#36

29 1 0
                                    

"Untitled"

"Okay. Class since our topic is about depression. I would like to ask some questions na I know masasagot niyo naman." Ani ma'am. Naka-titig lang kaming lahat sa kaniya. Tahimik lamang ako rito sa sulok at prenteng pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"Ano ang pinaka-masakit na salitang narinig niyo?" Tanong ni Ma'am. Walang nag-taas. Tila ba lahat sila'y natahimik at nahihiya. Para bang walang gustong magsalita. Matipid namang napa-ngiti si Ma'am.

"Don't worry hindi ko naman kayo ku-kuwestyonin o ano, I just want you to share your thoughts. Because life is about fighting, and how will you win if you're not doing something? Biro lang! Hahaha. Pero class. Care to share?" Ani pa ni Ma'am--My mother rather.

May nagtaas naman ng kamay, si Antonio 'yun.

"Walang kwenta, Ma'am. And it came from my parents." Anito. Napatangu-tango naman kaming lahat. That's harsh.

"Sana hindi ka na lang pinanganak. Bobo, tanga." Sagot naman ni De Guzman. Hanggang sa sunud-sunod na ang pagtaas ng kanilang mga kamay. Halos lahat sila ay nag-taas na ng kanilang mga kamay ngunit, nanatili akong tahimik lamang rito.

Karaniwang sinasabi-sabi nilang masasakit na salita ay bobo, tanga, inutil, walang silbi, walang kwenta, tarantado, pangit, basura and such. At halos lahat sila, sinasabi nilang sa mga magulang nila nanggaling 'yun.

"How about you, Miss Cepedes?" Tanong ni Mama--Ma'am. Marahan naman akong tumayo. Si Mama talaga--hays!

"Pinaka-masakit na salitang narinig ko ma'am?" Patanong kong sabi. Natawa naman si Mama at tumango. Ano ba 'yan.

"Kung pwede lang na kunin ko 'yung sakit mo, kukunin ko para hindi ka na mahirapan pa. And that sentence came from my mother."  Sagot ko kay Mama. Napa-tigil naman si Mama ng sandali ngunit bahagyang ngumiti.

"Bakit naman?" Tanong ni Mama. I smiled.

"Kasi po Ma'am.. kahit madalas po kaming naga-away ni Mama, kahit madalas po ang dami kong mali na nagagawa, pero pag nahihirapan ako nar'yan pa din siya, she never gave up on me. Opo, minsan masakit siya magsalita, minsan hindi ko na siya maintidihan, pero nang dahil po sa sinabi niya, alam ko po na sa likod ng matapang niyang pananalita there's a precious angel that God has given to me." Paliwanag ko at umupo na.

"Very well said, Miss Cepedes. Mga anak, tandaan natin 'to. Na kahit pa anong sabihin ng mga magulang niyo sa inyo, kahit gaano pa 'yan ka-sakit, nasasabi lamang nila iyon dahil galit sila, dahil stress sila. Pero deep down inside mahal na mahal nila kayo more than theirselves. Kaya sana hangga't nar'yan pa ang mga magulang niyo, pahalagahan niyo sila, mahalin at igalang. Dahil ang pagkakaroon ng magulang ay isa sa pinaka-magandang regalo sa atin ng Diyos." Naka-giti at naluluhang paliwanag ni Mama.

And she's right because she's the most beautiful gift that God has given to me.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon