#57

15 0 0
                                    


AKO

Ala una na ng madaling araw munit hindi pa rin ako makatulog. Pisting yawa! Aning oras na! Kailangan ko pa namang gumising ng maaga bukas para makapaghugas ng mga pinggan. Pinili ko naman ng pumikit at saka nag-talukbong ng kumot.

Halos tumalon naman ang puso ko sa pagkabog ng makarinig ako ng bahagyang pagkalampog sa may kusina. S-shit...

Mag-isa nga lang pala ako sa bahay.

“S-sino ‘yan?” kinakabahang tanong ko. Wala namang sumagot. Patuloy ang pagkaluskos at pagkalabog ng mga kung anong bagay sa kusina.

“S-sino ba kasi ‘yan?” matapang munit kinakabahang tanong ko. Rinig ko ang mahihinang yabag nito na siyang mas nakapagdadag ng takot ko.

“Hihihi...” nakakikilabot na hagikgik nito.

Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko.

“Ako 'to–”

“Si Natoy na mahal na mahal ako?”

“Tanga, crush mo nga 'di ka mahal e si Natoy pa kaya?” nakakikilabot na saad niya. Medyo masaket.

“Kung ganon sino ka nga?!” kinakabahang tanong ko. Nagulat naman ako ng alisin niya ang kumot na pangtalukbong ko!

“A-ako Budoy.”

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon