#4

302 2 0
                                    

“Truth or Dare”

"Ano baaa ha! Magsitahimik nga kayo! Lechugas!" Galit na sigaw ng president namin. Pero yung mga leche kong classmate parang walang narinig, patuloy pa din sa pag-iingay.

"Hoy manahimik nga kayo, sumbong ko kayo kay ma'am eh!" Suway naman ng Bida-bida naming classmate. Napa-irap naman ako.

"Sumbong mo ulo mo!"

"Ha? Hakdooog!"

"Kwento mo sa pagong!"

"Kilala mo si Don? Don mo i-share! Lang may pake sayo g*go!"

"Oooooh!"

Asar ng mga classmate ko kay Bida-bida.

"Ano ba! Kayo na nga sinasaway eh! Sumbong ko talaga kayo kay Ma'am!" Naiiyak niyang sabi, inasar lang siya ng mga kaklase namin kaya mas lalo siyang napa-iyak.

"Hindi ka naman kasi officer, nakiki-saway ka. Ano? Bida-bida lang? Kapatid ni Jabee?" Masungit na tanong ng President namin. Nasa likod niya ang, VP, Secretary, At Peace officer.

"Masama bang magsaway? Dapat ako na lang naging president e, hindi mo naman sila mapatahimik." Tugon ni Bida-bida.

Nag 'oooh' naman ang mga kaklase namin.

"Bakit nananahimik ba sila sayo? Saka kung karapat-dapat ka maging president edi sana ikaw yung president? Tse! Tigilan mo kasi yang pagiging bida-bida mo." Palaban na saad ng president namin. Para kaming nasa fliptop battle.

"Mama mo bida-bida." Walang mai-sagot na sagot ni Bida-bida.

"Tameme ka noh? Wala ka ng masabi kasi, alam mong mali ka talaga." Ani President nagtawanan naman ang klase.

"Hooy! FYI--" sasagot pa sana si Bida-bida pero nagsalita ang secretary.

"Timee! Time! Tigil na mga pare!" Suway niya, sinamaan naman siya ng tingin ni Bida-bida at President.

"Woy! Wala naman akong ginagawa ah!" naguguluhan niyang sabi.

"Stop na okay? Let's play na lang." Ani VP, napa-tango naman ang lahat.

"Ge." Sagot ng Peace Officer, ano? Gano'n lang? Hirap talaga pag napagtripan lang yung mga officer e.

"Ako na nga lang mag-iisip ng laro. Ganito, kuha kayo ng wanport. Write your full name, then choose if yakap or shake hands, pwedeng both. Pero may twist. Yung bubunot at mabubunot ay magpi-pik, kung sinong mananalo, siya yung magtatanong kung truth or dare." Paliwanag ng VP namin. Excited namang kumuha ng mga papel ang mga kaklase ko.

Panigurado, winiwish nila na mabunot sila ng crush nila.

Pagkatapos magsulat ay agad namin iyong pinasa kay Peace Officer. 'Yon na lang ang ambag niya. Ako pinili ko? Secret. Pero waitt--di ko alam yung truth or Dare! Never ko pa nalaro 'yon! like duh! lonely kaya ko.

"Bunot na, Luke." Utos ni VP kay Secretary. Btw, lalaki si Secretary, at babae si VP. Baliktad diba? Mga siraulo mga classmate ko e.

"Si De Gubat nabunot ko, hug daw gusto niya." Malakas na sabi ni Secretary, halatang nilakasan niya iyon para marinig ko. Gulat naman akong napa-tayo, ako agad!? Lechugas naman oh! Nahihiya naman akong lumapit sa harap. Magkaharap na kami ngayon ni Luke.

"Pik na tayo." Aniya, tumango na lang ako at ibinwelo na ang kamay.

Pagtapos namin magpik ay siya ang nanalo, papel kasi siya tapos bato ako. Hays! Mas ayos na rin dahil hindi ko naman alam ang Truth or Dare na yan. Tss taong bundok talaga ako.

"Truth or dare?" Tanong niya, kumunot naman ang noo ko.

"Ha?" Tanong ko, truth or dare daw? Malay ko kung alin doon, ako pa pinapili niya. Baka mamaya mali pa ang maisagot ko.

"Truuuth or dareee?" Ulit niyang tanong, mas lalo namang kumunot ang noo ko.

"A-ano bang truth or dare?" Utal kong tanong, nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Sorry naman kasi! Ignorante lang! pero si Secretary ay gulat na napa-tingin sa akin, pero maya-maya'y bahagyang ngumiti.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. At bumulong.

"Truth or dare..katotohanan at utos sa tagalog.. Parang ganito... Aaminin ko sayo ang katotohanang mahal kita at uutusan naman kitang mahalin ako pabalik."

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon