Episode 03 (Edited)

525 25 16
                                    

this episode is dedicated to: @bheycoh

-thankyou for always supporting me by always reading my works, voting, and always leaving with comment/s. Its really mean to me. Ang saya ko kasi, kasama uli kita; to this book-

**********************

Euphorbia's POV

Bigla na lang akong dinala ng liwanag sa panahong ito marahil ay si Emilee ang gumawa nito. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako ngayon pero sobrang nagtataka ako sa nangyayari. Nakaupo ako sa mataas na lugar kasama ang isa pang ispiritu ko na nanonood sa mga naglalaban sa ibaba. "Ah, maari bang magtanong?" Bungad ko sa kanya.

"Nagtatanong ka na." Sagot niya.

"Ah, oo nga." Humugot muna ako ng hangin bago nagpatuloy, "ano kasi, naguguluhan ako. Maari mo bang sabihin sa akin kung anong lugar ito? At kung anong nangyayari? Kasi......"

"Madami tayo?" Dugtong niya sa sinabi ko, tumango lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paanong naging tatlo kami sa magkakaibang anyo. "Galing ako sa nakaraan, ikaw, galing ka sa hinaharap, at siya, likha ko lang" paliwanang niya.

"Ha?! P-paanong?! B-bakit?!" Ang totoo, sa dami ng gusto kong malaman, hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Hindi niya ako sinagot, sa halip, ipinakita niya sa akin ang mga nangyari. Inihatid niya sa imahinasyon ko ang lahat, mula sa simula hanggang sa sandali kung saan ako naroroon. Para akong nanonood ng sine sa sarili kong imahinasyon. At sa isang iglap, nalaman ko na ang lahat. Naalala ko na ang lahat. Ang lahat lahat. "Pero bakit, bakit ako nandito sa panahong ito?" Tanong ko. Dinala ako ng kapangyarihan ni Emilee sa panahon kung saan naglalaban kami ni Ayessha kasama si Jullienne sa isang islang binalot ng yelo mula sa kapangyarihan ni Ayessha, dun sa panahon kung saan inakala kong kakampi niya si Emilee. Nalaman kong napilitan lang pala siya na sundin ang mama niya dahil may kailangan siyang gawin. Sinadya niyang pagharapin kami ng mama niya upang mawakasan na ang pamamalagi ni Ayessha sa mundo. Subalit, masyadong mahina ang katawan ko. Hindi ko rin magamit ang torch na ginawa ko dahil wala naman itong sapat na kapangyarihan. Hindi ako makabalik sa katawan ko dahil hindi pa nito kayang tanggapin ang lakas ng kapangyarihan ko, at kapag ipinilit ko, maaari lang akong mamatay.

Nung sandaling inakala kong pumikit na ako at tuluyan na akong nawalan ng buhay, dun pa lang pala nagsimula ang tunay na labanan sa pagitan namin ni Ayessha. Nakahandusay si Jullienne sa kabilang panig, duguan siya at hindi ko alam kung buhay pa siya. Ang nakakainis lang, nasa nakaraan ako, at kapag may ginawa ako maliit man o malaki, mababago nito ang hinaharap at malaki ang magiging epekto nito. Ang kailangan ko lang gawin ay ang manood kahit na gustong-gusto kong tumulong sa kanila. Nakita ko din si Emilee na nakalutang lang sa himapapawid at nanonood, sa itsura niya, wala siyang balak na tumulong. Gamit ni Ayessha ang katawan ko, at yung torch na ako.....nakakulong sa matutulis na yelo, ganun pala ang itsura ng torch. Hindi ako makapaniwala. Isang apoy lang ako dati na pinipilit mabuhay na isang normal na tao. Sa itsurang yun, hindi na kailangan ng tanong, kitang-kita naman palang hindi talaga ako tao. Alam na ni Jullienne na isa akong torch mula nung una kaming magkita, hindi lang niya masabi dahil ako, ipinaglalaban kong tao ako. Kahit si Emilee alam niya, dahil nakikita niya ang itsura ko, kaya pala manghang-mangha siya sa tuwing nakikita niya ako. At kahit dun sa nakaraan kung saan binalikan ko ang lahat dun sa panahon nung bata pa ako, kaya pala gustong-gustong hawakan nung batang ako ang dibdib ko dahil talagang nakakaakit itong tingnan. Ang sakit lang, ngayon naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nung torch na yun. Pero sa huli, kailangan niyang magskripisyo hindi para itama ang lahat, kundi para sa kanyang mga minamahal. Nakakahiya mang sabihin pero, inaamin kong, mas ipinakita ng isang torch na mas may puso siya kaysa sa isang taong tulad ko. Gayun pa man, hindi talaga siya dapat manatili sa mundo.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon