Episode 17 (Edited)

264 18 18
                                    

This episode is dedicated to:@ liezlkim

Proceed.....
*************

Emilee's POV

"MAMA!!!..........." paulit-ulit ko siyang tinawag at hinanap pero wala talaga siya. Wala ding aura niya na maaai kong sundan. Hindi pwede! Hindi siya pwedeng mapunta sa underground! Mamamtay siya dun! Mama!!!!.......

Nawalan na ako ng pag-asang makita siya hanggang sa matinding liwanag ang sumilaw sa amin ni Tomoki na nagmula sa kung saan. May taglay din kapangyarihan. "Ano yan?! Saan galing?!" Tanong ni Tomoki habang pareho kaming nagtatakip ng mga mata. Masyadong maliwanag, maaari kaming mabulag. Mga ilang segundo ng maramdaman kong parang nawala na yung liwanag na yun at ang naiwan na lag aura-------mahinang aura ni Mama. Mabilis akong dumilat at hinagilap siya ng tingin. Nakita ko siyang nahuhulog ulit, at sa pagkakataong ito, napapaluputan ng spiritual thread ang katawan niya. Wala pa rin siyang malay. Agad kaming lumipad ni Tomoki palapit para pigilan ang pagbagsak niya.

Dinala namin siya sa isang rooftop ng isang building at ginising. Pero ayaw niya pa rin magising. Nakita ko yung spiritual thread at sinusog ko ng tingin......nagmumula yun sa puso niya. Lumala na agad nung thread na yun! Ibig sabihin, hindi ito basta thread. Ito yung invisible spiritual thread na ikinabit ko sa kanya! Nakikita ko na ulit!

Pero imbis na matuwa ako lalo akong nag- alala. Kakaiba na yung thread na yun. Hindi na yun tulad ng dati. Parang may kung anong kapangyarihan na bumabalot doon na hindi naman nagmula sa akin.

Sinusog ko ng tingin ang ispiritual thread dahil gusto kong makita kung nasaan ang dulo nito. Pinalakas ko pa ang kapangyarihan ng mata ko para mas makita ko ng malinaw. Sinundan ko pa ng tingin ang thread hanggang sa makita kong may pinatutunguhan itong lugar.  "Tomoki,"

"Bakit?"

"Pakibantayan munA si mama ha. May titingnan lang ako."

"sige.....iuuwi ko na siya."

"Salamat. Magkita na lang tayo dun" pagkasabi ko nun, agad kong sinundan yung thread.

Dinala ako nito sa outer space. Bakit dito? Anong meron dito? Halos inilagay ko na ang iba ko pang kapangyarihan sa mga mata ko para mas makita ko ng malinaw kung anong meron sa labas ng mundo. Sa ganito kasing lugar nadedetect ko ang lahat ng energy na kung saan saan nagmumula. At para maituon ko ang sarili ko sa aking nakikita, ibinuhos ko ang kapangyarihan ko sa mga mata ko para hindi gaanong gumana ang iba ko pang senses.

Luminaw sa paningin ko ang lahat. Kitang-kita ko na ng mas malinaw pa ang invisible ispiritual thread na yun. Nabigla ako sa aking nakikita. Hindi ako makapaniwala. Parang hindi totoo.

Nakapahaba ng thread na yun na hindi ko alam kung paano nangyari. At tinalian ng thread na yun ang lahat ng bagay sa outers space. Yung mga planeta, yung buwan, mga batong may taglay na enerhiya. Tinaliang lahat ng thread. Lahat ng mga bagay na may taglay na enerhiya. At may isa pa akong napansin.

Hinihigop ng thread na yun ang lahat ng enerhiya ng mga bagay na yun patungo sa iisang direksyon.......

Si mama?????!

Hindi pwede!!!

Paano nangyari ito???

Bakit nagkaganito???

Hinihigop ng thread at dinadala kay mama ang lahat ng energy. At kapag nangyari yun.....hindi niya kakayanin yun! Ikakamatay niya yun! Tapos sa puso pa niya yun nakakonekta. Paano yun nangyari???? Sinong gumawa nito??? Ang sama niya!!!

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon