#44

36 1 0
                                    


“Khea. Pahiram naman ng cellphone mo. Pa-facebook lang.” paalam ng kaklase kong si Anna. Tumango naman ako at agad ibinigay na ang cellphone ko. Naisip kong naka-log-in pa roon ang RP account ko ngunit isinawalang-bahala ko na lamang iyon dahil siya lang naman ang gagamit.

“Pst. Khea. Eto na. Thank you!” naka-ngiting sabi ni Anna saka iniabot ang cellphone ko. Kumunot naman ang noo ko ro'n dahil mabilis niya itong ibinalik ngunit agad ko na lamang kinuha.

Dahil wala namang teachers, at wala rin naman akong masiyadong ginagawa ay naisipan ko na lamang na magbukas ng fb gamit ang RP account ko. As usual maingay ang messenger ko dahil sa kung anu-anong group chats na sinalihan ko.

*Ping* Tyron Fukunawa sent you a message.

Tyron: Hey, milady.

Kumunot naman ang noo ko. Psh!  Galawang fuckboy naman ang isang ‘to! Tsk. Hindi ko na lamang pinansin at saka nagscroll-scroll na lamang sa fb. Mapa-RA o RP ang boring pa din talaga ng buhay ko. Hays.

Tyron: Sungit. Wala ka namang ginagawa.
: oops! Meron pala. Ang isipin ako. ;)

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng Tyron na ‘to. Nakikita niya ba ako? Lumingon-lingon naman ako sa paligid ngunit lahat sila ay may kaniya-kaniyang ginagawa.

Keanna: Hoy. Sino ka?
Tyron: Your future lover?
Keanna: Kay, Dwayne na ko. Duh.
Tyron: Who's Dwayne? Are you cheating on me, my future wife?
Keanna: Hoy! Mister. FYI lang! Tigilan mo ako ha. Loyal ako kay Dwayne. Saka isa pa sa kaniya lang ako magpapakasal.
Tyron: But darling... How about me? Don't you love me anymore?
Keanna: abaaa! Anong love love ka diyan eh hindi nga kita kilala.
Tyron: Impossible. You should know me, because I'm your future husband. ;)
Keanna: Tss! Bahala ka sa buhay mo. Basta kay Dwayne lang ako.
Tyron: Psh! Sino ba kasi ‘yon! Mas pogi naman ako doon, eh.
Keanna: Eh ano naman. Sa kaniya pa din ako.
Tyron: Tss. At dapat sa'kin ka lang.
Keanna: Shut up. I am already his.

Nang mai-reply ko iyon ay agad ko ng pinatay ang cellphone ko. Nakakainis yung lalaking ‘yon. Sarap sipain! Ang landi! Gusto pa talaga akong biktimahin. Maya-maya ay nagulat ako ng magring ang cellphone ko. Tumatawag pala iyong lalaki gamit ang messenger call. Inis ko namang pinatay ‘yon. Ngunit tumawag siyang muli.

Sa sobrang inis ay sinagot ko na lamang ‘yon at agad siyang sinigawan.

“HOY! IKAW! SABI NG I AM ALREADY–” sigaw ko ngunit agad ‘yong naputol ng magsalita siya.

“Yes, I know. That you are already mine, darling.” pagputol nito. Napahinto ako sa pagsagot. Ang ganda ng boses niya. Ang manly na parang pamilyar.

Nanindig ang balahibo ko ng may bumulong sa tenga ko.

“It's good to know that you are loyal to me my future wife. By the way, I am Tyron Dwayne Dela Cruz. Your future husband, your darling. My love.” bulong niyon agad naman akong lumingon at nakita kong si Dwayne ‘yon ang crush ko. Jusko! At may nakalapat na cellphone sa kaniyang tenga. Gash! Ano ‘to?

“Nalaman ko ‘yung RP mo kay Anna. Mapa-RP man o RW. I'm sorry, Darling. But I'll chase you until you became mine.” naka-ngising sabi niya.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon