8 - Night 5

80 8 0
                                        

[Night 5]

"Wait. Nasan si Prince?" Kinakabahang tanong ni Skye at tinignan isa-isa ang mga kaibigan.

"Sht!" Agad na nagsitayuan ang lahat pero napahinto sila sa akmang pag-alis nang bigla na itong sumulpot at may hawak na puting rosas habang inaamoy-amoy pa ito at tila walang pakialam na naglalakad papalapit sa kanila.

"San ka galing ha?! Pinag-alala mo kami!" Tanong ni Noel at kinutusan pa ito.

"Oh my ghad." Puno ng takot na bulalas ni Ciara.

Napatigil sa pagrarambulan ang dalawa nang marinig ang sinabi ni Ciara. Sabay-sabay na nagtatakhang napatingin ang lahat sa kanya habang nanatili lamang siyang nakatingin kay Prince at sa hawak nitong bulaklak.

"Bakit, Ciara?" Sabay na tanong ni Prince at Marco.

Hindi nito pinansin ang tanong nila, sa halip ay nagdire-diretso siyang lumapit kay Prince at mabilis itong hinawakan sa braso saka itinabi sa mga kaibigan na nagtatakhang nakaupo sa sala dahil sa ikinilos niya.

"Kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang aalis ng mag-isa!" Banta niya sa kaibigan na may seryosong tono ngunit may bahid ito ng kaba at takot.

Mas lalong napakunot ang noo ng lahat. Nagpalipat-lipat ang tingin nila kay Prince at Ciara. Nakaupo na si Prince sa sofa habang nakatayo naman si Ciara sa harapan nito at seryosong nakatingin sa kaharap.

"Ciara? Ano bang problema?" Nag-aalalang tanong ni Skye.

Marahang siyang napalingon kay Skye at pinadaanan din ng tingin ang iba pang mga kaibigan. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan saka muling nagsalita.

"Guys... Bantayan niyo nang maigi si Prince. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin natin." Mahinahong sagot niya sa mga nag-aalalang mata ng mga kaibigan.

"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong naman ni Nico.

"Hey! Hey! Why so protective? Salamat sa pag-aalala. I love you too!" Singit naman ni Prince at natatawang niyapos niya ang kaibigan.

Agad namang nagsalubong ang mga kilay ni Marco at hindi na niya namalayang nahila na niya papalayo si Ciara. Saglit naman siyang nabigla nang magtama ang paningin nilang dalawa, nabitawan niya ang braso ng dalaga at napaiwas ng tingin.

"Woah! Woah! Sorry, Bro! Hahaha!" Tumatawang sabi ni Prince habang nakataas pa ang dalawang kamay na para bang huhulihin ng pulis.

Saglit na napatulala si Ciara dahil sa nangyari pero agad naman siyang natauhan dahil sa tawang mapang-asar ni Prince.

"Prince! Hindi ako nagbibiro! Hindi ka pupwedeng umalis ng walang kasama!" Iritadong ulit niya.

"Teka, teka! Ciara! Ano bang nangyayari? Pangatlo na akong nagtanong ah! Sagutin mo naman na sana. Pinapakaba mo kami eh!" Litanya naman ni Laira.

Muling natahimik ang lahat habang hinihintay ang paliwanag ni Ciara sa mga biglaang ikinikilos nito. Pinasadahan niya muli ng tingin ang lahat saka napayuko at muling nagbitaw ng malalim na buntong hininga.

"Si Prince... Siya na ang susunod." Mahinang sagot ni Ciara.

Rumehistro sa kanilang mga mata ang takot. Nanlalaki ang mga mata nila't tila tinakasan na ng dugo ang kanilang mukha habang tulalang nakatingin kay Ciara. Walang nagsalita sa kanila. Muling natahimik ang paligid.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" Tanong ni Prince at pinilit pa ang sariling tumawa ngunit halata itong peke dahil nangingibabaw ang kaba sa tono nito.

"Yan din ang hiling ko... Pero huli na..." Umiiling na tugon niya na hindi inaalis ang tingin sa kaibigang mas lalong sumungaw ang takot sa mga mata.

White Rose ✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon