Epilogue

58 6 0
                                        

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata, muli siyang napapikit at paulit-ulit na napakurap nang masilaw siya sa puting liwanag. Mayroon siyang naririnig na mga bulong at hindi malamang ingay na nangingibabaw sa kaniyang tenga ngunit hundi naman iyon ganoon kalakas, naririnig niya rin ang mga yapak na pabalik-balik hindi kalayuan sa kaniya. Unti-unti rin naging pamilyar sa kaniya ang amoy ng buong paligid, masakit iyon sa ilong.

Nang tuluyan siyang masanay sa liwanag, bumungad sa kaniya ang puting paligid. Natanawan niya ang maliit na krus na nakasabit sa dingding sa kanyang tapat, iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid, nakita niya ang tatlong bakanteng kama sa kaniyang harapan na nababalutan ng puting bedsheet at puting unan.

'Nasa... Ospital ako? Ibig sabihin... Buhay ako!'

"Ciara! Gising ka na." Nabaling ang kaniyang tingin sa boses na iyon, si Marco.

'Buhay siya! Buhay kaming dalawa! Nakaligtas kami!'

Malinis na ang damit nito, malinis na rin siyang tignan. Naroon ito sa katabi niyang kama na agad na nakalapit sa kaniya, nabaling ang tingin niya sa puting taling gumalaw nang lumapit ito sa kaniya, nakakabit ito sa kaliwang kamay ng binata. Nabaling din ang kaniyang tingin sa kaniyang kanang kamay na hinawakan ni Marco, mayroon din siyang dextrose doon.

Nag-angat siya ng kaniyang tingin sa binata, nakangiti na ito sa kaniya. Agad siyang nagbawi ng ngiti. Ilang saglit pa, nabaling ang kanilang paningin sa pinto nang bumukas ito at tumambad sa kanila ang Ina ni Marco, kasunod nito ang Ina ni Ciara.May bitbit silang eco bag na naglalaman ng iba't ibang prutas, tinapay at inumin. Nakangiti rin ang dalawang Ina nang makita ang kanilang mga anak.

"Anak, gising ka na." Masayang wika ni Elisa kay Ciara, ang Ina ni Marco.

Naiilang na ginantihan niya ito ng ngiti, normal naman na sa kaniyang tawagin din siya nitong "anak" dahil lahat ng kanilang barkada ay 'anak' din ang tawag sa kanila ng mga magulang ng bawat isa. Ngunit sa tuwing tatawagin siya nito ng gano'n, hindi mapigilang magdiwang ng kaniyang puso dahil iba ang interpretasyon niya roon.

"Isang araw ka rin natulog, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong pa ulit ng kanyang Tita Elisa.

'Isang araw? Kung gano'n... Nung isang araw lang kami nailigtas.'

"Maayos na po." Nakangiting sagot niya.

"Oh, kumain ka na." Inabot sa kaniya ng kaniyang ina ang lugaw.

'Nailigtas kami... Nai-uwi na rin kaya ang iba pa?' Muli siyang nalungkot sa isiping iyon.

"Ano ng balita sa mga kaibigan natin?" Malungkot niyang baling kay Marco. Nakaupo ito sa upuan sa tabi ng kama niya. Napabuntong-hininga ito bago sinagot ang tanong niya.

"Si Skye, nakaburol na kahapon pa. Yung iba pa, nai-uwi na rin kagabi. Ipinalibing na kahapon sina Cindy, Rex, Ara, Prince, Noel, Allan, Jeyd, Nico, Risha at Blane dahil inaagnas na yung bangkay nung iba. Si Laira at Ion, ngayon naman ililibing." Mahabang pahayag ni Marco, muling nanikip ang dibidb niya dahil hindi man lang niya naihatid ang mga kaibigan sa kanilang huling hantungan.

Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang mga ito. Parang kailan lang ay masaya silang magkakasama, nagbibiruan at sama-samang nagtatawanan sa mga biro Noel. Ang pag-aaway ni Ara at Allan, ang mga tampuhan at bangayan nila na naayos din naman at ang pahanginan ng tatlo pagdating sa pagwapuhan. Gusto niyang umiyak ngunit wala ng luhang pumapatak sa kaniyang mga mata.

"Marco, anong sabi ng mga pulis? Babalik pa raw ba sila?" Sabay-sabay na nabaling ang kanilang paningin kay Elisa.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo? Bakit nauwi sa gano'n? Paano kung pati kayo uuwi ng bangkay sa'min?! Mabuti nalang at may nakakita sa inyo, kung hindi pati kayo pinaglalamayan na ngayon." Kunot ang noong wika ng Ina ni Ciara, si Lyn.

White Rose ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon