6 - Night 3 Part 3

72 9 0
                                        

[Night 3 Part 3]

"Ano bang nangyari? Jeyd? Risha?" Tanong ni Ion sa dalawa na kanina pa tahimik.

Itinabi nila ang bangkay ni Rex sa bangkay ng kasintahan nitong si Cindy. Nagbalik na rin sa sala ang lahat. Dahan-dahan namang napaangat ng tingin si Jeyd sa kaibigan.

"Hindi rin namin alam... Basta ang sabi niya, nakita niya si Cindy at tinatawag siya palabas. Hawak-hawak niya pa nga yung rose na bigay daw ni Cindy eh. Aayusin sana namin yung kamera sa hagdan kasi nagloloko tapos... tapos yun na. Bigla na lang naging ganyan! Nakita na namin siya dun na wala ng buhay..." Nanginginig at utal-utal na kwento ni Jeyd sa mga kaibigan na nasa kanya na ang buong atensyon ng lahat liban kay Risha na tahimik at nakayuko lamang.

Tahimik rin ang lahat at pilit na inaanalisa ang mga pangyayari. Ang lahat ay may kanya-kanyang konklusyon pero wala sa mga ito ang naglakas ng loob na magbahagi nito.

"Ano bang nangyayari rito?! Aminin niyo na! Sinong pumatay kay Rex?! Imposibleng wala sa atin ang gumagawa nito!" Galit na bulalas ni Aira.

Maiging pinagmasdan nila ang bawat isa, sinusuri kung sino sa kanila ang maaaring gumawa nito sa kaibigan. Ngunit naagaw ang atensyon ng lahat nang biglang maglakas loob din si Marco na magsalita dahilan para matigil ang nabubuong tensyon sa bawat isa.

"Sandali. Sa tingin ko wala sa atin ang may kagagawan nito." Diretsang wika niya.

Mas lalong napakunot ang noo ni Aira ganon din ang pagtaas ng dugo nito sa kanyang mukha dahil kinontra ni Marco ang sinabi niya dahil sigurado na siya na mayroon ngang isa sa kanila ang may kagagawan ng lahat ng ito at sarado na ang kanyang isip na tumanggap pa ng ibang opinyon.

"Pano ka naman nakasisigurado ha?! Tayo-tayo lang naman ang nandirito, sino pa ba ang gagawa niyan?!" Buwelta ni Aira.

"Posible rin namang siya mismo ang gumawa niyan sa sarili niya dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ni Cindy  o kaya..." Mahinahong paliwanag pa ni Marco at sandaling napa-isip.

"O kaya ano ha?! ANO?!" Galit na galit na wika naman ni Aira na agad namang inawat ng iba at pilit na pinakakalma ang humahangos na kaibigan.

"O kaya, isang masamang espirito sa mansyon ang may kagagawan ng lahat ng ito." Mahinang dagdag niya.

Agad namang nagpintig ang tenga ni Ciara nang marinig mga salitang iyon. Muling nagbalik sa kanyang alaala ang mga nakita niya nitong mga nakaraang araw, dumagdag pa rito ang nabanggit din sa kanya ni Marco na mayroong kaluluwa ng isang babae ang sumusunod sa kanya. Agad niyang naisip na maaaring ang babaeng nakita ni Marco at ang boses ng babaeng narinig niya, ay iisa.

"Kung ganon nga... Bakit naman kailangan pa niyang patayin si Rex at Cindy?" Nagtatakhang tanong ni Allan.

Agad na nalipat ang tingin ng lahat sa nagsalitang si Allan na nakaramdam naman ng pagkailang at pagsisisi kung bakit niya pa naitanong iyon dahil nasa kanya na ang mga mata ng lahat.

"Ang tanong, kaya nga bang pumatay ng isang kaluluwa o espirito lang?" Singit pa ni Prince dahilan para mas lalong mapaisip ang lahat.

"'Yan ang hindi pa natin alam." Sagot ni Marco.

"Una si Cindy, ngayon naman si Rex. Posible kayang... May susunod pang mamamatay?" Kabadong wika ni Ciara at tila lalabas na ang puso sa kanyang dibdib dahil sa magkahalong kaba at takot.

"Sinong susunod?! Oh mygad! Ayoko pang mamatay!" Nanginginig sa takot na wika ni Aira.

Nabahala naman ang ilan dahil sa pangambang mayroon pang sumunod na mamatay sa kanilang mga natitirang buhay sa lugar na iyon.

White Rose ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon