Episode 12 (Edited)

348 21 38
                                    

This episode is dedicated to: @genandden

-hi, friend.....thankyou for always reading my works.....and thankyou also for your support. Hope you like this episode.-

*Try niyo rin po ang stories niya. Mahusay din po syang writer*

Excited na ako to say------

Proceed..........

..................

Continuation of Tomoki Gabriel's POV (the 15 year old one)

Gamit ang kapangyarihan ko, nilakbay ko ang lagusan papunta sa nakaraan. Gusto ko talagang malaman kung anong nangyari kahapon. Bakit ang bilis ng mga pangyayaring ito? Saka, napakadami kong nakikitang mga kakaibang bagay. Parang hindi na akma sa totoong mundo. Sa isang iglap, naging ganito agad ang kinahinatnan ng mundo?!

Imposible! Parang may mali dito!

Isa pa sa pinagtatakhan ko, dapat ay laging nakabukas ang mga lagusan ng oras at panahon, pero ngayon, nakasara ang lagusan pabalik sa nakaraan. At dahil ang hawak ko ay ang lagusan patungong hinaharap, nakakalabas-masok ako dito. Pero yung sa nakaraan kailangan ko ng permiso pa ni Emilee. Buti na lang may kung anong inilagay si Emilee sa akin para makalabas masok ako sa nakaraan at kung ano yun, hindi ko alam. May tiwala ako sa kanya kaya hinayaan ko lang. Ang sabi niya lang kahit nasaan ako o kahit di kami magkasama maihahatid niya ako sa nakaraan anumang oras na gusto ko, pero hindi niya nabanggit na isasara na niya ang lagusan. Bakit kaya?! Ano bang nangyayari?! Pero sa ngayon, kailangan ko ng magmadali.

Naalala ko, kanina nung bumalik ako mula sa present time, napakarami kong nakasabay na kung sinu-sinong mga may third eye. Parang excited silang pumunta ng future. Buti na lang naagapan ko, bago pa sila makapasok ng tuluyan naisara ko na ang lagusan, hindi nila pwedeng malaman ang nangyari sa magiging hinaharap nila. Baka magdulot ng hindi magandang pangyayari sa kasalukuyang panahon.

Nasa loob na ako ng portal. Kinakabahan ako, natatakot sa kung ano ang aking makikita. Inihanda ko ang sarili ko sa mga kaganapang maaari kong masaksihan, pero dahil sa masyado akong nagtataka at nag-aalala, kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Alam kong hindi ito makakatulong. Kaya pinilit kong kumalma. Pinikit ko ang aking mata at inisip ang oras at panahon na aking pupuntahan.

At pagdilat ko----------

Napunta ako sa oras kung saan may kinakalaban si Emilee.

Nagtago ako at nanood sa kanila.

Bakit dito ako napunta?!

Ang inisip ko kanina ay makapunta ako sa oras at panahon na lugar kung nasaan si Guro para malaman ko kung ano ang nais niyang iparating dun sa mensahe niya. Hindi naman siya basta basta mag-iiwan ng mensaheng walang saysay, alam kong may dahilan siya kung bakit pinabalik niya ako sa kahapon.

Tahimik muna akong nanood sa paglalaban ni Emilee at nung nilalang na hindi ko alam kung sino, nakaitim siya, mahaba ang buhok at hindi ko mawari kung lalaki o babae siya, parang pang-unisex ang mukha niya. O dapat kong sabihing, wala siyang kasarian. Mabilis at mahusay si Emilee sa pakikipaglaban pero mas mahusay at mas mabilis yung isa. Bakit sila naglalaban, anong dahilan?! Bawat gamiting element ni Emilee nakokontra nung kalaban niya gamit din ang ganong uri ng element. Hindi sila nag-uusap, pero parang telepathy ang ginagamit nilang way kaya siguro hindi ko gaanong pansin.

.

Huwag kang padadaya. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.

Bigla kong hinahanap yung tinig, -----------si Guro.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon