#19

35 0 0
                                    

“Gusto Kong Ipagsigawan Sa Mundo Na..”

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Ikaw ang gusto kong makasama.

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Sobrang saya ko nung nakilala kita.

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Ikaw ang kasiglahan ko,

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Sa'yo lang ako.

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Ikaw ang pakakasalan ko sa balang-araw,

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Ang kasiyahan ko'y walang iba kundi, ikaw.

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na,

Mahal kita.

Ang dami kong gustong ipagsigawan sa mundo, pero hindi ko magawa.

Kasi alam ko naman,

Na sa puso mo'y siya ang laman.

Siya ang dahilan kung bakit ika'y sumisigaw sa kalawakan,

Ipinagsisigawan mo sa kalawakan, kung gaano mo siya kamahal, kung gaano mo siya pinapahalagahan.

Gusto kong ipagsigawan sa mundo na... Sana ako na lang.

KASI GUSTO KITA E.. Gustung-gusto kita.

Gusto kong ipagsigawan ang lahat sa mundo,

Kaso naisip ko, 'wag na lang dahil... alam ko wala namang magbabago.

Siya ang mahal mo, at hindi ako.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon