#38

35 0 0
                                    

"Dakilang Buraot"

"Oy penge namang dos." Naka-ngiting sabi ni Jesteen, sa lalaking kaharap niya. Tinitigan lamang siya nito at hindi nag-salita.

"Kuya naman, eh. Dali na! Dos lang naman eh!" Pamimilit pa ni Jesteen, napa-hinga naman ng malalim si Zach at matiim na tinitigan si Jesteen.

"Alam mo ang dakila mong buraot, wala akong barya." Sagot ni Zach, napa-nguso naman 'yong si Jesteen, pero ngumiti ulit.

"Alam ko na edi buo na lang ibigay mo sa'kin!" Naka-ngiting sabi nito, ngumisi naman si Zach.

"Alam mo miss, halika nga dito." Naka-ngisi nitong sabi habang titig na titig pa rin kay Jesteen, bumilis naman ang tibok ng puso ni Jesteen ngunit lumapit pa rin ito.

Mabilis siyang kinotongan ni Zach na siya namang ikina-aray nito.

"Aray! Bakit mo naman ginawa 'yon!?" Inis na tanong ni Jesteen, natawa naman si Jasper at tinitigan siyang muli.

"'Wag ka ng mamuraot, dahil pag hindi ako naka-tiis magiging dakilang buraot din ako't hingin na kita sa magulang mo." Seryosong saad ni Zach habang titig na titig pa rin kay Jesteen.

"Luh--pinagsasabi mo diyan kuya--" gulat na sabi ni Jesteen, lumunok naman si Zach bago muling nagsalita.

"Stop talking. Mahalin mo lang ako, ibibigay ko sa'yo buong oras at buhay ko. Call me Zach, because my name is Zach, and from now on Zach-en ka lang." Naka-ngiting tugon ni Zach at kumindat.

"Tae ka kuya. Magkapatid tayo."

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon