#61

21 0 0
                                    


ARAW-ARAW

Umaga na, sa ating duyan,
‘Wag ng mawawala...
Umaga na sa ating duyan,
Magmamahal, o mahiwaga...”

“Ang ganda talaga ng kantang ‘to! Hays! Kung ako magkakaro'n ng manliligaw ta's ito kinanta niya sa ‘kin? Aba! Wala ng ligaw-ligaw, sagot na agad!” ngingiting sabi ko habang nakikinig sa kanta ng Ben&Ben na Araw-araw ang title. Agad naman akong natigilan nang aking mapagtanto na mag-isa nga lang pala ako sa aking kinauupuan. Wala ngayon ang kaibigan kong si Alleona. Bebetime raw kasi.

Oh edi wow! Sanaol may bebe! Tsh!

“Hmm. Legit no scam?” a random guy asked me. Agad ko naman itong nilingon at agad nangunot ang noo ko nang makitang hindi ko ito kilala. Ni hindi siya pamilyar sa aking mga mata. Marahil ay baguhan lamang ito sa aming eskuwelahan. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad na tumayo mula sa aking kinauupuan saka nagsimula nang maglakad.

Matang nagkakilala,
Sa unang pagtagpo...”

“Sandali lang. Are you Liwanag... Too?” kalmadong tanong niya. Natigilan ako nang banggitin niya ang fandom name ng Ben&Ben. Ang fandom na kinabibilangan ko rin.

Agad ko siyang nilingon ng may ngiti sa labi, “Yes, I am.”

Hindi ko inaasahang ang simpleng tanong na iyon ay aabot sa ganito.

Aabot sa puntong ako mismo hindi na maintindihan ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Na kahit alam kong iba ang gusto niya, ay hinayaan ko ang sarili kong gustuhin pa siya.

“HAHAHA, ‘pag nag-madre ako ano kayang itatawag mo sa ‘kin ano?” natatawang tanong ko kay Azrael. Agad namang nangunot ang noo ko nang tumigil siya sa pagtawa. Nakakunot ang noo nito sa akin na tila ba hindi sangayon sa sinasabi ko. Bago pa lamang si Azrael sa school namin.

I was in my 10th grade back then and he was in his 9th grade when I started feeling something different for him.

It was magical yet melancholic.

Because I'm a year older than him but I can't understand myself... Why do I need to feel this thing inside me for him?

“Magmamadre ka?” he asked coldly. Agad naman akong tumango. Bata pa lamang ako'y pangarap ko na ang pumasok sa kumbento. Ewan ko ba, siguro ito ang calling ni God sa ‘kin?

“Don't please.” he plead.

“B-bakit?” naguguluhang tanong ko.

Ngumiti siya.

All my life I always feel alone but not until we met, not until I started liking him.

“Kay tagal ko ng nagi-isa,
Na'ndiyan ka lang pala...”

And I was like caught one's breath when he started singing my favorite song...

Araw-araw by Ben&Ben.

His voice is good, I won't deny it.

“Sabi mo, wala ng ligaw-ligaw. Kapag kinantahan ka nito, tayo na agad.” he said smilingly. I was shocked, thrilled, and dumbfounded back then but I still managed to smile.


“Ikaw na yata ‘yung mahiwagang pipiliin ko sa araw-araw.” he said na siyang mas nakapagpatigil sa ‘kin.

“What if she comes back?” malungkot na tanong ko. He smiled and kissed my forehead.

“Wala na akong pakialam pa. Kagaya ng sabi ko, ikaw na ‘yung mahiwagang pipiliin ko sa araw-araw–sa habang buhay.” ngiting sabi niya na siyang nakapagpangiti sa akin.

It was 5 years ago and we're here on a Ben&Ben concert. Ilang taon na ang lumipas munit walang nagbago magaling pa rin ang Ben&Ben. Parang feelings ko para sa kaniya walang nagbago. Tahimik lamang akong nanonood munit agad akong natigilan nang simulan na nilang tugtugin ang Araw-araw. Ang paborito naming kanta. Agad naman akong napangiti.

“Kay tagal ko ng nagi-isa,
Na'ndiyan ka lang pala...” sabay ko sa awitin. Agad naman akong natigilan nang tumigil ang spotlight sa dalawang magkasintahan sa gitna.

“Mahiwaga, pipiliin ka,
Sa araw-araw...”

Lumuhod ang lalaki.

“Ikaw na ‘yung mahiwagang pipiliin ko sa araw-araw, baby... will you marry me?” he asked smilingly.

“Mahiwaga, ang nadarama,
Sa yo'y malinaw...”

“Yes, yes! I will!”

Mapait akong napangiti.

Dahil ang lalaking nagp-propose ro'n sa babae ay...

Ang lalaking nangako sa akin na siyang pipili sa akin sa araw-araw...

And what's more painful? the girl infront of him was the girl he was always waiting to come back for him.

“Sana all pinipili...” malungkot na bulong ko na lamang sa aking sarili.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon