2 - Night 1 Part 2

86 8 0
                                    

[Night 1 Part 2]

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!"

Nagkatinginan ang dalawa dahil sa narinig na sigaw mula sa itaas. Iisang tao lamang ang nasa kanilang isipan na nagmamay-ari ng boses na iyon.

"SI AIRA!"

"SHT!"

Dali-daling tumakbo ang dalawa papunta sa kinaroroonan ni Aira. Nasalubong pa nila ang iba pang mga kaibigan paakyat at ang iba ay nauna na sa itaas. Dismayado at masama ang mga mukha nila Allan, Nathan, Ion, Risha, Prince at Noel na nauna sa pag-akyat sa itaas dahil sa nakakakabang pagsigaw ni Aira.

"Ahhhhhhh! Aaaahhhhhhh!!!" Sigaw pa ni Aira.

Naabutan nina Laira, Blane, Jeyd, Skye, Cindy, Rex, Marco at Ciara si Aira na nagsisigaw habang mangiyak-ngiyak na nagtatalon at nagpapagpag ng sarili.

"Waaaaaaah! MAY IPIIIIISSSS!!!"

Napabuntong hininga sa inis sina Ciara nang marinig kung ano ang dahilan ng pagsigaw ni Aira.

"WAAAAAAAHH!!! PATAYIIN NIYOOOOO! WAAAAAH!"

"Tsk. Balakajan." Si Laira.

"Jusko! Akala naman namen nasa bingit ka na ng kamatayan! Tapos ipis lang pala! Pigilan niyo ko!" Singhal ni Cindy.

"Go girl." Walang ganang sagot pa ni Laira.

"Hayaan mo na, balik nalang tayo sa baba." Awat ni Rex at hinila na si Cindy pababa.

Halos mamatay naman sa katatawa sina Ciara dahil sa itsura ni Aira na hindi malaman kung paanong itataboy ang ipis na dumapo sa kanya.

Matapos makababa nina Rex at Cindy, nagbalik na rin sa baba ang iba pa kasama si Aira nang mapatay na ni Marco ang ipis. Naiwan si Ciara at Marco na inililibot ang buong paningin sa kabuuan ng silid. Maluwang at malaki ang silid na mayroong dalawang kama, makapal na ang alikabok sa kama dahil walang taklob ang mga ito na panangga sa mga dumi hindi katulad ng mga gamit sa ibaba kanina.

Mayroong dalawang malalaking obra sa dingding, ang isa ay obra ng mga puting rosas at ang isa nama'y hindi na makilala dahil kumupas na. Sa magkabilang gilid ng kama, naroon ang dalawang lamp shade na mukhang naging bahay na ng mga gagamba dahil puro sapot na.

 Sa magkabilang gilid ng kama, naroon ang dalawang lamp shade na mukhang naging bahay na ng mga gagamba dahil puro sapot na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa gilid ay ang isang mahabang sofa, gaya ng kama, makapal na rin ang alikabok dito. Sa harap, naroon ang malaking closet na inanay na ang ilang bahagi. Sa tabi nito ay ang isang salamin na karaniwang nakikita sa loob ng kwarto ng mga mayayaman kung saan mayroon itong mga drawer at upuan.

 Sa tabi nito ay ang isang salamin na karaniwang nakikita sa loob ng kwarto ng mga mayayaman kung saan mayroon itong mga drawer at upuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
White Rose ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon