#37

34 1 0
                                    


"Library"

Alas-dos na ng hapon wala kaming ginagawa ngayon sa school. Mayroon kasing isinasagawang program sa ground kung kaya't halos lahat ng teachers at students ay busy. Mag-isa lang ako ngayon sa room, nagpa-iwan ako dito dahil alam kong mas mabo-bored lang ako roon.

Hanggang sa napagdesisyunan ko na lamang na bumaba ng room namin. Sa 5th floor ang room ko kung kaya't hingal na hingal talaga ako sa pagbaba. Psh! Sana naman kasi maisipan nilang maglagay ng elavator 'diba? Nakaka-pagod kaya bumaba, psh. Nagtungo na ako sa pinaka-dulong building rito sa school namin. Nasa dulong banda pa iyong library kung kaya't paniguradong pagrating ko ro'n ay hingal na hingal ako.

Pagpasok ko sa library ay kakaunti lamang ang tao do'n. Ang librarian at iilang estudyante na nakiki-tambay lang naman ng dahil sa aircon at WiFi rito. Umupo na lamang ako sa may pinaka-sulok at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Isinalpak ko naman ang earphone ko sa tenga ko habang abala sa pags-scroll down and up sa facebook.

Napa-lingon naman ako ro'n sa lalaking katabi ko lamang ang lamesa. May hawak-hawak siyang libro, ngunit nasa akin ang mga tingin niya. Kumunot naman ang noo ko ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko pa rin ang pagtitig niya kung kaya't napalingon ako, at tama nga ang aking kutob nakatitig pa din siya. Tss! Diba nagbabasa siya? Mukha ba akong libro at nasa akin ang atensyon niya tss!

Napa-balik na lamang ang atensyon ko sa aking cellphone at nakitang namatay ito.

"Kainis naman oh! ang bilis mamatay ng cellphone na 'to." Inis na sabi ko. Bahagya namang natawa iyong lalaking kanina pang naka-titig sa'kin. Psh.

"Lakas ng tama nito oh." Mahinang bulong ko.

"Mabilis mamatay? Parang ako, sobrang bilis ko ring namatay sa'yo, patay na patay na ako agad sa'yo." Ngising sabi nito. Nangunot naman ang noo ko. Pinagsasabi ng lalaking 'to? Putik!

"Lakas ng tama ko? Oo. Lakas na ng tama ko sa'yo." ngisi pang sabi nito. Napa-iling na lamang ako at hindi na lamang muling nagsalita. Mga ilang segundo pa ay naramdaman ko na naman ang titig niyang nakakakapag-pailang at nagpapakaba sa akin.  Paglingon ko sa kaniya ay tama--naka-tingin na naman siya. Napa-tayo na lamang ako sa inis.

"Tss. Mukha ba akong libro at ako ang tinititigan mo?" Masungit kong sabi. Natawa naman siya.

"Ang sungit mo naman. Mukha din ba akong ewan kung sasabihin kong tinamaan na ako sa'yo agad?" Tanong niya pabalik. Inis naman akong napa-irap.

"Tsk. Bahala ka nga diyan. Magbabasa na nga lang ako dito." Uupo na sana ako ng hilahin niya ako sa braso ko.

"Bakit ka pa magbabasa, kung pwedeng tayo na lang ang magsulat ng sarili nating istorya?" Naka-ngising ani ng lalaking nasa harapan ko. Napatigil naman ako.

"Jackson Pielago. Future husband mo." Pakilala niya at kinindatan ako. Damn that wink.

-

Part 2? Charot HAHAHAHA
-farrah_fo sa tabi lang fo HAHAHAH

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon