Episode 20 (NEW)

310 22 14
                                    

This episode is dedicated to @VonjoPastor
Ayieee......may dedic na ako sa'yo beh xD aq tlga ang natuwa haha ^_^

Note:
Hindi ko ako gaanong marunong sa chess pero mula po sa chapter na ito may halong chess po. Kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya sa mga errors na magagawa ko pero open po ako sa inyong comments para maitama ko yung mga mali. Salamat po.

Proceed.....

...............

Arah's POV

Nakita kong lumitaw sa harapan niya ang mga piyesang siya ang pumili. Nakaayos na ang lahat sa kanilang mga pwesto. Ginawa niyang rook sina Emilee at ang classmate niyang si Tomoki. Sina Jullienne at Tomoki na galing sa future ang siya namang kanyang mga bishops. Samantalamg knights naman sina Norman at Shean. Kitang-kita ko ang mga piyesa niya, kamukhang-kamukha nila. Parang malililiit na manyika na parang mga buhay. Ganung-ganun, tulad ng original. Nabigla ako ng husto sa nakita ko, at sa aurang nararamdaman ko. Hindi siya nagbibiro. Totoo ngang gusto niyang makipaglaro. Laro sa kanya pero sa amin, pakikipaglaban sa aming buhay. Pero dapat, ako ang humahawak ng mga piyesang yun. Bakit siya?! Tapos pinapapili nya ako ng sa akin, sino?! Pwede kayang sila din?! Pero hindi ko kayang gawin yun sa kanila. Hindi ko sila kayang isakripisyo o pahirapan. Eh kung sarili ko na lang kaya?! Pwede kayang ako na lang lahat?!

Sige, ako na lang lahat. Ako naman talaga dapat. Ayaw kong isakripisyo pa sila. Dapat ko silang iligtas sa mapanganib niyang laro.

Ako na lang.

Nang mabuo ko na ang aking pasya, bigla na lang lumitaw ang mga piyesa ko sa tamang pwesto. Parang totoo sila. Kamukhang kamukha ko lahat. Iba iba lang ang mga kasuotan depende sa kung ano ang kanilang gagampanan.

"Anong dahilan mo bakit mo ito ginagawa?" tanong ko sa kanya.

Yan na ang huli mong katanungan. Sapakat, bawat tanong mo, may katumbas na galaw sa ating laro. Alam kong marami kang nais malaman. Bawat galaw mo ng iyong mga piyesa maaari kang magtanong, isang sagot ang katumbas sa bawat safe move. Kapag nakuha ko ang piyesa mo, yung gusto ko ang masusunod. Pero kapag nakuha mo naman ang sa akin, maaari kang magligtas ng isa sa kanila o kahit sino pa, maaari ding humiling ka ng kahit ano.

Sabi ko na, nasa moves ko ang kaligtasan nilang lahat.

Gusto mong simulan na natin? Para hindi na sila maghirap pa.

Nagdadalawang isip ako. Gusto kong umatras pero hindi pwede. Kapag umatras ako manonood lang ako sa mga taong mahal ko habang pinaglalaruan niya. Pero kapag nakipalaro naman ako sa kanya alam kong dobleng hirap ang mararanasan nila. Kailangan ko itong ipanalo. Wala akong alam sa larong chess at dahil hindi ko kilala ang kalaro ko, hindi ko rin alam kung kailangan at paano siya mandadaya.

Ehh, di ako magsasabi kung nandadaya na ako, para hindi ka na nag-iisip pa. Pareho lang tayong naglalaro sa mabigat na dahilan, kung gusto mong manalo...maglaro ka, kung ayaw mo silang masaktan, manood na lang tayo sa kanila. Kahit ano pa ang piliin mong desisyon, makakasama mo ako diyan.

Masyado siyang makapangyarihan binabasa niya ang mga iniisip ko kahit pinipilit kong mag-isip ng hindi niya mababasa sa alam kong paraan. Inililihis ko na ang isip ko sa dalawang daan pero, nagagawa pa rin niyang basahin ang tama. Hindi siya basta-bastang nilalang. Makapangyarihan siya. At dahil hindi ko pa siya nakakalaban, hindi ko masukat kung hanggang saan. Pero kung sakali man, maaaring walang hangganan.....

Sino ba siya?

At bakit niya ito ginagawa?

Tama siya. Madamk nga akong tanong. At gusto kong bigyan ng kasagutan ang mga yun.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon