#39

29 1 1
                                    


“Photojournalism”

Tsk! 8:00 AM ang call time tapos 8:01 na nasa jeep pa lang ako. Nakaka-inis naman oh!” inis na reklamo ni Lixiel sa isip niya habang salit-salitan ang tingin sa kaniyang relo at sa labas ng jeep na sinasakyan niya. Siya ang napiling representative ng school niya para sa Division Photojournalism contest, kung kaya't kabadong-kabado siya dahil anong oras na ay wala pa rin siya sa venue ng contest.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na si Lixiel sa venue ng contest. Marami ng tao at nagsisimula na ring i-announce  ang topic. Mabuti na lamang at sakto lang siya sa oras kung kaya't nasubaybayan niya pa ang pag anunsyo ng topic sa gagawing photojournalism contest nila.

"“Okay. It's already 9:01 in the morning. You may start now at bumalik dito within 60 minutes. Good luck, aspirants!” ngiting anunsiyo ng kanilang instructor. Ang tema ng kanilang patimpalak ay “A Day of  a Life in School”

Pagkalabas ni Lixiel ay napansin niya ang kaniyang co-representative ay puro mga vendor ang pinagkukuhaan ng mga litrato. Ang mga guard ng school at higit sa lahat ang mga teacher. Napa-iling naman siya at naisip na she should be unique, her subject should be unique for her to stand out.

Nakakita siya ng pinakamalapit na basurahan, napangiti naman siya at agad na lumapit roon. Inihanda niya ang kaniyang camera at inayos ang posisyon noon upang makakuha ng magandang shot, napa-lingon naman siya ng maramdaman niya ang flash na nagpasilaw sa kaniyang mga mata.

“Hoy po, Kuya.  Bakit mo ako kinuhanan ng picture?” masungit na tanong ni Lixiel. Inayos naman ng lalaki ang kaniyang pagtayo at seryosong tinitigan si Lixiel. Binasa muna nito ang kaniyang manipis at pinkish na labi bago sumagot, “Wanna know why?”

“Tss... Inglesero pa–” magsasalita pa sana si Lixiel ngunit ngumiti ang lalaki at lumapit kay Lixiel.

“There are many subject that captured my eyes, but you are the only one...that captured my heart.” ngiting sabi nito. Napa-hinto naman sandali doon si Lixiel.

“I'm Zeus. Zeusundo sa‘yo sa tapat ng altar sa future. We're a photojournalist... You captured my heart, and now I wanna tell the world my love story with you.” habol pa nito at saka kumindat.


Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon