#11

82 2 0
                                    


“Luh, Parang Tanga”

1st Month

👨: Uy! Crush kita.
👩: Luh...parang tanga hahahaha.

2nd Month

👨: Yo, crush ho kita talaga. Mamansin ka naman oh.
👩: Hahaha luh ano ba yan hahahaha parang tanga.

3rd Month
👨: Psst! Gelay! Gelay!
👩: /lumingon/ bakit?
👨: CRUSH KITA! SOBRANG CRUSH KITA!
👩: L-luh...parang tanga kase eh

4th Month

👨: Gelay ko. Gelay ko. Gelay my sweetheart.
👩: Woy, para kang baliw hahahaha.
👨: Baliw na kung baliw, baliw dahil sayo. Ayieee kinikilig na yan!
👩: luh...p-parang tanga!

5th Month

👨: Gelay! Pssst. Gelay sweetheart! May ibibigay ako sayo!
👩: Ano naman yun?
👨: Eto oh, hehe./inabot ang pinagpuyatan niyang explosion box at mahabang-mahabang LSM/
👤:/dumaan //natapon ang tubig na dala sa explosion box at LSM/ hala sorry! Sorry!
👨: /mangiyak-ngiyak na/
👩: Hindi okay lang. Kev, alis na ko sorry at thankyou pala dito. /umalis na ngunit dinala pa rin ang explosion box at LSM/

6th Month

👨: Gelay...sweetheart ko.
👩: B-bakit?
👨: May sasabihin sana ako sa'yo eh...
👵: Okay, class, goodafternoon.
👨:/hindi na naituloy ang sasabihin/

7th Month

👨: Gelay. May aaminin ako sayo! Please makinig ka ng mabuti ha?
👩: A-ano yu--
🐝:/umeksena ang bida-bidang classmate/ pwede ba? kung maglalandian kayo dun kayo sa Motel! Pumunta kayo sa school para mag-aral hindi lumandi! /binangga si Gelay/
👩:/hindi na lang pinansin/
👨: Hey, Gelay. Sorry.
👩: Okay lang. Ano nga pala aaminin mo?
👨: Ah next time na lang.

8th Month

👨:/naghihintay sa park dahil aamin na siya kay Gelay/ Asan na kaya si Gelay? Anong oras na eh.
: /naghintay for almost 8 hours/ /bumuhos ang malakas na ulan/ /napilitang umalis/

9th Month

👨: Gelay...
👩: B-bakit? Bakit ang tamlay mo?
👨: May gusto lang akong i-tanong.
👩: Ano yun?
👨: May pag-asa ba ko sayo? Kasi Gelay..gustung-gusto kita. Mali, mahal na kita. Gelay, gusto ko lang malaman kung...gusto mo rin ba ako? 
👩: L-luh...
👨: Parang tanga? Oo nga, Gelay. Tama ka, ang tanga ko na. Kaya sige, bye.

10th Month

👩: /naglalakad, nakasalubong si Kevin sa Hallway/ uy, Kevin! Kamusta?
👨:/hindi namansin/
👩:/hinabol si Kevin/ Kevin! Uy! /nadapa/
👨: / Napahinto/ /Naglakad na lang uli/
👩: Kevin!!!

11th Month

👩:/umiiyak habang yakap-yakap ang lahat ng ibinigay sa kaniya ni Kevin, itinago niya ito kahit pa mahirap ng basahin dahil nabasa/ siguro...nagsawa na siya. Tanga-tanga ko kasi eh. Ako yung tanga, ako yung sobrang laking tanga.

12th Month

👩: /luhaang naglalakad sa hallway ng makita si Kevin na may kasamang babae/ M-may girlfriend na siya? B-bagay sila.../mas lalong bumuhos ang luha/ /naglakad na lang ng derecho ngunit napahinto ng may humigit sa braso/
👨: Bakit ka umiiyak?
👩: W-wala ah. Di ako umiiyak. Girlfriend mo? Ang ganda ah, bagay kayo./ngumiti at tumalikod na pero pinigilan uli ni Kevin/
👨: Alam mo, Gelay? Ang tanga-tanga ko kasi minahal kita. Ang laki kong tanga kasi ang dami kong ginawa para sayo, pero lahat ng yun ay binalewala mo--
👩: Tama na, Kevin.
👨: Oo, masakit. Sobrang sakit na minahal kita pero hindi mo man lang ako minahal pabalik, pero alam mo yung mas masakit? Yung nakikita kang nasasaktan. Gelay, sweetheart. Mahal na mahal kita sobra, kahit pa sobrang tanga ko na. Dahil kahit madami ng beses ang nabalewala mo ko, heto ako ngayon, minamahal pa rin kita. Ayos lang naman eh. Kasi it's all worth it. Gelay. Worth it kang mahalin at hintayin. Gelay, Mahal na mahal na mahal kita./niyakap si Gelay/
👩:/mas lalong napa-iyak/ luh naman kasi eh..parang tanga! mahal na mahal din kita, Kevin Avellano!
👨: Mas mahal na mahal kita, Gelay Israel! 
👩: Teka...sino siya?/tinuro ang babae/
👨: Malay ko, nakasabay ko lang yan sa daan eh.
👩: Ewan ko talaga sayo!

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon