#52

35 0 0
                                    


"A letter For A Stranger"

“Goodafternoon, Class!” masiglang bati ng aming Values teacher. Nagsitayuan naman kami at bumati pabalik.

“Na'ndito ako ngayon para i-announce ang panibago nating activity since katatapos lang nung last activity natin.” agad namang nagbulungan ang mga kaklase ko tila ba excited na excited doon sa pangalawang activity. Nakita kasi namin ang dala-dala ni ma'am and sureness na kami kung ano iyon, kaya halos lahat kami ay excited para doon dahil exciting naman talaga siya.

“So ngayon, andito ako para sa second activity natin ngayong Values Month ang A letter from a stranger.” naka-ngiting anunsiyo ni ma'am. Mas lalo namang nag-ingay ang klase, maraming bulung-bulungan at halos lahat iyon ay excited na para sa gaganaping activity.

“So mayroon tayong dalawang type ng letter, una ay regular. Ang regular ‘yong pwede ka maglagay ng motivational message, quotes or favorite mong lyrics, pero hindi mo ilalagay ang pangalan mo do'n. Kaya nga from stranger ‘di ba? Baka ilagay niyo ro'n ay eto fb name ko, add mo na lang ako, blah blah, bawal ‘yon. Okay? ‘Yong regular ay pwede niyong ihulog sa box sa tapat ng library, at pwede rin kayong bumunot para sa inyo.” paliwanag ni ma'am. Nagsitanguan naman kaming lahat. Hindi na rin naman bago ‘to, dahil last year pa ito sinimulan.

“So ang special, eto naman ‘yong may specific kang tao na pagbibigyan. Pwedeng mga kaibigan niyo, from other section or dito rin na kaklase niyo, pwede rin namang mga teachers, o pati guard. Kahit anong grade level, basta dito lang sa loob ng school. Hindi kasi namin ‘yan maidedeliver sa ibang school dahil traffic.” paliwanag pang muli ni ma'am. Natawa naman kaming lahat. Matapos ang anunsiyo ni ma'am ay excited na kaming bumili ng papel na ‘yon.  Apat na special ang binili ko at isa namang regular. Kaloka may kasamang shipping fee ang special, shoppee ang peg charot.

Matapos kong sulatan ang mga special ay inabot ko na iyon kay ma'am at nagsimula ng sulatan ang regular.

“‘Alam mo, kung hindi ka man crush ng crush mo, ‘wag ka magaalala pareho tayo. Pftt hahaha! Saka ‘wag kang mainip pag-dating sa love malay mo ‘yung para sa ‘yo ay ‘yung taong nagsulat pala nito. :)” – .. -.-- .- ....

Natatawa kong tinupi ang sulat kong ‘yon. Pftt! Sana hindi marunong mag-morse code ang makakuha nito. Nang mag-breaktime ay agad kong inihulog ang papel na sinulatan ko kanina sa box at bumunot ng isa.

“Smile and prepare yourself. Look at your side, the man who's standing there...will marry you someday. -.- .. ---”

Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng mabasa ‘yon. Takte... Dahan-dahan naman akong napalingon sa gilid ko. Kabubunot lang rin ng lalaking ‘yon ng isang papel.

“Iyah?”

“Kio?”

Napa-lingon naman kami sa isa't isa ng marinig naming sambitin ang mga pangalan namin.

Shit!

Ngumisi naman siya at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Napahinto naman ako, sandali niyang tinignan ang hawak kong papel at tinitigan ako ng derecho sa aking mga mata.

“Paano ba ‘yan? Ako ang naka-kuha ng letter mo, at ikaw ang nakakuha ng letter ko. Shit–nakuha mo na rin yata ang puso ko. Iyah... Just wait and you'll see you'll gonna marry me.” naka-ngiting aniya at sinuotan ako ng singsing. Hindi naman ako nakapag-salita.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon