbotohan sila at majority ay nagustuhan ang plano niya. Ang saya ng kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon.

"So, this would be are latest promo. Thank you so much. Meeting adjourned," magalang na sabi niya sa mga ito.

Magalang na nakipagkamay siya sa mga ito at 'di maalis ang ngiti sa mga labi niya sa mga papuri.

"Good job, hijo. Hindi mo ako binigo." Kaagad na nilapitan siya ng kanyang daddy nang sila na lamang dalawa ang naiwan sa conference room.

Napangiti siya sa nakikitang saya sa mukha ng Ama. Ngayon lamang niya ito nakitang ganoon sa kanya... proud na proud ang hitsura. Natuwa ito sa kanya nang sabihin niyang babalik siya sa pag-aaral at tutulungan ito sa hotel. Noon pa man ay iyon na ang nais ng kanyang daddy para sa kanya.

"Ako dapat ang magpasalamat 'dad. Kung hindi dahil sa oportunidad na ibinigay mo sa'ken hindi ko magagawa ang lahat ng ito."

"Ang sarili mo ang dapat mong pasalamatan Chant dahil nagsisikap ka. Hindi ako nagkamali na balang araw ay sa'yo ko ipapasa ang Hotel Driscoll."

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lalong lumago ang Hotel Driscoll," buong-pusong tugon niya. "Hinding-hindi kita bibuguin daddy."

Nag-uumpaw sa saya ang kanyang puso sa mga sinabi ng Ama. Simula ng magtrabaho siya sa hotel ay aaminin niyang nanibago siya at nahirapan. Isabay pa ang kanyang pagpasok sa paaralan. Pero ngayon ay ange-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Sa tuwing umaga ay bumabangon siyang may ngiti sa mga labi. Pakiramdam niya ay tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Hindi na niya hinahanap-hanap ang mga bagay na nakasanayan niyang gawin noon. Tila bulang nawala sa sistema niya ang mga bagay na iyon. Ang tanging gusto niyang gawin ay mag-aral at magtrabaho.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon