#6

139 2 0
                                    

“Gusto Mo Ng Jammin?”

"Ate Aenna. Supplier ka talaga ng Jammin nuh? Pahingi pa nga hehe. Ang sarap eh." Ani Keylah. Natawa na lang ako at binigyan siya ng tatlong piraso. Totoo naman kasi eh... halos araw-araw ay may dala akong Jammin, ayan tuloy yung mga kaklase ko, lagi ng naka-abang sakin. Ako? Namimigay na lang, mabait ako eh hehe.
"Ikaw na lang talaga laging umuubos ng Jammin ko eh nuh? Nako, pag Nagbirthday ka talaga reregaluhan kita ng isang truck. Tignan natin kung di ka magkaroon ng Diabetes!" Panga-asar ko kay Keylah, natawa naman siya at kumain na lang ng Jammin. Halos lahat ng kaklase ko, humihingi ng Jammin, maliban lang sa isa, si Von. Ewan ko, madaldal naman siya, madami siyang tropa, makulit. Sa iba nangbuburaot yan... pero pagdating sakin, hindi man lang siya lumilingon para silipin man lang ang dala kong Jammin. Bakit kaya?
"Woy, Keylah. Gusto mo pa ba ng Jammin? Madami pa dito." Saad ko kay Keylah, umiling naman siya at nagsulat na lang. Wala kaming sinusulat ngayon, nagle-lettering lang siya. Masipag magsulat eh.
"Ako! Aenna. Gusto ko hehe penge!" Sabi ni Hany. Kumuha naman ako ng tatlo uling piraso at binigay 'yon sa kaniya. Masaya niya naman itong tinanggap. Bakit nga ba adik na adik kami sa Jammin? Masarap kasi. Sobrang sarap. Alam mo yun? Parang ang hirap na tigilan. Napa-tingin naman ako kay Von na tahimik lang sa harap, hindi siya nagsasalita. Kinalabit ko naman ang kanyang likod.
"Von...gusto mo ng Jammin?" Tanong ko kay Von, lumingon naman siya sa akin, there's a small smile on his lips. Naka-tingin lang siya sa akin, habang ako? Hindi makapag-salita.Natutop yata ang bibig ko dahil sa pagtingin niya.
"Gusto ko yung Jammin... pero mas gusto kita." Aniya, mas lalo naman akong hindi nakapagsalita. Tulala lamang ako sakanya, hindi ko alam kung ako ba'y namumula o hindi, pero masasabi kong... kinikilig ako! Sobra! Hindi ko siya gusto, pero hindi ko alam... bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Kumuha siya ng hindi ko alam kung ilan sa Jammin ko, binuksan niya 'yon at kinain sa harap ko.
"Ang sarap naman nito... pero mas masarap siguro sa pakiramdam, kung malaman kong gusto mo rin ako." Sambit niya, habang ngiting naka-titig sa akin. Tulala lang ako at hindi pa rin makapagsalita. Shocks! Totoo ba to?! My heart! My baby heart! Ang bilis ng tibok! Parang pakiramdam ko'y mamamatay na ako sa sobrang kilig!
"Alam mo, Aenna? Jammin is life, but for me, Aenna is lifer. Gusto kita, Aenna! Gustung-gusto! Kaya sana... Jammin-in mo rin naman kung gusto mo rin ako?" Duktong pa niya. Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko. His eyes...were looking at me intensely. Hindi ko alam ang isasagot, ang dila ko'y nabaluktot. Ano ba to!
"For me, ang Jammin parang love. Kasi... nakaka-adik, ang hirap pigilan. Yung tipong minsan masakit na sa lalamunan, pero patuloy ka pa rin, kasi napapasaya ka nito. Kaya, Aenna... Jammin kita. Sobrang Jammin kita." Aniya pa ulit. Hindi ba siya nauubusan ng banat?! Kasi yung hininga ko.. baka maubos na dahil sa sobrang kilig!
"Ha--Hatching!" Hatching ko. Gulat na gulat pa ko, dahil nahatchingan ko sa mukha si Von. Focc! Yung laway ko tumalsik sa mukha niya! Napapikit siya dahil doon, pero dumilat rin at ngumiti.
"Mukhang kinilig ka ng sobra. So... You Jammin me too right?" Tanong niya, napa-tango na lang ako ng wala sa oras.
"Ngayon... akin ka na. Akin ka lang, Jammin ko. Mukha man akong madamot, wala akong pake. Jammin kita e. " Aniya, at kumindat pa. Focc. Dati gusto ko lang yung Jammin, pero bakit bigla akong naging Jammin?! Waaah! Ayoko na! Kinikilig ako ng sobra! Kinurot niya ang pisngi ko, at ngumiti ng malapad.
"Liligawan kita, Jammin ko. Ayokong makuha ka ng hindi pinaghirapan, I'll do everything para mapasagot lang kita. I Jammin you." Sambit niya at kinurot ulit ang pisngi ko. Shocks. Baket ba wala kong lines?! Bat puro si Von lang? Bahala na. Ang mahalaga, gusto niya rin ako.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon