#14

54 1 0
                                    


“Kilala Mo Si?”

"HEYO MGA KAIGAN. May announcement! Di ako bida-bida okey? Pinasabi lang to sa akin ni Ma'am dahil lahat ng officers ay nasa baba at may ginagawa. Sabi ni Ma'am wala daw lalabas, o mag-iingay. May surprise punishment daw pag nasaway ng teacher o principal. Maliwanag?" Anunsyo ko sa mga kaklase ko, tumango naman sila.

"Kilala mo si Don?" Biglang tanong ng crush ko na si Zid. Inirapan ko naman siya. Paepal talaga kahit kailan. Pero kahit ganun, ang gwapo niya pa rin . Hays! Ngayon na nga lang ako kakausapin, pang-aasar pa!

"Don?" Tanong ko, natatawa naman siyang sumagot, "Don mo i-announce! HAHAHAHA"

Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagsalita, "Kilala mo si Bug? Sarap mong BUGbugin! Nyemas ka!"

"Oh kilala mo naman si Wa? Walang may pake sayo!" Di niya pagpapatalo. Halos lahat ng mga kaklase namin ay naka-tingin na sa amin. Ako? Kaunti na lang babasagin ko na mukha neto! Badtrip e!

"Kilala mo si Bi? Masyadong kang Bida-bida! Lechugas ka!" Balik ko. Tumawa naman siya, cute sana pag tumawa. Kaso ang pangit-pangit-pangit ng ugali. Tss.

"Eto, kilala mo si Ba? haba ng BA-BA mo!" Asar niya. Mas lalo naman akong nainis at nilapitan siya. Akala niya'y may gagawin na ko sa kanya kaya tumakbo siya. Pero nanatili ako sa pwesto ko at tinignan siya.

"Kilala mo si Ung ha? Ikaw yun! Unggoy ka!" Asar ko rin sakanya. Nanahimik naman siya at lumapit sa akin. Magkaharap na kami ngayon.

"Eh...kilala mo ba si Ma?" Seryosong tanong niya, kumunot naman ang noo ko. Tanong ba to o panga-asar na naman? Seryoso na siyang naka-tingin sa akin.

"Mahal kita." Aniya, nanglaki naman ang mata ko.

"K-kilala mo din ba si L-La? Lab din kita." Amin ko rin, natawa naman siya.

"Kilala mo si Jo? Joke lang! HAHAHAHAHAHA shit naniwala ka ba? Sorry ha! May jowa na kasi ako e! Yung president natin." Kumunot naman ang noo ko, y-yung president naming bakla? Oh em. Eh bakla pala yung trip niya?!?! Di sana bakla na lang ako!

"Kilala mo si De? Depotek ka!" Inis kong sigaw at sinampal siya sa mukha. Agad akong tumalikod at umupo sa upuan ko.

"Kilala mo si Papa at Mama!?" Pasigaw niyang tanong, hindi ko naman siya nilingon.

"Hindi! At wala kong balak na kilalanin sila!" Inis kong sagot.

"Sayang! Gusto ka pa naman makilala ng Papa at Mama ko! Sinabi ko na kasi sa kanilang ikaw na ang PAPA-kasalan ko balang araw at MAMA-halin ko habang buhay!" Sigaw niya uli, napalingon naman ako sa kaniya. Ngiting-ngiti siya sa akin.

"Mahal kita, Cyrene! Joke lang yung kay president! Ikaw lang yung mahal ko! Ikaw lang yung minahal ko ng ganito! And I'm in euphoria knowing that the girl I loved the most is in love with me too." Dugtong niya.

Natameme naman ako. Tae, nangyayari ba talaga to?

Lumapit siya sa akin habang naka-ngiti pa rin.

"Skl. Sakin ka lang, mahal ko. I know I look possesive, but I don't care. All I care is I love you, and you love me too."

"Kilala mo si Wala ha? Wala na finish na! Panalo ka na! Oo na mahal din kita. Tss kainis ka." Sagot ko na lang, tumawa lang siya at pinisil ang ilong ko.

"Thank God, I found you." Ngiting-ngiting aniya. Napa-ngiti na lang rin ako.

If I'm dreaming, please...don't wake me up.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon