#26

42 0 0
                                    


“Pa'no Mo Nasabi ft. Advance Ako Mag-isip”

"Mia, umalis ka nga dito." Ani Zayden. Naka-upo kasi ako ngayon sa harap niya't titig na titig sakanya. Haaay! Ang gwapo talaga ni Zayden, inlababong-inlababo tuloy ako.

"Eh ayoko nga. Dito lang ako hehe." Pagmamatigas ko, napa-tigil naman siya sa ginagawa niya at tinitigan ako. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya, ang kapal talaga ng mukha ko, hay.

"Ayaw mo talagang umalis?" Tanong niya sa akin, nahihiya man ay umiling-iling ako at nginitian siya ng napaka-laki.

"Edi ako na lang aalis." Pagsuko niya at tumayo na, napa-tayo rin naman ako at hinawakan siya sa braso.

"Wag kang umalis, wag mo kong iwan!" Saad ko, nilingon niya naman ako, "Kukuha lang ako ng tubig sa bag, baliw." 

"Baliw na kung baliw, baliw sa'yo hehe." Bulong ko, mabuti na lang at hindi niya narinig.

"Zayden, hmm. May nagugustuhan ka na ba?" Tanong ko kay Zayden ng maka-balik siya. Kumunot naman ang noo niya sa tinanong ko.

"Bakit mo naman natanong yan?" Tanong niya, nahihiya naman akong ngumiti.

"Kasi kahit anong gawin ko, hindi mo naman ako napapansin, kaya naisip ko, kaya siguro wala kang paki-alam sa akin... Kasi may nagugustuhan ka ng iba." Sagot ko, natawa naman siya.

"Paano mo nasabi ha?" Tanong niya, titig na titig siya sa akin, para bang ako yung pinaka-magandang babae dito sa classroom. Ayy, assuming.

"Advance kasi ako mag-isip. Dejoke lang. Halata naman eh.. pero ayos lang kahit di mo ko gusto. Tanggap ko naman." Sagot ko, natawa naman siya ng malakas. Kumunot tuloy ang malapad kong noo. Gosh. Yung crush ko may sira sa utak.

"Paano mo nasabi na, hindi kita gusto?" Tanong niya uli, napa-ngiti naman ako dahil sa tuwa.

"Waaah! Gusto mo rin ako?!" Gulat kong tanong, nagsitinginan naman ang mga kaklase namin.

"Wag ka ngang advance mag-isip, bili lang ako." Tugon niya at tumayo na, agad naman akong tumayo para pigilan siya.

"Sagutin mo naman ako oh?" Pilit ko, naka-talikod siya sa akin hila-hila ko naman ang damit niya. 

"Oo gusto kita, kaya paano mo nasabing hindi kita gusto? Bawat oras ikaw lang nasa isip ko, kaya paano mo nasabi na may gusto akong iba? Ikaw lang naman laman ng puso't isip ko, kaya please? Wag ka ng maging advance mag-isip, napipilitan na rin akong maging advance e." Bago niya isagot 'yon ay hinarap niya ako. Napa-ngiti naman ako ng napaka-laki dahil sa sinagot niya.

"Shocks! Gusto mo rin ako?!" Gulat kong tanong, tumawa na naman uli siya.

"Oo, at napipilitan na rin akong maging advance mag-isip, kaya kahit ano pang sabihin mo, balang araw magpapakasal tayo." Aniya, at hinalikan ako sa noo.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon