18 - Night 7 Part 6

45 4 0
                                        

[Night 7 Part 6]

"Ano ba 'yon? Ano ba yung... sasabihin mo?" Tanong ni Ciara na nagpakaba at nagpabilis sa tibok ng kaniyang puso.

'Gusto kong sabihin sa'yo na mahal kita. Kaya lang... Natatakot akong i-risk ang pagkaka-ibigan nating dalawa. Ayokong sirain 'yon'

"Nasabi ko na." Hindi rin makatinging sagot niya sa dalaga dahil sa isiping nanaig sa kanya. Agad namang napalingon sa kaniya si Ciara nang mayroong nagtatakang mga tingin.

"H-ha? Alin do'n? Hindi ko na matandaan eh..."

"Psh. Thank you." Pag-uulit niya saka binalingan ng tingin ang dalaga at nagtama ang kanilang paningin. Napansin niyang bahagya pa itong nagulat at agad na napaiwas ng tingin dahil mahahalata rito ang pagka-ilang. Pasimple namang napangiti si Marco nang makita ang inasta nito, sa mga simpleng galawa nito'y tila nagiging isa itong perpekto sa kaniyang paningin.

"T-thank you? 'Yon ba 'yon...? Para saan?" Nauutal nitong tanong, hindi pa rin makatingin ng diretso sa kaharap.

"Dahil bumalik ka. Hindi mo kami iniwan. Salamat, dahil buhay ka." Sagot ni Marco, hindi na niya naitago pa ang matamis na ngiti na agad namang nasilayan ng mga kasama. Nanunukso nilang pinanood ang dalawa, inaabangan ang bawat salitang bibitawan nila.

"Sus! Kami ba talaga ang hindi niya iniwan? O... ikaw?" Nanunuksong singit ni Blane saka nang-aasar na tumawa.

"Tsh."  Ismid niya. Sa isip-isip niya'y sinasabi niyang 'Ako nga. Dahil hindi ko kakayaning mawala siya sa'kin hangga't hindi ko nasasabi at naipaparamdam na mahal ko siya.'

"Eh yung ibibigay mo, ano 'yon? Yieeeee!" Muling pang-aasar ni Skye dahilan ng kaniyang malalim na pagbuntong-hininga, akala niya'y nakalimutan na nito ang tungkol do'n.

"Saka na. 'Pag nakauwi na tayo." Pag-iwas ni Marco. Muling nangibabaw ang lungkot sa kanilang mga puso dahil hindi nila sigurado kung makakauwi pa nga ba sila sa mga oras na iyon. Gano'n pa man, isinantabi na lamang nila ang mga negatibong isipin na lumilitaw sa kanilang mga isip.

"Wait... Guys," Sabay-sabay silang napahinto at nabaling ang tingin kay Ion. Ngunit agad ding nalipat ang kanilang paningin sa tinitignan nito.

"Teka... Hindi ba 'yan 'yong..." Hindi naituloy ni Skye ang sasabihin. Ang lahat ay tahimik na nagmamasid sa paligid, hindi nila alam kung ano ba ang dapat nilang maramdaman sa mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang madilim na gusali sa kanilang harapan.

"Ang haunted hospital..." Sabay-sabay na bulong nilang lahat liban kay Marco na maigi pa ring nagmamasid sa palibot ng gusali.

"Huwag mo sabihing papasok pa tayo riyan?" Sarkastikang wika ni Laira,tukoy niya kay Ion. "Sa mga oras na 'to, 'yang ghost hunting pa rin ba ang nasa isip mo?! Ion, hindi na 'to laro! Marami na ang namatay sa'tin! Ayoko ng sumunod pa sa kanila! Hindi ka pa ba nadala sa inabot na'tin dahil sa ghost hunting na 'yan?!"

"Hindi naman sa gano'n. Hindi na 'yon ang nasa isip ko! Huwag niyo naman nang sabayan ng init ng ulo dahil hindi 'yan nakatutulong." Sagot  ni Ion.

"Eh ano? Titigil nalang tayo rito? Gusto ko ng umuwi! Ayoko pang mamatay!"

"Sino bang may ayaw ang maligtas at makauwi?! Lahat tayo gusto non!" Depensa ni Ion.

"'Yon naman pala eh! Ano pang ginagawa natin dito?!"

"Papasok tayo sa loob." Sagot ni Marco dahilan para matigilan at magulat si Laira sa isinagot nito. Unti-unting napakunot ang noo ng dalaga, nangingibabaw na rin ang inis sa kaniya. Ang lahat ay nasa kaniya na ang paningin, pare-pareho lamang ng reaksyon na mababakas sa kanilang mga mukha, naguguluhan sa inaaksyon nito.

White Rose ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon