#17

49 0 0
                                    


“Unexpected”

5 years old

: Hi, I'm Kian.
: Hello! Ako nga pala si Cleah.

8 years old
: Kian, saan ka ba nakatira? Kasi tatlong taon na tayong magbestfriend pero 'di ko pa rin alam kung saan house mo *pout*
: Ehh, laro tayo Cleah? 'yung tagu-taguan!
: Hmm sigeee! Ikaw taya ha.

11 years old

: Kiaaaaan
: Maka-sigaw ka naman diyan, Cleah. Dito lang naman ako eh! May naisip ka na bang laro?
: Ehhh sorry na! 'di ko naman alam na nasa likod lang pala kita eh! May kukuwento ako!
: Ano 'yun? Akala ko ba maglalaro tayo?
: Mamaya na, pagod pa ko eh. Alam mo ba, Kian. May nanliligaw na sa'kin. Haaaay.
: Sinagot mo ba?
: Hindi.
: Good, bata-bata mo pa eh. At saka dapat ako lang magustuhan mo.
: Ikaw din naman Eh! /di narinig ang isa pang sinabi ni Kian.
: Mas bata ka pa rin bleh!
: Kian naman eh!

14 years old
: Cleah, tahan ka na nga..
: Kian kasi ang sakit-sakit lang, naghiwalay na sila Mommy at Daddy, paano na ko? Huhuhuhu
: Cleah naman eh.. Lahat ng nangyayari may dahilan, kaya 'wag ka na umiyak, okay? Yeah, maybe naghiwalay na ang mga magulang mo, but it doesn't mean na pababayaan ka na nila, syempre mahal ka kaya nila.
: Salamat Kian.

16 years old
: Kian?
: Po? Bakit Cleah ko?
: Baliw! Ba't may ko?
: Joke lang 'yun! Hahahaha alam mo namang joker ako eh!
: Sus! May tatanong lang ako.
: Ano naman 'yun?
: 5...13, 14 15, 16.. 11 years na pala tayong magkaibigan, pero ang alam ko lang sa'yo ay ang pangalan mo, ni hindi ko nga alam ang apelyido mo eh..
: Kailangan pa ba 'yun Cleah? Araw-araw naman tayong nagkikita eh.
: Pa'no pag bigla kang nawala?
: Never akong mawawala sa'yo Cleah.
: Pa'no mo nasabi?
: Syempre nasa puso mo ko eh.
: Sus, baliw ka talaga.
: Cleah, I love you.. Kahit bawal.
: Seryoso ka ba!? /di narinig yung huling sinabi ni Kian
: Oo naman!
: I love you too sooo much!

18 years old

: 2 years na rin pala noh? / naka-ngiti si Cleah habang katabi si Kian sa damuhan/
: Oo nga eh, ang bilis. I never thought na magiging tayo. Thank you Cleah.
: Para saan naman?
: Syempre dahil minahal mo ako. Pero I'm sorry for being selfish.
: Anong selfish ka diyan? Di ka naman isda eh, dejoke. Bat ka nagsosorry? Wala ka namang ginagawa ah
: I have to leave.. Cleah.
: Kian naman eh. Anong pinagsasabi mo? Anong you have to leave? Hahahaha wala namang biruan na ganyan oh.
: Cleah.. I'm serious.
: Saan ka naman pupunta? Sama ako?
: Hindi pwede, Cleah.
: Bakit hindi pwede? Ipaliwanag mo naman, Kian. Kasi gulung-gulo na ko ngayon, bakit ka aalis? Saan ka pupunta? Bakit 'di ako pwedeng sumama? Kian naman eh. Ayokong malayo sa'yo.
: Hinding-hindi ako malalayo sa'yo, okay? Kasi lagi akong nasa puso mo.
: Kian... Ipaliwanag mo naman lahat /unti-unti ng bumagsak ang mga luha ni Cleah/
: Cleah.. /napapikit ngunit dumilat at malungkot na tinitigan si Cleah/ I'm sorry, sorry talaga. Hindi ko naman sinadyang umabot sa ganito eh. Cleah, mahal na mahal kita, sobrang mahal kita pero wala eh 'di tayo pwede sa isa't isa. Kung alam kong magiging ganito, edi sana 'di na ko nagpakilala sa'yo. Cleah... Matagal na kong patay, bago pa lang tayo magkakilala patay na ako nun. I just need someone na makaka-usap ko, at makakalaro ko, and thankfully nakikita mo ako, kaya agad kitang kinausap at kinaibigan nun. I never expected na ikaw din pala ang babaeng mamahalin ko. Kalaro lang naman ang hanap ko, e. Pero nahanap ko rin pala 'yung babaeng gusto kong makasama at mahalin sa habang buhay, kaso patay na ko, eh..At ikaw lang ang buhay. Sorry, sorry kasi hindi ko naisip kung ano bang mararamdaman mo, kapag kailangan ko ng umakyat sa taas, sorry..sorry Cleah. Sobrang mahal kita, mahal na mahal kita. Kung nagtataka ka, kung bakit lumaki rin ako kagaya mo, tumatanda rin kaming mga multo, Cleah. Cleah, I'm Kian John Torres, ayan ang buong pangalan ko. At Cleah... bago ako umalis, gusto ko, maging masaya ka ha? Mag-iingat ka lagi. Magmahal ka.. Magmahal ka ng buhay, na kagaya mo.
: Kian naman eh... Kian!!! /hinabol si Kian.//huminto si Kian, at humarap kay Cleah, si Kian ay unti-unti ng nawawala.
: Mahal na mahal kita. Sobra! Sobra-sobra. Salamat sa pagdating sa buhay ko, Kian.
: /ngumiti si kian at hinalikan sa noo si Cleah hanggang sa unti-unti siyang nawala.
: /Naiwan namang luhaan si Cleah.



Months goes by...

Nalaman ni Cleah na, patay na pala talaga si Kian. Nakilala niya rin ang mga magulang ni Kian, hindi makapaniwala ang mga magulang ni Kian sa ikinuwento ni Cleah, pero kinalaunan ay naniwala din sila. Maayos naman ang buhay ni Cleah, minsan naiiyak na lang siya pag naalala niya si Kian, pero nakakayanan naman niya.

"It's unexpected. Hindi ko inasahan na, magmamahal ako ng isang kagaya mo. Salamat sa Diyos, at nakilala kita Kian. Mahal na mahal na mahal kita, I'll never forget you." ani Cleah habang hinihimas ang lapida ni Kian.

Humangin naman ang paligid, napa-ngiti naman si Cleah at may tumulong luha mula sa kaniyang mga mata. Tanggap na niya.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon