[Night 7 Part 9]
"Nahihilo ako." Rinig nilang wika muli ni Laira habang akay-akay ito sa paglalakad ng dalawang binata. Dali-dali namang huminto nang panandalian ang lahat.
"Gusto mo bang magpahinga sandali? Pakalmahin lang natin yang hilo mo." Suhestiyon ni Cia.
"Hindi na. Mawawala rin siguro agad 'to. Tsaka excited na akong patumbahin yung dalawa eh! Tara na!" Tila lasing nitong tugon, hindi na maipinta ang labis na pag-aalala sa mukha ng lahat lalo na ni Ciara at Skye.
"Sige..." Nag-aalangang tugon ni Ciara habang hindi inaalis ang paningin sa kaibigan.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad, sa bawat minutong lumilipas, mas lalo silang nababahala sa ikinikilos ni Laira. Hindi nila malaman kung paano pakakalmahin ito dahil bigla nalang itong nabalisa habang idinadaing naman ang sakit ng ulo.
"Malapit na tayo sa mansyon. Laban lang Lai, okay?" Pagpapakalma ni Ion sa kaibigan.
"Wag na kaya tayo tumuloy! Kinakabahan ako eh! Baka kung ano pa mangyari sa'tin diyan! Anong gagawin natin 'pag hindi natin nasira yung vase o yung diary? Makukulong tayo ulit do'n! Mamamatay na tayong lahat sa loob!" Mabilis na wika ni Laira dahilan para mas ikabahala nila ang kalagayan nito.
"Lai? Laira, kalma lang. Magagawa natin 'to." Paninigurado ni Cia sa kaibigan saka hinawakan ang braso nito. Kinapa niiya ang leeg nito nang mapansin niya ang pamumula ng mukha nito. "Nahihilo ka pa ba?"
"O— urggghh" Hindi na natapos pa ni Laira ang pagsang-ayon nang bigla itong sumuka.
"Laira!" Dali-dali namang umalalay si Skye sa kaibigan saka hinagod ang likod nito.
Nagkatinginan nalang ang tatlo (Ciara, Ion at Marco) dahil batid nilang lalala nang lalala ang kalagayan nito habang lumilipas ang oras.
"Sakit ng tiyan ko!" Daing pa ni Laira hindi na napigilan pa ni Skye at Ciara na muling yakapin nang mahigpit ang kaibigan.
"Kayanin mo, okay? Uuwi tayo, 'di ba?" Nangingilid ang mga luhang wika ni Ciara. Nanghihinang napatango naman si Laira.
"Kaya mo pa bang maglakad?" Tanong ni Skye, niyuko niya ito para magpantay ang mukha nila.
"Kaya ko pa..." Mahinang tugon nito.
Nagprisinta muli ang dalawang binata na akayin ito sa paglalakad, hindi na nagawa pang tumanggi ni Laira dahil sa panghihina na rin ng kaniyang katawan at dahil sa matinding hilo. Nauuna sa paglalakad ang dalawang dalaga, para mabantayan at hindi mawala sa paningin ng dalawa habang akay ang isa pang kaibigan. Panay din ang lingon sa likuran nina Ciara at Skye para masiyasat ang lagay ni Laira sa bawat minutong lumilipas. Hindi pa man tumagatagal, muli silang napatigil nang sumuka na naman ito. Mabilis namang nakalapit si Skye at Ciara sa kaibigan.
Gustuhin man nilang ipakita ang matinding pag-aalala at takot na nararamdaman para sa kaibigan, pinilit nilang itago iyon dahil hindi iyon magiging maganda at makadadagdag lamang iyon sa hirap na nararamdaman ni Laira. Isang malaking dagan sa kanilang dibdib na patuloy na lumalala ang kalagayan nito at natutunghayan kung paano ito unti-unting pinapatay ng lason ang buo niyang sistema.
"Laira, sabihin mo kung hindi mo na kayang maglakad ha? Pwede naman tayong magpahinga eh." Nag-aalalang wika ni Ciara. Hindi na siya nagawang sagutin pa ni Laira dahil patuloy pa rin ito sa pagsuka.
"Oo nga, nag-aalala na kami sa'yo eh." Sang-ayon din ni Skye.
"Kaya ko pa... Kaya ko pa." Nanghihinang tugon nito.
"Malapit na tayo, natatanaw ko na yung mansyon. Konting tiis pa." Malumanay na wika Ion kay Laira. Nakapikit na napatango-tango ang dalaga.
"Ako na mag-aakay sa kaniya, hirap ka na rin maglakad eh." Pigil ni Skye kay Ion nang muling akayin nila ni Marco si Laira sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
White Rose ✔
ParanormalGhost Hunter's o mas kilalang "Ghounters", ang grupong kinabibilangan ni Ciara Corpuz na binubuo ng labing limang miyembro. Ang babaeng may kakayahang makaramdam ng mga espirito at kaluluwa. Sa hindi inaasahan, nagsimula ang kanilang kalbaryo nang m...